Capítulo Diecisiete

76 4 0
                                    

KINABUKASAN, buong gabing walang tulog si Anastacio dahil hindi niya magawang alisin ang kanyang paningin sa kanyang asawa na mahimbing pang natutulog.

Habang ang kanilang anak naman ay nasa ibang silid upang tignan ng mga iilang doktor dahil walong buwan pa  lamang ito at hindi malaman kung may epekto ba ito sa bata o wala.

Labis-labis ang pag aalala ni Anastacio para sa kaniyang asawa. Dahil nang maipanganak na nito ang kanilang anak ay agad itong nawalan ng malay at kasabay nito ay tumigil ang pagtibok ng puso nito ng iilang segundo.

"Anastacio." narinig niyang mahinang pagtawag sa kanya ni Pedro na siya naman sinusundan ni Jose na kasama ang mga magulang ng mga ito. "Magandang Umaga po, Ama at Ina." pagbati niya sa mga magulang kanyang asawa saka nag mano.

"Magandang Umaga din, Anastacio. Kumusta si Patria at ang anak ninyo?" tanong ni Don Joselito dito. "Mabuti naman na daw po ang kalagayan ni Patria. Hinihintay ko na lamang po siyang magising upang makumpirma kung maayos na ba ang kanyang pakiramdam. Habang ang anak naman po namin, sinusuri pa ng mga doktor kung mayroon po bang problema sa katawan nito dahil walong buwan lamang siya." sagot ni Anastacio at muling binaling sa asawa ang kanyang paningin.

"Sige. Pupuntahan muna namin ang apo namin." nag aalalang saad ni Donya Pepita saka tumingin sa anak habang si Don Joselito naman ay pasimpleng hinalikan ang noo ni Patria bago lumabas.


Nang makalabas na ang mag-asawang Suarez ay naiwan sa loob ng silid ni Patria si Anastacio, kasama ang dalawang nakatatandang kapatid ng kanyang asawa.

"Magpahinga ka na muna kaibigan. Mukhang puyat na puyat ka." saad ni Jose. "Oo nga, Anastacio. Kami na ang bahala kay Patria." dagdag naman ni Pedro.

Huminga muna ng malalim si Anastacio at bahagyang tumingin kay Patria saka tumango. "Sige, Salamat." ngiti ni Anastacio at hinawakan ang kaliwang kamay ng kanyang asawa.

"Babalik ako agad, mahal. Mag pahinga ka nang maigi." bilin niya dito at hinalikan ito sa noo bago binaling ang tingin sa mga kapatid ng asawa.

"Maraming Salamat. Jose, padalhan mo na lamang ako ng telegrama kung may problema, upang agad akong makabalik." buong ngiti niya sa kaibigan. Agad namang tumango sa kanya si Jose at ngumiti ng bahagya.

Pagkalabas ni Anastacio sa silid kung nasaan si Patria ay sandali niyang dinaanan ang silid kung nasaan ang kanyang anak.

Mapula pula at halos kulay rosas ang matataba nitong pisngi. Matangos din ang ilong nito na hindi na kataka-taka na namana nito sa kanya. Ang mga mata naman nito ay singkit na tulad nang kay Patria.

"Heneral De Castro, Magandang Umaga po. Buti na lamang ay nandito na kayo dahil nais kong ipabatid sa inyo na wala namang naging problema sa kalusugan ng inyong anak. Maayos naman siya at ngayon ay maari niyo na rin siyang dalhin sa silid ni Señorita Patria." pagbati sa kanya ng Doktor na siyang espesyalista ng buong El Salvador na si Doktor Romulo De Luna.

Si Doktor De Luna ang nakababatang kapatid ng Alkalde na si Don Benedicto De Luna.

S

umilay sa labi ni Anastacio ang isang malaking ngiti bago siya tumango,

"Salamat po kung ganoon. Sige po, Hihintayin na lamang po namin siya ni Patria sa silid." buong ngiting sagot ni Anastacio saka muling nagpasalamat bago tuluyang umalis.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now