Capítulo Once

102 3 0
                                    

"Es decir por qué he sido pensamiento Para poner Que en Fuerte De Santiago como el cabeza general" (That's why I've been thinking to put you in Fort Santiago as the head general)

Napatingin naman si Anastacio kay Patria na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya habang hinihintay ang kanyang magiging kasagutan.

"Voy a sólo va Acerca de se primera señor" (I'll just going to think about it first sir.) magalang na sagot ni Anastacio at ngumiti. "Estaré esperando su pronta respuesta, General." (I'll be waiting for your quick response, General.) ngiti ng Gobernador-Heneral sa binata saka ininom ang isang alak na nakalagay sa tabi nito. 

Pagkatapos ng pagtitipon ay agad na umalis ang magkasintahan sa Palacio Del Gobernador at habang nasa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Patria habang nakatingin lamang sa labas ng kalesa.

"Ayos ka lamang ba mahal?" tanong sa kanya ni Anastacio. "Ayos lamang ako." diretsa nitong sagot habang hindi man lang binabaling ang kanyang paningin sa nobyo.

"Bakit tila yata nag iba ang iyong pakikitungo sa akin pagkatapos sabihin ng Gobernador-Heneral na nais niyang ako ang mamuno sa Fuerte De Santiago?" tanong muli ni Anastacio. Umiling naman si Patria at tumingin sa kawalan, "Inaantok na ako. Huwag ka na ngang magulo." inis na saad ni Patria at tuluyan nang tumalikod sa kanyang nobyo at marahang pinikit ang kanyang mga mata.

Ilang minuto ang nakalipas ay huminto na ang kanilang kalesang sinasakyan sa tapat ng tahanan ni Anastacio na kanilang tinutuluyan.

Kaya marahang tinignan ni Anastacio ang kanyang nobya na ngayon ay tulog na tulog na at mukha ngang napagod din ito sa mga ginawa nito sa buong maghapon.

"Mahal, Nandito na tayo." marahan nitong tawag at tinapik ng dalawang beses ang hita nito. "Mahal." tawag nitong muli kaya marahan nang inangat ni Patria ang kanyang tingin sa kanyang nobyo na nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Sige na, Bumaba ka na." saad ni Patria at mabilis na inayos ang itsura ng kanyang buhok at bumaba na rin ng kalesa saka dire-diretsong pumasok sa loob ng mansyon.

Hindi naman talaga galit si Patria na magiging heneral ng Fuerte De Santiago ang kanyang nobyo, ngunit sa loob niya ay nalulungkot dahil nasisigurado niyang mahaharap nanaman ito sa mga magugulo at mas malalaking labanan dahil ang buong Maynila na ang pangangasiwaan nito at magiging bahagi na ito ng mas malaking posisyon.

"Mahal ko, huwag ka nang magalit pa." pang aamo sa kanya ng binata habang nakayakap ito sa kanyang likuran. "Hindi naman ako nagagalit." sagot niya at ngumiti dito.

"Eh? Kung hindi ka nagagalit bakit tila yata hindi mo gusto na maging heneral ako ng Fuerte De Santiago" saad ni Anastacio. "Gusto ko. Masaya ako para sa'yo, ngunit iniisip ko lang na mas magiging delikado ang mga bagay na kakaharapin mo sa oras na ikaw na ang hahawak sa buong guardia militar ng kalakhang Maynila." sagot naman ni Patria habang marahang inaalis ang mga magaganda at mararangyang alahas sa kanyang katawan.

Ngumiti at bahagyang tumawa si Anastacio saka pinulupot ang kanyang dalawang braso sa baywang ng nobya. "Maari ko namang hindi tanggapin 'yon, Mahal. Ang importante sa akin ay magkasama tayo palagi at masaya ka." ngiti ni Anastacio at pinatingin sa kanya ang dalaga.

"Mahal na mahal na mahal kita at wala nang mas hihigit sa'yo. Walang silbi ang lahat ng mga materyal na bagay, titulo, at kayamanan kung wala naman ang pag-ibig mo." ngiti nito at marahang hinalikan ang labi ng kanyang nobya.

"Gusto mo bang matulog na tayo ng magkapiling ngayong gabi?" nakangising tanong ni Anastacio. "Mananagot tayo kay ama kapag nabuntis ako." saad ni Patria at iniwan ang nobyong nakatayo sa harapan ng salamin kaya tumango na lang ito at ngumiti.

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon