Capìtulo Veinte Siete

48 2 0
                                    

TANGHALI na ng nagising si Patria at naramdaman niyang wala na sa tabi niya ang asawa kaya  agad siyang napabangon sa kanyang pagkakahiga upang mabilis na tignan kung nasaan ang anak nila na wala din sa kuna nito.

Mabilis siyang tumayo at lumabas nang silid upang hanapin ang kanyang mag-ama. Bumaba siya sa hardin at doon nakita niyang nakatayo sa hindi kalayuan ang kanyang asawa habang buhat-buhat ang kanilang anak at binibilad sa araw. Bilin din kasi ng doktor nito ay palagian itong ibilad nang sa gayon ay makakuha ng sapat na bitamina na makatutulong dito upang lumaking malusog. 

"Mahal." mahina niyang tawag sa asawa at bahagyang ngumiti. Agad namang lumingon sa gawi niya si Anastacio at ngumiti din. "Gising ka na pala, Mahal. Kumain ka na ng almusal mo,  Pinagluto kita." ngiti ni Anastacio habang marahang hinihimas ang ulo ng kanyang anak. 

"Sige, mamaya. Bakit hindi mo naman ako agad ginising? Tinanghali na pala ako ng gising . Ako sana ang nag paaraw kay Amelita." saad naman ni Patria. Ngumiti naman ng kaunti at umiling si Anastacio, "Alam ko kasing pagod ka nitong mga nakaraang araw at alam naman nating hindi maganda sa'yo ang napapagod kaya mas minabuti kong pag pahingahin ka na muna." sagot nito. huminga ng malalim si Patria at ngumiti ng kaunti, "Ayos lang naman ako. Basta para sa inyong dalawa ni Amelita, balewala ang pagod." ngiti niya at kinuha sa asawa ang anak.

 "Papasok ka na ba? Alas-nuebe na ata ng tanghali eh." tanong ni Patria sa asawa. "Oo, Mahal. Mag ingat kayong dalawa dito, ha?" ngiti ni Anastacio sa asawa. "Oo naman. Anong gusto mong kainin mamayang gabi? Mamamalengke ako mamaya." tanong ni Patria. "Kahit ano. Basta luto mo,  Natitiyak kong magugustuhan ko 'yan." ngiti ni Anastacio. "Sige na nga. Pumasok ka na. Mag ingat ka." ngiti ni Patria dito at hinalikan sa pisngi.

"Mahal na mahal kita." bulong niya pa dito. "Mahal na mahal din kita, asawa ko." sagot naman ni Anastacio at tinignan ang anak saka marahan iyong hinalikan. "Aalis na ako Amelita. Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang iyong Ina." ngiti ni Anastacio dito saka naglakad na papunta sa labas ng mansyon.

Muli siyang lumingon at kumaway sa asawa na nakatingin lang din sa kanya, kaya nakangiti na lamang siya ng malaki dito bago pinatakbo ang kanyang kabayo.


***


PAGDATING ni Anastacio sa tanggapan ay naabutan niya doon si Don Florante na kasama ang anak nitong si Floresca at mga iilang guardia personal. "Don Florante, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya dito. "Kailangan nating mag usap, Anastacio." seryosong tugon nito sa kanya kaya bahagya na lamang siyang ngumiti dito at tumango. "Sige po. Doon po natin pag-usapan 'yan sa aking tanggapan." sagot niya dito at naunang naglakad patungo sa dulo ng pasilyo kung saan naro-roon ang kanyang opisina. 

Pagkapasok nila sa tanggapan ni Anastacio ay agad na umupo si Anastacio sa kanyang lamesa at tumingin sa Don, na wari ba'y hinihintay niya itong magsimulang magsalita. "Nabasa mo naman na siguro ang liham ko sa iyo Anastacio?" tanong nito sa kanya kaya bahagya na lamang na tumango si Anastacio dito. "Ang aking asawa ang nakabasa noon." tugon ni Anastacio habang pritente at kalmado lamang na nakaupo. 

Nakaramdam naman ng inis at pagka-insulto si Don Florante sa nakikita niyang inaasal ni Anastacio sa kanyang hirapan."Anong balak mong gawin ngayon? Hinding hindi ako makapapayag na hindi mo pananagutan ang anak ko." seryosong saad ni Don Florante.
"Wala po akong balak gawin." sagot naman ni Anastacio at ngumisi ng kaunti. 

Lalong uminit ang mga tingin ni Don Florante kay Anastacio, "Anong ibig mong sabihin? Hindi ko inaasahan ang sagot na 'yan mula sa punong heneral ng San Antonio." saad ni Don Florante. Umiling ng kaunti ang Heneral at tumawa,  "Hindi ko rin inaasahan na nais niyong may lalaking managot sa kapusukan ng inyong anak kasama ang ibang ginoo." pabalang na sagot ni Anastacio dito.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now