NB : 23

2K 200 51
                                    

ZIA



"Tangina talaga," mura ko at iniwan silang lahat sa labas. Nauna na akong bumalik sa truck at sumakay sa driver seat. Nanginginig ang kalamnan ko sa gigil at inis. Gustong-gusto kong sumugod doon at pagbabarilin ang mga putangina.

Nagbuga ako ng hangin at pilit iniiwas ang tingin kina Queen. Si Jay at Queen ay tinutulungan si Jelly habang si Theo at Rhio ay na kay Raphael ang atensyon.

Yumuko ako nang isakay nila sa likod ang dalawa, ang bigat-bigat talaga ng dibdib ko.

"Tara na," saad ni Queen nang makasakay sa passenger seat.

Walang kibo na pinatakbo ko ang truck pabalik sa tinutuluyan namin.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Queen.

Hindi ko siya nilingon at pinanatiling nasa daan ang tingin. "Hindi ako okay," plain na sagot ko at humigpit ang hawak sa manibela.

Nagbuga muli ako ng hangin dahil hindi ko magawang kumalma. Gustong-gusto ko talagang balikan ang mga putangina at balian ng leeg ang kung sino man ang gumawa kina Jelly no'n.

"Shit!"

Napalingon kami ni Queen sa likod nang magmura si Jay.

"Drive faster, Mama Zia. Sobrang taas ng lagnat ni Momma Jelly!"

Hindi maipinta ang mukha ni Jay pero namumula ang mata nito at kitang-kita ang ugat sa kanyang leeg.

Tumingin kay Jelly na sobrang putla ngayon, walang pagdadalawang isip na pinabilis ko ang takbo ng truck.

"Tangina," mura ko at sinuntok ang manibela. Halos lumipad na kami sa sobrang bilis ng truck pero hindi iyon ang importante, buhay ni Jelly nakasalalay rito.



AGAD dinaluhan ni Queen si Jay nang makarating kami sa tinutuluyan namin.

"Zia, magdala ka sa kwarto ng palangganang may maligamgam na tubig at bimpo," utos sa akin nang makapasok kami sa grocery store.

Bumati pa sa amin sina Maze ngunit hindi na namin sila pinansin dahil sa pagmamadali. Dumiretso ako sa kusina at inasikaso lahat ng inutos ni Queen.

"Ano pong nangyari?" tanong sa akin ni Mori na sinundan pala ako sa kusina.

"Ako na po riyan," ani nito at kinuha sa aking kamay ang thermos.

Hindi na ako kumontra at kumuha na lamang ako ng bimpo para mas mapabilis ang trabaho.

"Do you have alcohol?"

Napalingon ako sa aking likod nang marinig ang boses ni Theo.

"Wala kaming alcohol dito," sagot ko.

"Liquor?"

Itinuro ko ang isang cabinet kung nasaan ang mga alak na tinitinda ni Jelly dati dito sa grocery store niya.

"Expired na," ani ko dahil malamang nga ay expired na ang mga iyon.

"It's fine," saad nito at mabilis na kumilos. Agad din itong nawala sa paningin namin.

"ZIA!!"

Napapitlag ako nang isigaw ni Queen ang pangalan ko.

"Tara na bilis!" ani ko kay Mori. Binitbit ko ang maliit na palanggana at tinungo ang kwarto.

Tumabi ako kay Queen at muntikan ko pang mabitawan ang palanggan nang makita ang ayos ni Jelly.

Naupo ako at nakakunot ang noong pinagmasdan ang likod ni Jelly.

"A-Ano 'yan? Bakit ganyan?" tanong ko at itinuro ang likod ni Jelly.

May hiwa ito sa gitna at halos makita ko pa ang laman niya dahil hindi iyon nakatahi nang maayos at bahagya pa itong nakabuka. Tila mas lalong nadagdagan ang inis at galit na nararamdaman ko. Akala ko ay tama ng bala ang nasa likod ni Jelly, pero hindi pala.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat