NB : 37

1.9K 183 22
                                    

QUEEN

"Good night," bati ko sa kanilang lahat bago ko tuluyang patayin ang ilaw sa kwarto. Para kaming sardinas na nakahiga sa sahig ng kwarto.

Humiga ako sa tabi ni Zia na ngayon ay nakatalukbong ng kumot.
Ang sarap na agad ng tulog nito, akala mo ay pagod na pagod eh wala naman siyang ibang ginawa maghapon kundi lumamon.

Nanatili lang akong nakahiga sa tabi ni Zia at hindi ko magawang dalawing ng antok. Nakapako ang mata ko sa kisame....isang oras, dalawang oras, tatlong oras. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakatitig sa kisame.

Pero kahit yata anong hayop pa ang bilangin ko ay hindi ako dadalawin ng antok.

Tumagilid ako ng higa at bumaling muli sa kabila, lahat na yata ng pwesto sa higaan ay nagawa ko na ngunit wala pa rin.

Napaupo ako bigla nang makarinig ako ng ugong, una kong napansin ang radyo na nasa ibaba ng maliit na lamesa.

Hindi ko alam pero binundol ako ng kaba dahil gabing-gabi na at wala namang dahilan para kontakin kami ng mga kasamahang sundalo ni Raphael.

Nagpasya akong tumayo at damputin ang radyo, marahan akong naglakad patungo sa pwesto ni Raphael para gisingin ito.

"Raphael," mahinang tawag ko rito at sinipa ang paa nito.

Agad itong nagmulat ng mata at parang robot na naupo.

"Why?" Pupungas-pungas na saad nito habang nakatayo.

"May tumatawag." Inilahad ko sa harap nito ang radyo na hindi pa rin tumitigil sa pag-ugong. Nagtataka naman ako at bakit hindi nagigising ang iba naming kasama dahil sa ingay.

"Oh," anas nito at agad na tumayo.

Kinuha nito mula sa akin ang radyo, at lumabas ito ng kwarto.

Lumingon ako sa higaan ko at lumingon muli sa pinto. Hindi ko alam kung mahihiga na ba ako ulit o susundan ko si Raphael.

Pero dahil sa kabog ng dibdib ko ay alam kong hindi ako makakatulog, kaya sinundan ko si Raphael sa labas.

"I'm sorry for calling at this hour."

Narinig kong saad ng nasa kabilang linya.

"It's fine. Is there something wrong?" seryosong tanong ni Raphael.

Nasa kusina kami at kasalukuyang nakaupo si Raphael sa harap ng lamesa. Habang ako ay dumiretso sa lababo para uminom ng tubig.

Natigil ako sa pag-inom nang marinig ang sinabi ng kausap ni Raphael.

Parang bigla ay tumigil ang oras, at wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"The woman that we bring here is missing. We saw at the hospital cctv that she was taken away by a man while riding a wheel chair. After that, we don't know what happened. But she's missing for almost 3 hours already, and we did our best to find her but we failed."

Nanghihinang nabitawan ko ang baso at dahil hindi iyon babasagin ay lumikha lamang iyon nang malakas na ingay.

Humawak ako sa gilid ng lababo para suportahan ang sarili.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon