NB : 43

1.7K 164 10
                                    

JELLY





It's cold....pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang freezer. I want to move..

I can hear voices around me, but I don't even had the strength to open my eyes. Na ultimo ang aking daliri ay hindi ko maigalaw sa sobrang panghihina.

Maingay.....nag-aaway ba sila? For what?

Si Queen, si Zia, si Jay.

Naramdaman ko ang paglutang ng aking katawan, gustuhin ko mang tignan kung anong dahilan ay hindi ko magawa.

I feel a warm hand caressing my cheek, and that's when the I feel at ease and decided to drip away.

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata para lamang muling mapapikit dahil sa liwanag.

"Thank God, you're awake."

Iminulat ko muli ang aking mata para lamang makita ang isang babae sa aking tabi.

"Agatha.... kilala mo pa ba ako?" tanong nito sa akin.

Sa pagpapakila nito ay isa lang ang pumasok sa aking utak.

"A-Archer," turan ko sa paos na boses,

Ngumiti ito sa akin at tumango.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at may isang bagay ang nakaagaw ng aking pansin.

Itinaas ko ang aking kamay at itinuro ang isang baso ng tubig sa lamesa. Tuyot na tuyot ang aking lalamunan na kapag lumulunok ako ang laway ay mahapdi.

"Tubig? T-Teka." Mabilis itong tumayo at kinuha ang tubig na nasa lamesa.

Yumuko pa muna ito at may ginalaw sa ilalim ng kama. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking kinahihigaan, at naka slant na iyon.

Napangiwi ako nang maramdaman ang pag-ikot ng kirot sa aking likod. Napagtanto ko na dahil iyon sa chip na inilagay sa akin.

Matapos akong uminom ng tubig ay hinawakan ni Agatha ang aking kamay.

"I'm sorry," saad nito.

Kumunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung para saan ang hinihingi nitong sorry.

"Sa ginawa ni Kuya Archer.... akala niya kasi ay simpleng chip lang iyon at walang lason. Well, ako unang nakaalam na buhay na ulit siya, he contacted me and tell me verything about our father's plan. I mean, yung tatay namin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng zombie apocalypse sa bansa niyo. He did that for his own sake, for his invention. At naging madali iyon sa kanya dahil sa mga backer niya. Alam din ni Rhio iyon at gumawa sila ng sarili nilang plano. But that chip happened. Until now, I still can't believe that our father did that. I'm really sorry."

Ngumiti ako at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"It's okay, everything will come to it's end, we just need to wait."

Magalit man ako ay wala ring mangyayari. What's done is already done.

"Nasaan pala ako?" tanong ko at muling pinagmasdana ng kwarto.

"Nasa Canada ka. Pinasama ka na sa amin ni Jay dahil lumalala na yung sitwasyon mo. Sabi ng doktor kung hindi ka pa raw nadala rito ay baka mapaano ka na."

Sabay kaming napalingon ni Agatha sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang isang doktor.

Ngumiti ang doktor nang makalapit. Chineck nito ang aking likod at nagtanong ng ilang bagay.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now