SC : 1

2K 188 24
                                    

QUEEN

"Bakit hindi pa tayo pumasok sa immigration?" tanong sa akin ni Jay nang sabihin kong dito na muna kami sa labas ng airport.

"May hinihintay pa ako," saad ko at inilibot ang mata sa paligid.

Sa rami ng tao ay tumingkayad pa ako upang makita kung nandito na ba si Carlette.

Iyon yung nurse na kasama ko mag-rounds sa dating hospital na pinagtatrabahuan ko na gustong sumama sa akin sa Pilipinas.

Ngayon ang balik naman sa Pilipinas kaya hinihintay ko ito ngayon.

"Hinihintay? Sino naman?" tanong ni Zia na tumabi sa akin.

"Nalimutan kong sabihin. Yung nurse 'yon na kasama ko dati sa hospital. Sabi niya ay gusto niyang magtrabaho kasama ako," turan ko.

Kita ko ang pagdududa sa mukha ni Zia.

"Mapagkakatiwalaan ba 'yan? Baka mamaya mala-Avery 'yan ha," ani nito na agad kong inilingan.

"Ayan na siya," turan ko at kumaway sa papalapit na dalaga.

"Doc. Horan," pormal na tawag nito sa akin.

Iniikot nito ang mata para tignan ang lahat ng kasama ko.

"H-Hello," nahihiyang bati nito at ngumiti na nauwi sa pagngiwi.

"Tsaka na kayo magpakilala sa isa't-isa. Pumasok na tayo," ani ko matapos tabigin ang kamay ni Meteor na balak makipagkamay kay Carlette.

Kasama naming babalik ng Pilipinas sina Maze, Melissa, Cassy, Maizeleen, Bell, Mori at Agatha.

Ang maiiwan lang dito sa Canada ay sina Theo, Raphael at Archer.

Malamang talaga na maiiwan ang tatlong iyon dahil sundalo sila sa bansang ito.

"Take care, don't forget to contact us when you're already there," saad ni Raphael at binitawan na ang maleta ni Maze at Mori na prinisintang niyang buhatin.

"We'll visit there once we get our vacation leave," si Theo.

Nagtapikan ng balikat sila ng balikat nina Jay.

"Una na kami, Archer," paalam ni Niall kay Archer na seryoso ang mukha.

After what happened, parang bumalik ang Archer na una naming nakilala.

"Take care. Don't worry about Jelly, I will always visit her," saad nito sa amin ni Zia nakatingin.

Tumango ako, "Be happy."

Ngumiti ito pero alam kong peke iyon.

"Kuya, bisitahan mo agad kami ha!" si Agatha na kung maka-kuya kay Archer ay akala mo mas mukha siyang bata.

"Alalayan niyo si Agatha, nirarayuma na 'yan," ani ni Zia at ngumisi.

Natawa ako nang hilahin ni Agatha ang buhok niya.

"Hindi pa ako senior citizen!" singhal nito kay Zia. "Nataon lang na mas makunat ang balat ko sa inyo," dagdag pa nito.

"We'll go ahead," saad ko at kanya-kanya kaming kaway sa tatlong lalaki na maiiwan sa labas ng airport.

"Did you bring everything?" tanong ko kay Carlette.

Nakaluhod ako sa aking upuan at nakaharap dito dahil nasa likuran ko ito.

Katabi nito si Jay na nakapikit ang mata, hindi ko sigurado kung tulog ba ito.

"Yes, as in everything." Tango nito at matamis na ngumiti.

"Okay," maikling tugon ko at umayos na nang pagkakaupo at ikinabit ang seatbelt sa aking katawan.

"Bisitahin ba natin agad yung hospital pagdating natin?" tanong sa akin ni Niall.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now