NB : 8

2.3K 206 33
                                    

JAY

"Eto na ba lahat?" tanong ko nang ilapag ni Theo ang huling galon ng gasolina na gagamitin namin para sa truck.

"Yep, also Raphael's already packing the food in a box. It is good for two months already."

Tumango ako at lihim na nagpasalamat dahil hindi pa sinusumpong nang kaabnormalan si Theo.

"We'll leave tomorrow?" tanong sa akin ni Mommy Queen.

She's using her right hand to fix all of our clothes.

I nodded and smile genuinely. "Nasaan si Mama Zia?" tanong ko.

Kanina ko pa hindi napapansin si Mama Zia, saan naman kaya naglalagi 'yon.

"Ewan ko rin. Kanina lang ay nandito 'yon sa tabi ko at kumakain," sagot ni Mommy Queen. Napailing na lamang ako dahil mukhang nagliliwaliw na naman si Mama Zia.

Pumunta ako sa kabilang panig ng cabinet at napaawang ang aking labi nang makita roon si Mama Zia at kasalukuyang kinukulit si Raphael.

Oo, kinukulit talaga dahil sobra na ang pagkakakunot ng noo ni Raphael.

"I told you to stop!" Raphael shouted and glared at Mama Zia.

"Bakit?!" ganting sigaw ni Mama Zia at harap-harapan pa nitong sinigawan sa mukha ang kaibigan.

"Darn it! Stop spitting on my face!" Pinunasan ni Raphael ang mukha para lamang muling sigawan ni Mama Zia sa mukha.

"Hindi kita dinuduraan!"

"Fuck," he cursed and move away.

I chuckled and just shook my head. Better leave those two. Ayokong madamay sa init ng pag-aasaran nila.

"I heard Zia's voice."

Mommy Queen said while she's busy still fixing all the clothes.

"Raphael and Mama Zia are talking," saad ko na at naupo sa harap nito upang tulungan ito sa ginagawa.

"Usap lang ba talaga? Mukhang nag-aaway sila."

Natawa ako sa sinabi nito dahil mukhang nahalata sa boses ni Mama Zia na nanggagalaiti ito.

"Usap lang para sa kanila 'yon. Normal na siguro," binuntutan ko muli iyon ng tawa.

"Sana lang talaga nakakaalala ako para hindi ako naliligaw sa inyo," malungkot na saad nito.

Ngumiti lamang ako at hindi kumibo.

ZIA

"Bobo mo naman," turan ko nang ilagay ni Raphael ang isang pack ng oreo sa ibang kahon.

"Who's bobo? Are you really a girl? Can't you talk properly."

Tiningnan ko ito at halos mapabunghalit ako ng tawa dahil sobrang namumula na ang mukha niya sa inis.

"Maayos akong nakapagsasalita, pwera na lang kung susumpungin at hindi ko na naman maigalaw ang bibig ko," saad ko at kinuha ang isang pack ng oreo.

"Ako na magtatabi nito," saad ko at ngumisi.

Umiling agad ito at mabilis na inagaw mula sa akin ang oreo.

"No! I don't trust you, woman!" singhal nito na nagpahaba ng aking nguso.

"At bakit?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Hindi ko naman 'yan kakainin!" saad ko at tiningnan ang oreo na kanina lamang ay hawak-hawak ko.

"The fact that you said that is not true at all. I may not know you, but Jay said that I should keep all the foods away from you," mahabang turan nito. Iyon  na yata ang pinakamahabang sinabi niya ngayong araw.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now