NB : 42

1.8K 213 43
                                    

QUEEN



"Anong pier?" tanong ni Archer na hindi sinagot ni Avery dahilan para mas idiin ni Zia ang kutsilyo.

"Tinatanong ka di'ba? Bingi ka ba?" saad pa nito sa babae.

Napaiyak na si Avery dahil sa sakit. Akala siguro nito ay hanggang salita lang si Zia.

"North Harbor Tondo, Manila! D-Doon!"

"Good dog!" pang-aasar ni Zia at tinapik pa ang ulo ni Avery.

"Tara na," aya ko at iniwan na namin sa mga kasama ni Raphael ang dalawang babae.

Sumunod sa amin ang tatlong helicopter at naiwan ang dalawa sa building.

"Bibilisan ko na ha," saad ni Zia na ang tinutukoy ay ang pagmamaneho niya.

Hindi ako kumibo pero humigpit ang hawak ko sa seatbelt.

AGAD KAMING lumabas ng truck nang makarating sa Pier 2 ng North Harbor.

Wala kaming ibang nakita kundi mga lumang barko na halos anayin na.

Ang iba ay giba-giba na.

"Sa Pier 4 tayo!" sigaw ni Archer kaya dali-dali kaming bumalik sa truck.

"Tanginang 'yan."

Narinig kong mura ni Zia habang nagmamaneho.

Hindi pa man kami nakakabawi ng pagkahingal ay nakarating na agad kami sa Pier 4.

"There is it!" Itinuro ni Archer ang nag-iisang barko na nakahinto lamang sa gilid.

Nagdatingan na rin ang mga helicopter at tila nagsilbi iyong senyales para magpakita sa amin ang tatay ni Archer.

Nakasuot pa ito ng lab coat na tila ba kinarir na talaga nito ang pagiging scientist.

"I didn't know that you'll do this to me, my son," saad ng matandang lalaki habang nakatingin kay Archer.

Tantiya ko ay nasa 85 years old na ito. Matanda na siya pero nakuha pa niyang gumawa ng ganitong bagay.

"Nasaan ang kaibigan namin?" sigaw ni Zia.

Wala talagang paligoy-ligoy ang babaeng ito.
Tumawa ang matanda at tila tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari.

"Sumuko ka na, wala ka nang ibang kakampi!" sigaw muli ni Zia.

Umiling ang tatay ni Archer.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay keysa makulong. Kahit mamatay pa ako ngayon ay itutuloy ng mga kasama kong may ranggo ang nasimulan ko. Kahit hulihin niyo ako ay hindi matatapos ang lahat ng ito."

Tama ito. Mamatay man siya o mahuli ay mayroon paring mga taong pwedeng tumulong dito.

Lalo na at wala kaming ideya kung sino ang mga kasamahan nito na may ranggo.

Napahakbang ako paabante nang biglang mawala sa paningin namin ang tatay ni Archer.

Pero nang bumalik ito ay halos mapako kami sa aming kinatatayuan.

Ang braso nito ay nakapulupot sa leeg ng isang babaeng naka hospital gown.

"J-Jelly."

Narinig kong bulong ni Archer. Kikilos sana si Archer palapit sa barko ngunit may itinaas ang ama ni Archer.

"Subukan niyong umakyat sa barkong ito at sisiguraduhin kong magkakalasog-lasog ang katawan ng babaeng ito!" sigaw nito at iginalaw si Jelly.

Shit, shit!

Paulit-ulit na mura ko sa aking isip.

Parang isang lantang gulay si Jelly, at putlang-putla pa ito.

"Hindi ako magdadalawang isip na pindutin ang remote na ito. May dalawang bomba ang barko na ito at sisiguraduhin kong wala kayong mapapala sa akin!" sigaw pa ng tatay ni Archer habang nakatingala sa tatlong helicopter na paikot-ikot sa ere.

Kung tutuusin ay pwede naming ipabaril ang ama ni Archer, pero dahil palakad-lakad ito ay hindi maaari dahil posibleng si Jelly ang mataaman.

Pinagmamasdan ko si Jelly at pansin ko na may kakaiba sa pamumutla nito.

Halos kulay violet na ang labi nito at mapula rin ang mata nito.

Kung dahil iyon ay sa chip ay napaka-imposible.

"G-Go."

Kahit mahina ang pagkakabigkas ni Jelly ay malinaw iyon sa pandinig namin.

"Jelly," tawag ni Archer dito.

I saw how a smile formed on Jelly's lip. She even wave her hands to us kahit hinang-hina na siya.

"Tumigil ka!"

"Damn!" mura ni Archer nang malakas na hilahin ng ama niya si Jelly sa leeg.

"Umalis kayo rito kung gusto niyo pang mabuhay ang babaeng ito!"

"We're asking you to surrender your self," saad ni Raphael na nasa helicopter. May hawak itong megaphone.

"Why would I? I still have aces!"

"By now, they are already arrested and paying for their sins! You're all alone, so surrender your self!"

Kita namin ang gulat sa mukha ng tatay ni Archer.

Kahit kami ay nagulat sa sinabi ni Raphael. Paanong mahuhuli ang mga sumusuporta sa ama ni Archer kung wala namang pagbabasehan.

"H-How? What h-happened?" ani ng tatay ni Archer na tila hindi makahuma sa nalaman.

Nilingon nito si Jelly na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang braso nito sa kaibigan namin.

"N-No! T-The chip!" sigaw nito at galit na sinabunutan si Jelly.

"Shit! Stop! D-Don't hurt her!" sigaw ni Archer.

Pigil-pigil ni Niall sa braso si Archer dahil gustong-gusto na nitong sumugod. Pero hindi pwede dahil isang galaw lang namin ay pwedeng sumabog ang barko.

Wala kaming narinig na daing kay Jelly pero bakas sa mukha nito ang sakit.

At matapos ang ilang segundo, narinig namin ang pagtawa ni Jelly.

"A-Akala mo siguro ay m-magtatagumpay ka. I asked them to remove the chip on my back."

Napasinghap kami nina Zia sa narinig.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. They lied....those doctor lied to us.

"Shit! That can't be!" si Archer na namumula ang leeg hanggang mukha.

Hindi ko alam kung hanggang kailan nito kayang pigilan ang sarili.

Pero si Zia na nasa harapan ko ay natulala.

Kaya pala....kaya pala ganoon ang itsura ni Jelly.

Siguro iyon ang epekto ng lason na nasa chip.

"Putting that chip with poison on my body is a mistake. You think I'll let that stay inside me just for your plans to be succeeded? Well, you are wrong. I already died once, and dying for the second time doesn't matter anymore."

Nang marinig ko ang sinabi ni Jelly ay binundol na ako ng kaba.

Ibig sabihin ay simula pa lang noong nilagay ang chip sa likod niya ay may plano na siyang ipalis iyon kahit alam niyang may lason. Simula pa lang, handa na siyang mamatay.

Jelly.... you can't really stop your self from helping others....how selfless you are.

sensei
Don't forget to vote! Thank you!!

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora