NB : 18

2.1K 209 43
                                    

ZIA

"Bakit ka nakanguso?" tanong sa akin ni Jelly nang makalabas ako ng kwarto bitbit ang plato na may laman pang pagkain.

"Wala kang gana?" tanong sa akin ni Jay pero umirap lang ako.

"She can't talk again," si Raphael na ngayon ay nakangisi.

"Eh? Nakanguso?" si Queen na tumingin sa akin at pagtapos ay tumawa. "Hope, you're okay," ani nito na may himig panunukso.

Umirap lang muli ako at padabog na inilipag ang plato sa lamesa.

Gutom pa ako punyeta, wala pang limang subo naglock na agad bibig ko. At talagang nakanguso pa. Kasalanan talaga 'to ni Rhio eh. Humanda sa akin ang tukmol na 'yon pag-gising niya.

Hinimas ko ang aking baba bilang masahe. Kailangan ay gumalaw na agad bibig ko para makakain na ako. Kanina pa kumalam sikmura ko at nagtatalo na ang bituka ko.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at napahinto ako nang makitang nakamulat na ang mata ni Rhio. Mukhang ayos na ito dahil hindi na mapungay ang kanyang mata at hindi na siya mukhang nanghihina.

Gigil kong dinampot ang isang unan at ibinato rito.

"Ouch!! The heck!! Problema mo, Zia?" Nakakunot ang noong baling nito sa akin. Ang kamay ay nasa tagiliran na nilagyan ni Queen ng benda kanina.

Tumingin ako sa kanya nang masama. Naalis ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan ng isang ngisi ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bakit ka nakanguso?" tanong nito na sinagot ko nang isang pag-irap.

"Gusto mo ng kiss ko?" asar nito at pinilit na maupo.

Nanlalaki ang aking mata sa kakapalan ng mukha niya. Kiss? Ako? Gusto ng kiss? Asa naman siya, baka nga hindi pa nagtotooth brush ang tukmol na ito.

"Come here, I'll kiss you," asar nito at binuka ang dalawang kamay na para bang inaaya akong yakapin siya.

Dinampot ko muli ang isa pang unan at ibinato sa kanya.

Ipinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko at agad na tumalikod palabas ng kwarto.

"Gising na si Rhio?" tanong sa akin ni Jelly na tinanguan ko. Naupo ako sa kanyang tabi at nagkrus ng braso.

Nakangusong masama ang aking tingin sa pagkain ko na hinatid ni Raphael kanina. Hindi ako makakain dahil sa bwiset na side-effect na 'to. Grrr!

Napalingon ako sa kwarto nang bumukas ang pinto no'n at lumabas si Rhio na nakangiwi.

"Sit," si Queen at itinuro ang dulong upuan. Agad tumalima si Rhio at naupo roon.

"Hindi namin alam kung paano sisimulan ang pagtatanong. Kasi sa totoo lang, sobra rin kaming naguguluhan," ani ni Jelly na sinagot ni Rhio nang isang inosenteng tingin.

"Paano ka naging tao ulit?" tanong ni Queen na sa pagkain nakatutok ang atensyon.

"Wait, pwedeng pakainin niyo muna ako?" sagot ni Rhio na nakataas pa ang dalawang kamay.

Nanlaki ang mata ko nang biglang hilahin ni Queen ang aking plato.

Hinawakan ko iyon para pigilan ito pero tinignan lamang ako nito nang seryoso.

Dahan-dahan kong binitawan ang plato at sinundan iyon ng tingin na ngayon ay patungo sa harapan ni Rhio.

"Eat," saad ni Queen na sinunod ni Rhio.

Akin 'yan!! Puta!! Pagkain ko 'yan!!

Halos maiyak ako habang pinapanood si Rhio na ganang-gana sa pagkain.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now