NB : 20

2K 206 27
                                    

QUEEN

"Sakay, bilis!" saad ni Zia.

Nang makitang pinasasakay na nina Jay ang mga taong iniligtas namin ay agad akong pumasok sa passenger seat.

"Pasensya na kayo, pero pagkasyahin niyo na lang ang sarili niyo," saad ko habang nakatingin si likuran ng truck.

Bumukas ang driver seat at naupo na si Zia roon. Mas mapabibilis kami sa pagtakas kung si Zia ang magmamaneho.

"Shit," mura ko at napatakip sa tenga nang makarinig ng isang putok ng baril.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Niall na papalapit na sa amin.

"Bilis, Zia!!" sigaw ko nang halos hindi nito maisuksok ang susi.

"Putang-ina!" mura nito nang maipasok ang susi.

Nayakap ko ang aking sarili nang patakbuhin na nito nang mabilis ang truck.

Nakarinig pa ako ng isa pang pagputok nang baril ngunit dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Zia ay malayo na ang tunog no'n.

Iba't-ibang buntong hininga ang aking narinig mula sa likod ng truck.

Tumingin ako sa side mirror at nang makitang walang nasunod sa amin ay mas nakahinga ako nang maluwag.

"Thank God," bulong ko at hinang-hinang isinandal ang likod sa backrest.

Bumagal na rin nang kaunti ang patakbo ni Zia dahil mukhang alam nitong mahihirapan ang mga nasa likod ng truck kung mabilis ang pagpapatakbo niya.

Halos walang gustong kumibo sa amin. Marahil ay kabado pa rin ang mga ito.

"Anong meron? Bakit? Bakit niligtas niyo kami? Tsaka bakit tao na ulit kami? Panaginip lang ba na naging zombie ako?"

Lakas loob na saad ng isa sa mga tinulungan namin. Mahaban ang buhok nito na aabot hanggang beywang at katamtaman ang kulay ng balat.

"Lahat ba kayo ay may naalala?" tanong ni Rhio na halos tanguan ng lahat.

"Kapag nalaman nilang may naaalala kayo, papatayin nila kayo. Nakita niyo naman siguro yung dinaanan natin kanina di'ba? Isa 'yon sa patunay na pinapatay nila ang mga tao na naaalala kung sino sila," paliwanag nito.

Halos mahintakutan ang lahat ngunit kami nina Zia ay kalmado na.

"B-Bakit? Bakit naman nila gagawin 'yon?" tanong din ng isa pang babae. Mahaba rin ang buhok nito ngunit para itong lalaki sa asta ngayon.

"Yun ang hindi namin alam at gusto naming tuklasin," sagot ni Jay na nakapikit ang mata.

Tumakbo lang kami, pero parang kilometro ang tinakbo namin dahil sa pagod.

"Paano kami?" tanong ng isa pa. Maputi ito, matangos ang ilong at may voluptuous body.

"Nasa inyo na kung tutulong kayo o hindi. Pero kung hindi kayo tutulong ay wala kayong ibang mapupuntahan," singit ko at tumingin sa kanila nang seryoso.

"Wala akong naiintindihan," mahinhin na saad ng isang babae. Mahaba ang buhok nito at bahagya itong may pagkakulot.

"Magpahinga na muna kayo, sa tinutuluyan na namin kayo magtanong nang magtanong," ani ko at umayos na ng upo.

Pinagkrus ko ang aking braso ngunit agad ko ring inalis nang hindi makaramdam ang kaliwang kamay ko.

Hinawakan ko iyon at hinilot. I made some arm exercise pero wala pa rin. Hindi ko pa rin ito naigagalaw.

Nagbuntong hininga na lamang ako at ipinikit ang mata.

BUMABA agad ako nang huminto ang truck sa tinutuluyan namin.

Bumaba na rin ang mga tao na nasa likod nang truck.

Nakasunod ang mga ito sa amin. At kung susumahin ay nasa pito sila.

Kumunot ang aking noo dahil tila kaunti kami sa aking paningin.

Nagkibit balikat na lamang ako at pumunta sa kusina.

Naabutan ko si Zia na naglalabas nang makakain.

"Kaya pa ba?" tanong ni Jay na bigla na lamang sumulpot.

"I'll ask Raphael call his buddy for supplies," saad nito na tinanguan namin ni Zia.

Lumabas kami ng kusina at naabutan namin ang lahat na nakaupo sa sahig.

Hindi sapat ang upuan na meron kami rito para makaupo silang lahat.

Inilapag ni Zia sa gitna ang biscuit na kinuha niya habang si Jay ay may bitbit na pitsel ng tubig at mga baso.

"So, anong pangalan niyo?" tanong ng babaeng may maikling buhok.

Tinignan ko sila isa-isa at doon ko lamang napansin na puro sila babae.

"Anong pangalan niyo?" tanong ni Zia na nauna nang lumantak ng biscuit.

"Ahm, I'm Maze," saad ng babaeng may mahabang buhok at bagsak.

"Meteor here!" saad ng babae na astang lalaki sa aking paningin.

"Ako po si Mori," pakilala nung babaeng mahinhin. Mukha itong hindi makabasag pinggan.

"Bell Moon, here. Pero tawagin niyo na lang po akong Bell," saad ng isa na kulay kayumanggi at hanggang ilalim ng kili-kili ang haba ng buhok.

"Melissa," tipid na pakilala ng babaeng matangos ang ilong. Maganda ito sa aking paningin.

"Maizeleen po," pakilala nung maikli ang buhok.

"Ako naman po si Cassy," saad ng isa. Cute ito at mukhang siopao.

Siopao.....kailan ba nung huli akong kumain ng siopao.

Teka nga..ano ba itong pinag-iisip ko. Kailan pa ako naging interesado sa pagkain. Lumingon ako kay Zia at ngumiwi. Hindi ako katulad ng isang 'to.

"So, anong nangyayari?" tanong ni Maze....yata.

"Hindi rin namin alam. Basta ang sigurado lang kami ay hindi maganda ang gustong gawin ng mga tao na nasa building. O kung sino man ang nagtayo no'n. Paniguradong may balak itong gawin," sagot ni Rhio na pinanonood si Zia kumain.

Nagsalin ito ng tubig sa baso at inabot iyon kay Zia na agad naman nitong tinanggap.

"Tsaka bakit nila papatayin lahat ng may naaalala. Hindi ba masyadong.....kawawa naman sila," ani ni Mori. Ito lang yata ang matatandaan ko sa lahat dahil sa pagiging mahinhin nito.

"Kailangan natin malaman lahat, dahil kahit kami ay puno ng katanungan ang isip," si Jay.

"Magpahinga na kayo," ani ko at nauna nang tumayo.

Marami pang oras para mag-usap pero mas maganda kung magpapahinga na muna kami.

"Teka, anong pangalan niyo?" tanong nung babae na astang lalaki.

"Ako si Zia!" pakilala ni Zia at may tumalsik pang pispis ng biscuit mula sa bibig nito.

"I'm Jay."

"Hi, Theo the handsome here."

Sabay kaming napaismid ni Zia sa sinabi nito.

"Rhio," tioid na pakilala nito habang ang mata ay nakatutok pa rin kay Zia.

"I'm Queen," saad ko at tumahimik ang paligid.

Napalingon ako sa paligid nang hindi ko marinig ang boses ni Jelly.

"Shit!!" mura ni Jay.

"Nasaan si Jelly?" si Zia na mukhang natauhan at ganoon rin ako.

"Si Raphael din....nawawala."

~~~~
Don't forget to vote. Thankyouuuu mwaaaa heheh.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now