Capítulo Kwatro

126 4 1
                                    

"Mahal kita Patria. Mula noon hanggang ngayon." seryosong saad ni Anastacio dahilan para mapangiti si Patria at tumango."Ganoon din ako Anastacio, pero hindi na pwede. Hindi na pwede dahil anumang oras ngayon ay nasisigurado ko sa iyong mamamatay na ako." saad ni Patria na agad namang hindi sinang ayunan ni Anastacio. 

"Hindi. Hindi ka mamamatay. Kung maari ay susuyurin ko ang buong pilipinas o kahit pa ang buong mundo para maghanap ng isang magaling na doktor para gamutin ka, gagawin ko." saad niya "Pangako mo lamang sa akin hindi ka bibitaw." dagdag pa nito at hinalikan ang kaliwang kamay ni Patria.

Sa mga oras na iyon, unti-unting natigil ang pagdaloy ng luha ni Patria dahil sa sinabi ni Anastacio. Dahil sa pamamagitan ng mga salitang tinuran nito ay nakaramdam siya ng kaunting pag-asa na dahil mayroon na siyang isa pang magiging paghuhugutan ng lakas. 

Halos isang oras ang lumipas, napilit na ni Patria si Anastacio na umuwi na sila dahil hindi talaga ito komportable na matulog sa ospital o kahit manatili man lamang doon kahit ng ilang oras.

"Paano kung may mangyari nanaman sa'yo?" tanong ni Anastaciom "Walang mangyayari sa akin doon sa aming tahanan, saka nandoon naman sila ina. Alam nila ang gagawin kung sakali." siguradong saad ni Patria. "Hindi ko ba kasi alam sa'yo. Masyado kang kinabahan kaya dinala mo ako agad dito" saad pa nito at tumawa ng bahagya. "Hindi ko po kasi alam, saka nag-alala po kasi ako." sarkastikong saad ni Anastacio at umiling-iling pa.

"Sa susunod, huwag mo na akong dalhin dito. Nakakainis lang yung mga sinasabi ng mga doktor paulit-ulit. Alam ko namang may sakit ako, pero paulit-ulit nilang sinasabi na animo'y wala akong ideya." saad ni Patria at agad nang tumayo sa kanyang pagkakaupo nang biglang bahagyang mandilim ang kanyang paningin dahilan para agad siyang nilapitan ni Anastacio at inalalayan pahiga.

"Kita mo! Hindi mo nga kaya." giit nito "Kaya ko. nabigla lang talaga ako." pagpupumilit ni Patria at muli nanamang tumayo kaya napailing na lamang si Anastacio dahil sa tigas gulo ng dalagang nililigawan.

Pagkalabas nila ng pagamutan ay muli na silang sumakay sa kalesa na pinakuha ni Anastacio kay Tinyente Bustamante na siya ring kumuha ng kabayo nito sa may liwasan. Agad na inalalayan ni Anastacio pa akyat si Patria na agad namang kinangiti ng dalaga. "Patria, paano kung balak kong ligawan ka. Ayos lamang ba 'yon sa'yo?" tanong ni Anastacio na agad namang kinakunot ng noo ni Patria.

"Oo naman. Bakit hindi? Basta siguraduhin mo lang na papayag sina Ama, Ina, Kuya Pedro at Kuya Jose." saad ni Patria at bahagyang tumawa. "Kung alam mo lang kung gaano ako kahanda sa mga bagay na iyan" sagot ni Anastacio at nginitian ng malaki si Patria.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na sila sa mansyon ng mga Suarez ngunit bago bumaba si Patria ay nakiusap ito kay Anastacio, "Anastacio, maari bang huwag mo nang sabihin pa kina Ama ang nangyari kanina?" pakiusap nito.

Napakunot naman ng kaniyang noo si Anastacio at napataas ng isang kilay. "Bakit naman? Kailangan nilang malaman ang nangyari sa'yo" saad ni Anastacio. "Hindi na. Ayos lamang ako. Ayokong mag-alala nanaman sila, kaya sana ay intindihin mo na lamang ako" saad ni Patria dahilan para pilit na lamang na mapatango si Anastacio at huminga ng malalim.

"Oo na, hindi ko na sasabihin. Siguraduhin mo lamang na kapag may naramdaman kang kakaiba ay agad mo itong ipagbibigay alam." bilin ni Anastacio na agad namang tinanguan ni Patria ng may ngiti sa kanyang mga labi. "Oo naman. Pangako." ngiti ni Patria dito.

"Tara na nga, ihahatid na kita sa loob." anyaya ni Anastacio na agad na bumaba ng kalesa para ihatid si Patria sa loob ng kanilang mansyon.

Pagpasok ng mansyon ng mga Suarez ay agad na naabutan nila ang nakatatandang kapatid ni Patria na si Pedro na mayroong isang binatang panauhin. May hawak hawak iyong kumpol ng bulaklak ng mansanilya at nakangiti ng bahagya kay Patria.

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon