Capìtulo Veinte Tres

49 3 0
                                    

ILANG buwan ang lumipas, malapit nang manganak si Patria at ngayon ay naghahanda siya ng kakainin nilang dalawa ni Anastacio na nakita niyang papalapit na rin naman sa kaniya.

"Kumain ka na mahal. Handa na ang almusal mo." saad ni Patria kay Anastacio habang hinihimas ang kanyang sinapupunan.

"Masakit na ba ang tiyan mo mahal? Gusto mong dalhin na kita sa pagamutan?" tanong ni Anastacio. "Ayos lang ako. Medyo mabigat lang at nakakangalay sa likod, ngunit hindi pa naman siguro ako manganganak." ngiti ni Patria.

Tumingin naman ng seryoso si Anastacio, "Sigurado ka?" tanong nitong muli. "Ayos lang talaga. Kumain na tayo." saad pa ni Patria at humawak sa kamay ng asawa.

Tahimik ang buong mansyon ngayon dahil nagtungo sa Nueva Ecija ang mga magulang ni Anastacio habang ang dalawa naman niyang kapatid ay tulog pa sa kani-kanilang mga silid.

"Ang tahimik pala ng mansyon kapag tulog ang dalawang magugulo." tawa ni Anastacio. "Hindi na ako makapaghintay na makarinig muli ng iyak ng sanggol na mula mismo sa ating anak." dagdag pa nito at marahang hinawakan ang sinapupunan ni Patria.

"Ako rin, Mahal ko. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan siya." ngiti naman ni Patria at hinawakan ang kamay ni Anastacio na nakahawak pa rin sa kanyang sinapupunan.

"Sandali. Parang gumagalaw siya." nakangiting saad ni Anastacio at maayos na hinawakan ang sinapupunan ni Patria. Pinakiramdaman din naman ni Patria ang kanyang sinapupunan at doon ay nararamdaman niya ang tila pa pagsipa ng kanyang anak sa loob.

"Pakiramdam ko ay medyo makulit ang magiging anak natin." tawa pa ni Patria. "Siguro ay lalaki ulit?" tanong ni Anastacio.

Nagkibit balikat si Patria at ngumiti, "Siguro. Ngunit hindi na mahalaga sa akin kung ano ang magiging kasarian niya, ang mahalaga sa akin ay maging malusog siya." ngiti ni Patria at tinignan ang kanilang pagkain.

"Kumain na nga tayo. Baka mahuli ka pa sa trabaho mo." saad pa nito at nagkrus at nagbanggit ng maiksing panalangin bago sumubo ng kaunting kanin.

Ilang minuto ang lumipas ay nakakaramdam na ng kakaiba si Patria sa kanyang tiyan na animo'y hindi na mapakali ang bata sa loob.
"Bakit parang hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Mahal? Iba na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Anastacio na halos tapos nang kumain at nakita niyang walang kabawas-bawas ang pagkain ng asawa. "Wala akong gana. Kumain ka lamang diyan." ngiti ni Patria at saka inabot ang isang basong tubig.

"Magandang Umaga po Binibining Natalia." narinig nilang pagbati kay Natalia ng isang katiwala. "Magandang Umaga din po." masiglang bati nito pabalik at saka nakangiting lumapit sa hapagkainan.

"Magandang Umaga!" Natatawa nitong saad at umupo sa tabi ni Patria. "Anong mayroon sa umaga mo ngayon, Natalia Josefa?" seryosong tanong ni Anastacio sa kapatid.

"Wala naman, Kuya. Ikaw nga ang aga-aga seryosong seryoso ka. Naku! Ate Patria, iwas iwasan mo munang magdidikit dito kay Kuya. Baka maging kamukha niya ang anak niyo. Mahirap na." saad ni Natalia at hinawakan ang sinapupunan ni Patria.

"Saka ate, kung magiging babae ang anak niyo siguradong bantay sarado at striktong striko 'yang si Kuya." saad pa ni Natalia. "Syempre! Gusto kong maging ligtas ang anak ko." saad naman ni Anastacio habang nakatingin ng seryoso sa kapatid.

"Tignan mo, Ate! Iyang itsura niyang 'yan, siya ang tipo ng tatay na hindi papalabasin ang magiging anak niyang babae. Kung sa amin pa nga lang ni Natasha daig pa si Ama sa pagiging strikto, Paano na lamang sa magiging anak niyo." tawa pa ni Natalia.

"Ang daldal mo, Natalia Josefa." saad ni Anastacio at tumayo na sa pagkakaupo saka lumapit sa asawa.
"Aalis na ako, Mahal. Mahuhuli na pala ako. Mag-iingat ka dito. Kung may problema ipatawag mo lamang agad ako sa aking tanggapan." bilin nito at ngumiti.

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon