Capìtulo Veinte Uno

51 3 0
                                    

KINAUMAGAHAN, nagising si Patria na nakayakap pa rin kay Anastacio na tulog na tulog pa hanggang ngayon.
Kapwa pa rin silang walang suot na kahit ano dahil sa matinding pagod at puyat sa ginawa nila buong gabi.

"Mahal, Gumising ka na. May pasok ka pa sa trabaho." tawag niya dito. "Dito muna tayo." mahinang sagot nito sa kanya at niyuko ang ulo papalapit sa dibdib ng asawa.

Tumawa naman dahil pagkakiliti si Patria at umiling, "Hindi pwede. Bumangon ka na diyan!" sermon ni Patria at inabot na ang kanyang pang-ibabang panloob. "Mahal, paki-abot ng aking isang panloob." turo niya pa sa asawa na nasa may gilid ang kanyang panloob sa dibdib.

Agad naman iyong inabot ni Anastacio saka tinignan ang asawa habang nagsusuot ng damit."Mahal na mahal kita asawa ko." ngiti nito. "Mahal na mahal din kita. Magbihis ka na nga. Tignan mo nga yang itsura mo, Wala ka pang kasaplot saplot. Hindi ko alam ngunit pagkatapos nating magtalik ay nakakaramdam ako ng hiya kapag nakikita mong hubad ang katawan ko." natatawang saad ni Patria.

"Maganda naman ang katawan mo, Mahal. Lalong lalo na ang malulusog mong dibdib na siyang pinapaborito ko." ngisi ni Anastacio at marahang hinawakan ang dibdib ni Patria.

Tumawa ang kanyang asawa at umiling saka tumayo sa pagkakaupo sa kanilang kama. "Magluluto na ako. Magbihis ka na, ha." saad pa nito at lumabas na ng kanilang silid.

Nang makalabas si Patria ng kanilang silid ay huminga na lamang ng malalim si Anastacio at tumingin sa kawalan.

"Paano ko ba sasabihin sa'yo mahal ko na mayroon na akong ideya kung sino ang may pakana sa pagkamatay ng anak natin?"

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay nagkaroon siya ng lihim na imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng kanyang anak. Hindi niya ito pina alam sa kahit na sino.

Minatyagan niya ang mga kilos ng mga taong naiisip niya na magpapagawa nito.

Ang lider ng mga rebelde sa El Salvador.

At ang pamilya Perez.

Naisip kasi ni Jose na maaring may kaugnayan ito sa pagiging baliw na baliw ni Floresca kay Anastacio at palagiang pagtalo ni Patria sa kanya sa tuwing magkakaharap sila.

Kaya naman naisipan ni Anastacio na sabayan ang kabaliwan ni Floresca sa kanya. Kinuha niya ang loob nito upang pagkatiwalaan siya sa lahat ng bagay.

Pagkatapos mag ayos ni Anastacio ay agad na rin siyang lumabas ng kanilang silid at doon nakita niyang abala pa rin sa pagluluto si Patria.

"Umupo ka na, Mahal. Patapos na ako dito." saad ni Patria at sinalin na ang kanyang nilutong pakbet sa plato.

"Mahal, May sasabihin ako sa'yo." seryosong saad ni Anastacio. "Ano 'yon mahal?" tanong naman ni Patria habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ng kanyang asawa.

"Mahal, napag desisyonan ko na doon muna tayo sa mansyon ng aking mga magulang tumuloy" diretsang saad nito. Kumunot naman ng kaunti ang noo ni Patria at tumingin ng seryoso, "Bakit naman?" tanong nito sa kanya. "Dahil may kutob na ako sa katauhan ng taong nasa likod ng pagkamatay ni Martin." sambit ni Anastacio.

"Sino?" tanong ni Patria. "Isa sa mga Perez, ngunit humahanap pa ako ng mas malalim na ebidensya. Kaya may ipapakiusap lang ako sa'yo mahal,"

"Pagkatiwalaan mo ako."


Pagkatapos nilang kumain ay umalis na rin agad si Anastacio at nagtungo sa tanggapan ng Heneral kung saan naman naghihintay sa kanya si Floresca.

Ito ang naisip na paraan ni Anastacio upang mahulog sa bitag niya si Floresca. Nakipag kumunikasyon siya dito at kinausap. Hanggang sa tuluyan itong magtiwala sa kanya at unti unti niyang malalaman ang lahat ng ukol dito at sa pamilya Perez.

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon