NB : 38

1.8K 196 14
                                    

ZIA

Habang nag-aalmusal kami ay pansin ko na panay ang tinginan ni Queen at Raphael. Kagabi pa ako nakakahalata sa dalawang 'to eh.

Hindi ko maenjoy ang kinakain ko dahil panay ang masid ko sa kanilang dalawa at nakikiramdam ako.

Feeling ko talaga ay may something o mayroon silanh dalawa lang ang nakakaalam tapos ayaw nilang sabihin.

Nang muling magtinginan ang dalawa ay hindi na ako nakapagpigil.

Ibinagsak ko ang hawak kong kutsara at dahil sa nilikhang ingay no'n ay naagaw ko ang atensyon nilang lahat.

"Ano bang meron?" tanong ko na pinagsalitan ang tingin kay Raphael at Queen.

"Why?" nagtatakang tanong ni Jay na sinundan ng tingin ang tinitignan ko.

"Si Queen kasi at si Raphael, panay ang tinginan eh," ani ko na umani nang pagsinghap sa lahat pwera kay Queen na nagbuntong hininga.

"Baka nagliligawan sila?"

Matapos ang sinabi ni Meteor ay napabaling kami kay Niall na dinalahit ng ubo.

"S-Sorry, yung tubig kasi," turan ni Niall na mabilis na nag-iwas ng tingin.

"So?" baling ko na muli kina Queen.

Ngayong sigurado akong meron nga silang tinatago ay hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano 'yon.

"One of buddy contact me last night."

"Raphael!!" angil ni Queen kay Raphael nang magsalita ito.

Okay, so mayron ngang kakaiba sa dalawang 'to.

Nagyuko ng ulo si Raphael na para bang sinasabi nitong 'Ikaw na, Queen ang magsabi,' .

Narinig naming lahat ang malakas na pagbuga ni Queen ng hangin.

Nagsimula na naman itong itap ang daliri niya sa lamesa kaya lumilikha iyon ng maliliit na tok-tok-tok.

Nang mag-angat si Queen ng tingin ay nagtama ang mata namin. At base palang sa mata nito ay alam kong may nangyaring hindi maganda.

Nagsimulang kumabog nang mabilis ang aking dibdin kahit wala pa 'man akong naririnig.

"Shit," mahinang mura ko nang marealize ang isang bagay.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit kokontakin si Raphael ng kasamahan niya.

"Anong nangyari kay Jelly?" tanong ko na hindi magawang tumingin kay Queen.

Nakatulala ako sa aking plato at halos wala pa sa kalahati ang bawas ng pagkain ko pero nawalan na agad ako ng gana.

"Jelly? You mean Momma Jelly?"

Tila naguguluhang tanong ni Jay.

Binalot ng katahimikan ang buong kusina hanggang si Archer ang naglakas loob na bumagsag ng katahimikan.

"What happened? You said Jelly's already dead? So what's happening?"

Napatapik ako sa aking noo dahil sa sinabi ni Archer, naalala ko na hindi nito alam na buhay pa si Jelly at nagsinungaling si Queen at Jay sa kanya.

"We lied," si Jay ang sumagot.

Nakarinig kami ng isang malutong na mura kay Archer pero hanggang doon lang iyon.

"I get it," saad nito at umiling na lamang.

Mukhang kahit hindi sabihin nina Queen ang dahilan ay naiintindihan naman yata nito kung bakit pinalabas nina Queen na patay na si Jelly.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now