NB : 45

1.8K 185 34
                                    

QUEEN


Lumipas ang isang buwan at ni isang beses ay hindi namin nakaligtaan na bisitahin lagi ang pinagawang libingan ni Jay para kay Jelly.

At lumipas din ang isang buwan pero wala kaming natatanggap na balita tungkol sa katawan nito.

May parte talaga sa amin na ayaw maniwalang naging abo na si Jelly dahil sa lakas ng apoy noon sa barko na nilikha ng pagsabog.

Pero kung ganitong isang buwan na ring may naghahanap ng katawan nito sa dagat at wala pa ring makita, hindi namin maiwasang isipin na baka wala na talaga ang katawan nito, baka wala na talaga si Jelly.

The saddest part is, we didn't even had a chance to talk again....I didn't had the chance to tell her that I already remember everything.

We didn't had a chance to have a chitchat and discuss everything about Jay's life during the past 30 years.

But it's okay, everything happens for a reason.

Ako, si Zia, si Jay at si Archer.

We're all acting like we are okay, that it's okay without Jelly. It's not like, we have a choice not to be okay.

"Queen!"

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang sumigaw si Zia sa aking tenga.

"Ano ba?" iritadong baling ko rito habang nakatakip sa tenga kong sinigawan niya.

Nameywang ito sa aking harap, "Kanina pa po kita tinatawag, pero mukhang yung utak mo palutang-lutang," saad nito.

Umirap ako at umayos ng upo. "Bakit ba? Ano kailangan mo?" tanong ko.

"May tumawag na hospital. Hinahanap ka."

Agad akong napatayo sa sinabi nito at tinungo ang sala.

Shit, baka isa iyon sa mga hospital na inapplyan ko.

Naabutan ko si Maze na hawak-hawak ang telepono na tila ba hinihintay talaga ang pagdating ko.

"Akina," turan ko at inagaw sa kamay nito ang telepono at itinutok agad sa tenga.

"Hello, this Queen Michelle Horan speaking."

"Good day, Ms. Horan. We received your application for applying as a General Surgeon in Human Line Hospital. Are you free tomorrow for your interview?"

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa saya na pinipigilan.

Sa dami ng inapplyan kong hospital sa loob ng isang buwan, ito pa lang ang unang beses na may tumatawag sa akin.

"Yes, expect me tomorrow."

"Well then, go directly to President's Office at 8 am sharp. I hope to work with you soon. Have a good day!"

The call ended at doon ko pinakawalan ang saya na kanina ko pa pinipigilan.

"Yes! Yes!" sigaw ko at hindi ko mapigilan ang mapatalon.

"Tuwang-tuwa? Eh interview pa lang naman yata yung bukas, hindi pa sure kung matatanggap ka."

Napalingon ako kay Zia dahil sa sinabi nito.

Sinira nito ang sayang nararamdaman ko.

"Ah talaga? Okay, kapag hindi ako natanggap hindi ka makakapag-aral," saad ko. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Zia.

"Joke lang, Queen. Hindi ka naman mabiro! Galingan mo sa interview!!"

Napailing na lang ako sa tinuran nito. Kahit kailan talaga.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon