NB : 21

2.1K 207 108
                                    

JELLY


Nagsalubong ang mata namin ni Archer ngunit ako rin ang naunang nag-iwas ng tingin.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nakasakay na sina Queen sa truck.

Shit. Shit.

Mura ko at mas binilisan ang pagtakbo. Pero biglang bumigay ang tuhod ko at naramdaman ko ang pagpikit ng aking mga mata.

Not now, please!

Pero huli na, tuluyang binalot ng kadiliman ang aking paningin.


NAIMULAT ko ang aking mata nang makarinig nang isang nakakangilong tunog.

Para iyong isang bakal na ikinikiskis sa sahig.

Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki at may hinihila itong upuan na gawa sa metal. Kaya naman pala.

Tinangka kong gumalaw ngunit agad din akong napangiwi nang maramdaman ang sakit sa aking likod.

Parang hinahati ang likod ko sa sobrang sakit.

Umungol ako at agad ko ring tinakpan ang aking bibig dahil baka lingunin ako nang lalaking nagbabantay.

Inilibot ko ang ang aking tingin sa buong kwarto. I can see different tools and equipment that is used in a hospital. Para akong nasa isang operating room.

Agad nagawi ang aking tingin sa pinto nang bumukas iyon.

Pumasok si Archer at nagtama agad ang mata naming dalawa.

"Who are you?" tanong nito at nakapamulsang lumapit sa akin.

"H-Ha?" takang tanong ko.

"Sino kayo? Paano niyo nalaman ang lugar na ito?"

Umawang ang aking labi dahil sa tatas ng tagalog nito. Nawala ang accent nito na masarap sa pandinig ko dati. Mas lalo ring nawalan ng emosyon ang mukha nito. Ang nata nito ay malamig lang na nakatingin sa akin.

"W-We just want to save this country," saad ko na siyang pinakaligtas na sagot.

"Save? Are you making fun of me? My father is the only one who can save this country."

Nanlaki ang mata ko at agad na napabangon.

"Your father? Paanong nadamay rito ang Daddy niyo? Akala ko ba patay na siya?" mabilis na turan ko habang nakatingin sa kanya nang nanlalaki ang mata.

Kumunot ang noo ni Archer at tinignan ako nang masama.

"Kilala mo si Daddy?" tanong nito.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o ano. Pero gusto ko siyang batukan at baka sakaling makaalala siya.

"Wala ka talagang naaalala? Hindi...hindi mo ba ako naaalala?" tanong ko na sana ay hindi na lamang nito sinagot.

"No. At wala akong planong kilalanin ka."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mata at nag-iwas nang tingin. Hindi ko kayang tagalan ang malamig niyang tingin.

"A-Archer," bulong ko sa pangalan niya.

"How did you know my name?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Pwede na ba akong umalis? Hindi naman kami manggugulo ng mga kaibigan ko," saad ko na lamang. Mukhang wala naman silang gagawing masama sa akin.

"No," tipid na sagot nito.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Niall doon.

"Niall!" masayang tawag ko rito. Umaasa ako na baka sakaling may kaunti silang maalala kung tatawagin ko sila sa pangalan nila.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now