NB : 5

2.4K 225 57
                                    

QUEEN

Nagpresinta akong maghugas ng pinggan  pero hindi pumayag si Jay dahil sa kaliwang kamay ko.

Pinanonood ko si Jay na ngayon ay nag-aayos ng mga food supplies na dinala sa kanila kanina lamang.

It's still awkward for me. At hindi pa rin ako makapaniwala na naging zombie ako at wala ni isang maalala.

And Jay keep saying that he's my son... I'm one of her mother. That's what he said to me. Ikinunot ko ang aking noo at pilit hinalukay sa aking isip kung paano ko nakilala ang Jelly at Zia na tinutukoy niya. Pero kahit yata pumutok ang ugat ko sa ulo ay wala akong maaalala.

Napapitlag ako nang makarinig ng langitngit ng kama mula sa kabilang panig. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nilagpasan ang malaking cabinet na siyang naghahati ng tulugan at nang ginawa nilang kusina.

Napataas ang aking kanang kilay nang wala namang tao na siyang magiging dahilan ng paglangitngit ng kama.

Nagkibit balikat ako at binalingan si Zia na ganoon pa rin ang itsura. She still looks like a zombie pero hindi na masyadong katulad ng mga zombie sa labas.

Inilibot ko ang aking mata at nag-isip kung ano ang pwede kong gawin. Pero napabuntong hininga na lang ako nang wala akong makita na pwedeng paglibangan.

Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag wala pa akong ginawa. Nasanay ako sa hospital na palaging nay ginagawa at minu-minuto ay may pinupuntahang pasyente.

"You're okay?"

Bigla akong napalingon sa aking likod nang may nagsalita.

Bahagyang tumagilid ang aking ulo upang alalahanin kung sino ito sa kasama ni Jay.

"Limuel," sambit ko sa pangalan nito.

Nakita ko ang bahagyang pagsalubong ng kanyang kilay at pagtapos ay umiling.

"It's Raphael, not Limuel."

Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin dahil sa pagkapahiya. I'm not really good on memorizing names. Nasanay ako sa hospital na kapag may nakakahalubilong tao ay may mga name tag or pin ang mga ito.

"Raphael... Raphael... Raphael... Rapha--"

"Stop mumbling."

Napahinto ako sa ginagawang pag-uulit sa pangalan nito.

"Call me what ever you want," dagdag nito at tumalikod sa akin.

"Are you bored?" tanong nito sa akin habang may kung anong kinakalikot sa isang itim na bag na nasa ibabaw ng kama.

"Sobra," tipid na sagot ko.

"You can clean the womans bathroom," ani nito at tumingin sa akin nang seryoso.

Nang tumingin ito sa akin at narealize kong itong lalaking ito ang pinakaseryoso sa kaibigan ni Jay. Hindi katulad nung Cleo... Piolo? Basta yung lalaking mukhang normal pero kapag nagsalita abnormal pala.

"No. I'll ask Theo to clean the womans bathroom. Mommy Queen can't do that because of her left hand."

Sabay kaming napatingin ni Rimuel kay Jay nang bigla itong sumingit.

"Hindi naman ako baldado, naigagalaw ko ang kanang kamay ko," katwiran ko na siyang totoo.

"It's still a no for me, Mommy Queen!" saad nito at sunod-sunod na umiling.

"Man, stop that. You look like a kid having a tantrums."

Impit akong napatawa sa tinuran ni Rowell. Just a while ago, Jay acted like a kid. I don't know why but that makes my heart warm.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now