NB : 48

1.8K 170 25
                                    

ZIA

"Bakit ngayon ka lang?"

Halos mapapitlag ako sa gulat nang biglang bumukas ang ilaw sa sala.

Akala ko ay wala nang gising pero heto si Queen, nakatayo sa tabi ng switch at nakakrus ang braso sa dibdib.

"Naghanap ulit ako part time job, tapos yung tumanggap sa akin pinagtrabaho agad ako," sagot ko at ngumiwi.

Ilang taon na akong nag-aaral pero hindi ako tumatagal sa mga pinagpapart-time-an ko. Kung hindi bastos ang boss, bastos naman ang mga customer at kasamahan ko.

"Anong part time job? Akala ko ba mag-aaral ka na muna? Paano ka makakaconcentrate sa pag-aaral mo kung nagtatrabaho ka sa gabi? Pagraduate ka na."

"Queen naman, alangan naman iaasa ko sa inyo ni Niall yung pag-aaral ko? Kaya ko naman 'no, tsaka waitress lang naman ulit yung kinuha kong part time job," sagot ko at inilipag ang back-pack ko sa mahabang sofa.

Naupo kami parehas nang magkaharap.

"Bahala ka, basta 'pag hindi mo kaya tigilan mo ha."

"Jusko, anong hindi kaya. Kung tutuusin, Queen ang edad natin ngayon dapat nasa 50 na. Ang tanda na natin, hindi lang halata. Kaya lahat keri ko, huwag ka mag-alala," mayabang na turan ko at ngumiti pa rito.

"Kumain ka na ba? Pinagtira ka namin ng hapunan."

Nais ko sanang sabihin dito na pinakain na ako sa pinagpapart-time-an kong restaurant pero dahil nagugutom ulit ako, hindi ako tatanggi.

Sinamahan ako ni Queen sa kusina hanggang sa matapos akong kumain.

"Balik na raw sa dati yung Pilipinas," biglang turan ni Queen na nagpahinto sa akin sa pag-inom.

Tinignan ko siya na tila nagdududa. Ilang taon na ba ang lumipas?

Tatlo?

Inilahad ko ang aking palad at nagbilang ng taon mula nung makarating kami rito sa Canada.

"Three years and a half," ani ni Queen. Mukhang nalaman nito kung ano ang ginagawa ko.

"Three years? Ganoon kabilis? I mean, as in balik na talaga sa dati?"

Tumango ito, "Oo, pero kaunti pa lang ang mga taong bumabalik, sabi nung mga kasamahan ni Raphael baka raw hindi na bumalik yung iba roon."

"Eh, t-tayo?" mahinang tanong ko.

Nagkatinginan kami ni Queen.

"Pag-graduate mo," saad nito.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya.

Akala ko ay mananatili na kami rito sa Canada.

Kasi biruin mo, nandito ang trabaho nilang lahat. Si Niall, si Archer, si Jay....lahat sila.

Sina Cassy, Bell, Mori at Maizeleen nga ay rito na rin nagcollege.

"Balak namin magtayo ni Niall ng hospital doon. Tsaka panigurado naman na dadami rin ang tao ulit doon."

Speaking of Niall. Pumasok ito sa kusina na pupungas-pungas pa. Mukhang naalimpungatan.

"Ngayon ka lang nakauwi?" tanong nito sa akin na agad kong tinanguan.

Umangat ang kilay nito.

"Galing siyang part-time job," ani ni Queen.

Napa-'ah' si Niall at naupo sa tabi ni Queen.

Pinagmasdan ko ang dalawa ko at pinag-aralan. Tatlong taon na kami rito pero wala akong nakitang kakaiba sa dalawa.

Nauna pa kami ni Rhio na magligawan pero ang dalawang ito ay bokya pa rin. Oh masikreto lang talaga sila?

"Umamin nga kayo sa akin," anas ko na seryosong nakatingin sa dalawa.

Nagtatakang binalingan nila ako.

"Anong meron sa inyo?"

Tumawa si Queen sa tanong ko habang si Niall ay nagkamot ng ulo.

"Wala naman," sagot ni Niall.

Pero base sa pamumula ng tenga nito ay nagsisinungaling ito.

"Yung totoo? Hindi niyo ako maloloko," saad ko at pinaningkitan ng mata ang dalawa.

"Kung ano mang meron sa amin, ikaw ang unang makakaalam," tugon ni Queen kaya umismid na lang ako.

"Si Rhio pala hindi pa rin nakakauwi."

Umangat ang isa kong kilay sa narinig na sinabi ni Niall.

"Hindi uuwi?" hindi makapaniwalang turan ko.

Wala naman sinasabi sa akin si Rhio kung saan siya pupunta. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.

"Shit," mura ko nang makitang deds ang aking cellphone.

"Bakit?" usisa ni Queen.

"Wait lang," ani ko at agad na tumayo para lumabas ng kusina.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Queen.

Nang makita ang nakacharge na phone ni Queen ay inialis ko iyon at ang cellphone ko ang aking chinarge. Saglit lang naman, bubuhayin ko lang cellphone ko.

"Kagaling mo naman pala, ano," ani ni Queen na sumunod pala sa akin.

Mahina akong tumawa, "Saglit lang."

Nang mabuhay ang cellphone ko ay sunod-sunod ang text messages na pumasok.

At lahat iyon ay galing kay Rhio.

"Galing ako ng school mo, sabi nung guard nakaalis ka na raw."

"Nandito ako sa may parke na malapit kay Jelly. Sunduin sana kita sa bahay kaso rito a ako dumiretso."

"Saan ka na?"

"Sabi ni Niall hindi ka pa rin daw umuuwi."

"Hoy panget, wala ka bang load?"

Aba't sinong panget ang tinatawag ng tukmol na ito.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng message ni Rhio nang biglang may bagong message ang dumating.

"Malapit na ako maging midnight snack ng mga lamok."

Napatakip ako sa aking bibig dahil ang message na iyon ay ngayon lang sinend. Ibig sabihin ay naroon pa rin si Rhio sa may parke.

"Puntahan mo na," saad ni Niall at inihagis sa akin ang susi ng kotse niya.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay namin at hindi ko na nagawang makapag-paalam pa.

Gagong Rhio 'yon, sana umuwi na siya kung hindi naman ako nagrereply sa message niya. Gago talaga.

Madalas na trenta minuto ang byahe para makapunta sa parke peri dahil ako ang driver ang trenta minuto ay naging kalahati.

Hindi ko na ipinark nang maayos ang sasakyan ay agad na akong lumabas.

Pero halos bumalik sa balintataw ko ang unang gabi namin sa Pilipinas noong mangyari ang zombie apocalypse.

Sobrang dilim ng paligid at kahit ilang beses akong kumurap ay wala akong makitang liwanag.

"RHIO!!" sigaw ko at baka sakaling kumibo si Rhio.

Babalik sana ako sa sasakyan para buksan ang head lights ng sasakyan nang pagtalikod ay biglang bumaha ang liwanag.

Hindi ko magawang humarap dahil binalot ng lamig ang buo kong katawan. Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na huwag humarap.

At nang ginawa ko iyon ay halos atakehin ako sa puso.

"PUTANGINA!" sigaw ko nang sumulpot ang isang zombie sa aking harap.


sensei
Don't forget to vote! Thank you!!

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now