SC : 2

2K 183 44
                                    

JAY

I creased my forehead when I saw Mommy Queen pinching that girl cheeks. I'm not sure with her name but I think it's Carlette.

"Hoy, bakit ganyan mukha mo?"

Binangga ako ni Mama Zia sa braso kaya nilingon ko siya.

"Sobrang close nila?" tanong ko at ininguso sina Mommy Queen.

"Ano ka ba, magkatrabaho kasi sila, matagal-tagal din silang magkasama kaya malamang close na talaga 'yan," sagot nito.

Hindi ko maiwasang mapanguso dahil pakiramdam ko ay inaagaw sa akin si Mommy Queen.

Kaagaw ko na nga si Tito Niall, may dumagdag pa.

"Selos ka? Kakakilala mo lang kay Carlette gusto mo na agad."

Halos masamid ako sa sinabi ni Mama Zia. Pinagmasdan ko ang mukha niya kung nagbibiro ba siya pero seryoso ito.

"Hindi ko siya gusto!" tanggi ko agad na bahagyang napalakas ang boses kaya nilingon kami ng mga customer na malapit.

"Eh, bakit kailangang sumigaw, ha!" asik sa akin ni Mama Zia.

Nakasimangot na tinalikuran ko siya.

"Kunware pa 'to. Tanda-tanda mo na, Jay. Pwede ka na mag-asawa."

Pang-aasar pa nito sa akin.

Umismid ako at lumayo sa kanya. Wala akong matatanggap na matinong salita mula kay Mama Zia.

"Jay, ano 'yong sinasabi ni Zia? Mag-aasawa ka na?"

Lumaylay ang aking balikat nang makasalubong ko si Kuya Rhio. Isa pa itong walang saysay kausap. Bagay talaga sila ni Mama Zia. Tho, I'm really against on their relationship, but I never said that. It's not exactly that I hate what they have right now, it's just I feel like I will be left alone once they build their own family.

We can't be together again.

"Kung ano man 'yang iniisip mo, walang mawawala, Jay, walang magbabago."

Nagtatakang tiningnan ko si Mommy Queen. Hindi ko napansin na malapit na pala ako sa kanila nung babaeng eskandalosa.

Tiningnan ko si Mommy Queen nang nagtataka dahil hindi ko naman alam ang sinasabi nito.

"We're family. For eternity," saad nito at nakangiting tinapik ang aking balikat bago umalis at maiwan kaming dalawa ni Carlette.

Tumingin ako rito at napansin ko na nakatingin ito sa akin.

Umismid ito at nilagpasan ako.

"Akala mo kung sinong maganda," malakas na saad ko. Hindi naman nito maiintindihan ang aking sinabi dahil tagalog iyon. At tama nga ang hinala ko dahil dire-diretso lang ito sa pag-alis.

"Hoy, mga burat, pupunta raw rito si Kuya Archer sa linggo."

Ako ang nahiya para kay Ate Agatha dahil sa sinabi nito.

Maraming customer sa grocery store ngayon at marami ang nakarinig sa sinabi ni Ate Agatha. Especially the first 3 words.

"Ano ba? Makaburat ka akala mo ang ganda-ganda mo," si Mama Zia na talagang ginaya pa ang itinawag ni Ate Agatha sa kanila.

"Maganda ako 'no."

"Pero pinaglumaan ka na ng panahon," asar ni Mama Zia na nagpasimangot kay Ate Agatha.

Siya talaga ang pinakamatanda sa amin. Dahil hindi naman siya naging zombie noon ay nagkaedad ang itsura niya.

"Hindi kasama si Theo at Raphael?" tanong ko at dinalhan ng upuan si Ate Agatha at baka mangalay ang likod nito kakatayo.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now