NB : 12

2.3K 227 65
                                    

QUEEN


Inabot na kami ng dilim sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam kung anong nangyari noon, pero nag-aalala ako sa kaalamang wala si Niall.

"Malapit na tayo," saad ni Zia na seryosong nagmamaneho.

Bahagya akong sumilip sa likod at napaismid nang makitang nahihimbing ng tulog ang tatlo. "They're sleeping," saad ko kay Zia kaya tumingin din ito sa likod.

"Wow ha, sarap ng buhay nitong tatlong 'to," turan nito at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Humawak ka maigi, Queen."

Walang pagdadalawang isip na sinunod ko ang kanyang sinabi. May naisip na naman siguro itong kalokohan.

Naipikit ko nang mariin ang aking mata nang bigla nitong bilisan ang pagpapatakbo ng truck. Agad rin akong nagmulat ng mata upang tignan ang mangyayari sa tatlo. Nakita ko kung paano gumulong ang tatlo at sumadsad sa pinto nang biglang magpreno si Zia.

Bahagya akong natawa nang marinig ang malakas na pagtama ng ulo ni Theo sa pinto ng truck.

"Shit!! I WANT TO HOME!!!!" sigaw nito at agad na tumayo at tumingin nang masama sa amin ni Zia.

Naihilamos na lamang ni Jay ang palad sa kanyang mukha habang si Raphael ay naupo ngunit pikit pa rin ang mata.

Humarap na ako sa kalsada at inayos ang pagkakaupo.

Kung titignang mabuti ay parang isang normal na bansa na ulit ang Pilipinas. Yun nga lang ay makalat at puro mga baging ang mga building at bahay. Marahil ay sa tagal ng panahon na lumipas.

Huminto ang truck sa tapat ng isang establisyemento. Dahil sa kadiliman ay hindi ko matukoy kung ano ito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa tabi ni ZIa at agad itong bumaba.

"Wala na rin zombies dito," saad nito kaya gamit ang kanang kamay ay inalis ko ang seatbelt at agad na bumaba ng truck.

Binalot ng lamig ang buo kong katawan dahil sa malakas na pagsimoy ng hangin.

"Eto yung grocery store ni Jelly," saad nito at nalagkad palapit sa akin. Ang establsyemento palang hintuan namin ay ang tinutukoy niyang grocery store.

"I think it's lock," saad ko nang makita na ang mga salaming dingding ay may nakadikit na mga dyaryo at ang glassdoor na nagsisilbing entrance ay nakakadena sa labas.

"Tayo ang gumawa niyan," saad ni Zia na ang mukhang tinutukoy ay ang mga nakadikit na dyaryo at ang pagkakakadena ng entrance.

Naglakad ito palayo sa akin at huminto sa tapat ng isang railings. No'n ko lamang iyon napansin.

"DIto naman tayo lagi pumapasok noon. Hindi ko alam kung naaalala mo, pero maliit na parking lot 'to tapos dito tayo nagkakilalang tatlo." Ngumiti sa akin at hindi ko naman nakita ang pagsisinungaling sa mukha niya.

Tumango lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin gayong nangangapa pa ako.

Umupo ito sa harap ng railings at sinubukang iangat iyon pero hindi siya nagtagumpay.

Pinagpag nito ang kamay at tumingin sa akin.

"Hindi tayo makakapasok," saad ko na nginisian nito.

Walang salitang naglakad paalis si Zia. Diretso lamang ito at huminto rin sa harap ng isang malaking bintana.

Parte pa rin ba iyon ng sinasabi niyang grocery store?

Lumapit ako sa kanya at halos mapangiwi ako nang makitang natanggal nito ang salaming bintana. May binds na nakaharang doon at hinawi lamang nito iyon at nakita na namin ang loob ng grocery store.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now