NB : 33

1.9K 206 26
                                    

QUEEN

Naimulat ko ang aking mata dahil sa pakiramdam na para akong nakasalang sa isang apoy.

Nanaginip ako na nasa harap ng isang malaking apoy, at hindi ko alam kung ano ba ang nasusunog na iyon. Pero kahit panaginip lang iyon ay ramdam na ramdam ko ang init.

Pinunasan ko ang aking pawis sa mukha gamit ang laylayan ng aking blouse na suot. Matapos ay tinignan ko si Zia na payapang natutulog sa aking tabi, nakanganga pa ito at may laway na umaagos doon.

Napailing na lang ako bago ipinatong sa katawan nito ang aking kumot.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Nadaanan ko pa sina Maze -ang niligtas namin noon- na mahimbing ang tulog sa malaking espasyo bago tuluyang makapasok sa ginawa naming kusina.

Dumiretso ako sa isa pang kwarto kung saan naroon ang mga ginamit naming laptop, maliit na monitor para sa sasakyan para alam namin kung saan kami pupunta noon, at ang mga ilaw na ginagamit namin sa sasakyan, Naalala ko na nagawang pasukin ni Zia noon ang satellite ngunit hindi na rin namin nagamit dahil unti-unti ay nawawala na ang connection.

Lumabas ako at dumiretso sa kusina. Naagaw ng bakal na pinto sa kusina ang aking atensyon. Lumapit ako roon at binuksan, ingat na ingat upang hindi lumikha ng ingay at maglangitngit ang bakal na pintuan.

Sumalubong sa akin ang masikip na eskinita at bigla na lamang akong napangiti nang maalala ang ginawa naming pagtakbo rito ni Jelly habang hinahabol kami ng mga zombie.

Napaatras ako at napatakip sa aking bibig.

"Si Jelly," bulong ko at nanghihinang napahawak sa bakal na pinto.

Inilibot ko ang aking mata sa buong kusina at halos hindi ako makapaniwala nang sunod-sunod na pumasok sa aking utak ang iba't-ibang imahe.

Mga pangyayari 31 years ago. Yung mga pangyayari mula sa apat na taong inilagi namin dito.

Hindi ko napansing umaagos na ang luha sa aking pisngi dahil sa kasiyahan.

"M-May naaalala na 'ko," anas ko bago matamis na ngumiti.

"Queen?"

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Dali-dali kong tinuyo ang aking basang pisngi bago nag-angat ng tingin.

"N-Niall," nauutal na sambit ko sa pangalan ng taong siyang tumawag sa akin.

"Okay ka lang? Bakit gising ka pa?" tanong nito sa akin.

Hindi mapakali ang mata nito at tila pinag-aaralan ang aking mukha.

"Umiyak ka ba?"

Agad akong umiling bilang sagot.

"Bakit gising ka pa?" tanong nito muli.

"Bumalik na ang ala-ala ko."

Iyon lamang ang aking tinuran pero nakapagtatakang nawalan ng kulay ang mukha ni Niall.

Namutla ito at tila nanigas sa kinatatayuan.

Nagbukas-sara ang bibig nito na tila may gustong sabihin.

"Ok--" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang bigla na lamang ako nitong talikuran, at sa isang iglap lang ay nawala na ito sa aking paningin.

"Anong nangyari ro'n?" nagtatakang anas ko habang nakasilip sa pinto ng kusina.

Nagpasya akong isawalang-bahala na lamang iyon, ang importante ngayon ay may naaalala na ako, hindi na ako maiilang at maa-out of place kapag may pinag-usapan sila na tungkol sa nakaraan.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now