NB : 35

1.9K 199 17
                                    

JAY

"Hey....kiddo."

Kiddo?

Nag-angat ako ng tingin upang tignan kung sino ang tumawag sa akin ng kiddo.

Napailing na lamang ako nang makita si Kuya Archer na nakapamulsa at nakaharap sa akin.

Tinignan ko lamang siya at hindi kinibo.

He sighed and copied my position.

He even cross his arms on his chest at pati ang pagkakaayos ng aking paa ay gayang-gaya nito.

"I'm sorry," saad nito at bumaling sa akin.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinanaw ko ang papasilay na na araw. Mag-aalas singko pa lamang ng umaga pero heto at nasa labas na kaming dalawa.

"I'm saying sorry for all the things we've done, my father, Avery, Niall, those people inside the building, and also Me...I'm really sorry."

Nagbuga ako ng hangin at dumiretso ng tayo. May kaunti lang na galit sa aking dibdib at alam kong mawawala lamang iyon oras na makita ko sa personal si Momma Jelly at masigurong ayos na nga ito.

Pero kung magkita man kami, alam kong sasabihin niyang walang may kasalanan sa nangyari, at nakatadhana na iyon.

"Okay na 'yon. Basta matigil lang ang ginagawa ng ama mo ay okay na 'ko, kami. Kung pinagkakatiwalaan ka ng mga nanay ko, bakit naman ako tututol. Tsaka alam kong babawi ka...."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito.

"I really want to. Gusto kong bumawi kay Jelly, pero paano? She's not here anymore."

Nabakas ko ang lungkot sa boses niya pero ibig kong matawa nang maalala na sinabi namin ni Mommy Queen na patay na si Momma Jelly. At naniniwala pa rin si Kuya Archer doon.

"Sorry rin," anas ko.

Binigyan ako nito ng tingin na tila nagtataka.

"Ha?"

"Wala." Umiling ako at tinapik na lamang ang balikat ni Kuya Archer.

Tumalikod na ako at pumasok sa loob, nakasalubong ko pa ang isa sa tinulungan namin noon na si Mori. Nakapikit pa ang isang mata nito at nang makita ako ay agad na pinalaki ang mata.

"M-Morning!" bati nito na tinanguan ko lang.

Lumiko ito at dumiretso sa kusina.

I heard a gasped kaya naman sinundan ko ito.

"What happened?" tanong ko.

Humarap ito sa akin at itinuro ang lubid na nasa sahig.

"Nakatakas yung babae!" saad nito.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mata at sinuklay paitaas ang aking buhok gamit ang kaliwang kamay ko.

"Shit," mura ko at nameywang.

"Delikado tayo," ani ko at lumabas ng kusina.

Binalikan ko si Kuya Archer na nasa labas pa rin, nakatingala ito sa langit at tila malayo ang iniisip.

"K-Kuya Archer," tawag ko rito. Ngayon ko lang napagtanto na ang awkward na tawagin itong Kuya.

Napapitlag ito at tila gulat na humarap sa akin.

"Nakatakas yung girlfriend mo," saad ko na nagpakunot ng noo nito.

"She's not my girlfriend," sagot nito.

Talagang mas binigyang pansin pa nito ang pagtanggi na girlfriend nito ang babae.

LAHAT KAMI ay nakapangalumbaba sa mahabang lamesa.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now