NB : 13

2.2K 234 75
                                    

QUEEN





Nagising ako dahil sa lakas nang sigaw ni Zia habang panay ang alog nito sa akin. Ikinunot ko ang aking noo dahil hindi ko malaman kung bakit madaling araw na ay gising pa rin ito.

"May white lady!! May multo!!" sigaw nito na nagpagising na rin kina Jay.

Sinubukan kong alisin ang pagkakayapos niya sa akin ngunit dinaig pa niya ang tarsier.

"That's Jelly," ani ko na salubong ang kilay. Ewan ko rin ba naman kasi sa isang 'to. Gigising na lang ay bakit iiyak pa. At bakit ba kulay puting bestida ang pinasuot ni Jay. Sumasakit ulo ko sa kanilang lahat.

"H-Ha?" anas ni Zia na mukhang natauhan. Mag-aangat na sana ito ng tingin ngunit bigla naman dumamba ng yakap si Jelly sa amin.

"ZIA! QUEEN!!!" umiiyak na turan nito at mas isiniksik ang sarili.

Naipikit ko na lamang nang mariin ang aking mata, pakiramdam ko senior citizen na ko.

"Wahhh! Jelly!! Gising ka na? Bakit ang bilis? Bakit...bakit ang baho mo?"

Natahimik ang buong paligid dahil sa sinabi ni Zia. Pati ang paghagulhol ni Jelly ay nawala.

"Walang hiya ka, kahit kailan bastos pa rin ng bunganga mo," putol ni Jelly sa katahimikan at lumayo sa amin ni Zia.

Nakita ko pa ang mahina nitong pagtapik sa bibig ni Zia.

"Pero totoo!! Gising ka na?!"

Mukhang nananaginip pa yata si Zia.

"Mukha ba akong tulog?" pambabara ni Jelly habang inaamoy nito ang sarili. TUmingala ito at iniikot ang paningin sa buong kwarto.

"Sa grocery store 'to ah," turan nito at bumaling sa amin ni Zia. "Panaginip lang ba na naging zombie ako?" ani nito habang nanlalaki ang mata. Tinignan nito ang buong katawan at tila hinahanapan ng pagiging zombie ang sarili.

"Hindi ka nanaginip lang," ani ko. "Naging zombie ka talaga, pero gumawa ng vaccine si Jay para iligtas tayo," dagdag ko na nagpaawang ng labi nito.

Tumayo ito at humarap sa kanyang.

"Si J--"

Nagulat kaming lahat nang biglang bumulagta sa sahig si Jelly at nawalan ng malay. Agad na dumalo si Jay at tinignan ang lagay ni Jelly.

"Shit, what happened?" bulong nito habang marahang tinatapik ang pisngi ni Jelly at tinatawag ang pangalan nito.

"Maybe that's the side effect of vaccine in her body," ani ni Raphael at sinundan iyon ng paghikab.

Inayos ko ang aking hinihigaan at muling nahiga.

"She'll wake up again tomorrow," saad ko at ipinikit ang mata.

"What should we do?" tanong ni Jay na si Zia ang sumagot.

"Matulog ulit."





NAIMULAT ko ang aking mata nang maramdaman na may mga matang nakatutok sa akin. Bumungad sa akin ang mukha ni Jelly na nakangiti.

Ganito rin ba siya dati??

"Good morning, Queen!" bati nito sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Wala ka talagang naaalala?" tanong nito sa akin na simpleng tango lamang ang iginawad ko.

"Grabe naman pala," ani nito at ngumuso. "By the way, Jelly Cubes Jimenea, huwag mong isipin na kinuha sa jelly ace at knorr cubes ang name ko ha," ani nito at inilahad ang kamay sa akin.

Ngumiti ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya, "I'm Queen Michell Horan," ani ko.

"Kilala mo naman si Niall di'ba?" tanong nito nung palabas na akmi ng kwarto.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon