NB : 10

2.3K 232 71
                                    

JAY

Bago lumabas ng truck ay naghanda ako ng dalawang sleeping gas in case na may mga zombie na bigla na lang susulpot.

"Wait!" agap sa akin ni Mama Zia bago ko maitulak pabukas ang pinto.

Tinignan ko siya nang nagtatanong ngunit nakakunot ang kanyang noo.

"Walang zombie sa loob ng convenience store."

Umawang ang aking labi at lumapit sa kanila ni Mommy Queen.

Isiniksik ko ang aking ulo at sumilip sa bintana.

Kahit may kalayuan kami sa convenience store ay halatang wala ni isang zombie roon.

"Paano 'yan?" tanong ni Mommy Queen. Itinatap nito ang daliri sa dash board. Lagi kong nakikita na ginagawa niya iyon kapag kinakabahan, natetense or may iniisip siya.

"Magmasid muna tayo sa mga zombie na nandito sa kalsada," saad ni Mama Zia at itinulak ang aking mukha paalis sa gitna nila ni Mommy Queen.

"Ako na maghahanap kay Rhio, doon ka sa loob, ang panget mo."

Halos umusok ang bunbunan ko sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi nito nakalilimutang asarin ako.

Sana siya na lang ang nagkaamnesia at hindi si Mommy Queen.

Umismid ako at naupo sa tabi ni Raphael.

"That girl will be the death of me!" gigil na bulong ni Raphael habang nakasapo sa kanyang noo.

"It's reallu not a good idea to let her drive," gatong nito at tumingin kay Theo na nakahiga sa sulok at naghihilik.

Mukhang napagod ang gunggong kahit na nakasakay lang ito. Sino ba kasing hindi mapapagod kung halos pakiramdam mo nasa space ka, lumulutang at bumabangga ang katawan sa kung saan-saan.

Umalis ako sa tabi ni Raphael at lumapit sa mga kahon na mukhang okay pa naman.

Nagbukas ako ng isang kahon at kumuha nang makakain doon.

Inabot ko ang dalawang lata ng peach kina Mommy Queen at Mama Zia.

Hinagisan ko rin si Raphael at awtomatiko nito iyong sinalo.

Tinignan ko si Theo at nagkibit balikat na lamang. Mas mabuti kung matutulog muna siya.

Umupo ako at isinandal ang ulo sa pader. If I'm not mistaken, Mommy Jelly became a zombie first before Kuya Rhio.

"Kay Momma Jelly na ba tayo sunod?" tanong ko kay Mama Zia, hindi ko na pinansin ang tono ko na alam kong may paggalang. Kahit naman mas matanda ako sa edad nila ngayon ay sila pa rin ang mga Nanay ko.

Bahagya lang lumingon si Mama Zia sa akin at tumango.

"Silang dalawa ni Archer," saad nito habang ang bibig ay punong-puno ng peach.

"Kamusta si Agatha?"

Napangiwi ako dahil nalimutan ko si Ate Agatha. "She's fine, I think. She misses you all," sagot ko. "Especially Kuya Archer," dagdag ko.

"Matanda na siya?"

"Ahm yeah, since hindi siya naging zombie."

Bubuka na sana ang labi ni Mama Zia nang bigla ay kumunot ang noo nito at gigil na inilapag ang lata ng peach sa dashboard.

"Ano? Hindi ka na naman makapagsalita?"

Natawa ako sa sinabi ni Mommy Queen dahil parang pang-aasar ang tono na nahimigan ko roon.

Tumango si Mama Zia at ginulo ang sariling buhok. Sa 34 years na nabuhay ako, ngayon lang ako magpapasalamat nang sobra-sobra. Salamat at bibig ni Mama Zia ang may diperensya.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now