NB : 9

2.3K 231 73
                                    

ZIA

"Bilis! Bilis!" hindi magkandaugagang saad ko dahil ang tagal-tagal maubos ng gasolina sa galon. Hindi ako nagmamadali dahil kinakabahan ako, nagmamadali ako dahil gustong-gusto ko ng magdrive!

"You do it then!" sagot nito at tinignan ako nang masama.

Magsasalita na sana ako nang bigla ay hindi ko na naman maibuka ang bibig. Punyeta talaga, bakit ba ang malas malas ko! Siguro may balat sa pwet 'tong si Jay!

Umirap na lamang ako dahil kahit gusto kong murahin si Theo ay hindi ko magawa dahil naglock na naman ang aking punyetang panga.

Bumaling ako kay Queen at seryoso lang itong nakatingin sa paligid namin. May mga zombies na papunta sa direksyon namin ngunit malayo pa ang mga iyon.

Ang iniisip ko ngayon ay paano kapag naubos ang sleeping gas namin, kahit ayaw ni Jay ay kailangan naming barilin ang mga zombie.

Humarap ako sa truck at nakitang bukas ang pintuan sa passenger seat. Nakayuko si Theo sa aking harap at medyo malayo sa akin ang tapakan paakyat sa passenger seat.

Ngumisi ako sa aking utak at walang paalam na tumuntong sa likod ni Theo.

"What the!!" angal nito at nilingon ako.

Humawak ako sa ulo ni Raphael dahil nakatayo ito. Tinignan ako nito nang masama habang ako ay pinanlalakihan siya ng mata.

Hinila ko pabukas ang pinto ng passenger seat habang nakahawak pa rin sa ulo ni Raphael at nakatuntong sa likod ni Theo.

Naririnig ko ang mahihinang reklamo ni Theo dahil kuno sa bigat ko. Duh, magaan lang ako 'no, OA lang talaga 'tong si Theo.

Sumampa na ako sa maliit na hagdan ng truck at agad pumasok sa passenger. Gusto kong maubo dahil sa alikabok pero hindi ko magawa dahil sa bibig kong ayaw magbukas at sara. Nyemas talaga, kabadtrip.

"Safe ba sa loob?" tanong sa akin ni Queen, nakakunot ang noo nito habang nakatingala sa akin.

Lumingon ako sa aking likod at napansin kong isang sliding window ang naghahati mula sa pinakaloob ng truck at nitong driver at passenger seat.

Napalunok ako ng laway dahil baka mamaya ay may zombie sa loob, oras na buksan ko ang sliding window ay baka bigla may humila sa buhok ko, katulad nang nangyari kay Jelly roon sa presinto. Ibig kong matawa nang maalala ang pangyayaring iyon. Buong-buo sa alaala ko ang ginawang pagsabunot ng isang zombie sa kanya.

Tumikhim si Queen kaya agad akong kumilos at pikit matang binuksan ang sliding window.

Nang bumukas iyon ay agad akong yumuko at at nakiramdam. Nang wala akong narinig na kung ano ay dahan-dahan akong sumilip.

Sumenyas ako ng okay kay Queen kaya tumango ito. Sinenyasan ko siyang sumakay na at siya ang pumwesto sa passenger seat.

Kumunot ang noo ni Queen at napatango ito nang mukhang mapagtanto nitong hindi na naman ako nakakapagsalita.

Walang sali-salitang tumuntong din ito sa likod ni Theo. Narinig ko ang malakas na pag-groan ni Theo at mahinang pagmumura.

"Are you cursing my Mommy Queen, ha?" maangas na saad ni Jay na masama ang tingin kay Theo.

"I'm not!!" sigaw ni Theo at hinagis nito ang galon ng gasolina na wala nang laman.

"Done already!" may gapak sa ulo na saad ni Theo. Itinaas pa nito ang dalawang kamay matapos isara ang tank na pinaglagyan ng gasolina.

"Safe sa likod," saad ni Queen at malakas nitong isinara ang pinto ng passenger seat habang ako ay lumipat na sa harap ng manibela.

Naghagis ng isang sleeping gas si Jay nang makalapit na ang mga zombie sa amin. Mabilis na kumilos ang tatlo at isinakay sa likod ang mga kahon na naglalaman ng damit at pagkain namin.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora