Capítulo Otso

89 4 0
                                    

ILANG araw, mula noong makaalis ng El Salvador si Anastacio at ngayon ay makalalabas na ng pagamutan si Patria, dahil sa wakas ay nakita ng mga doktor na unti-unti nang nagkakaroon ng pagbuti sa kalagayan ng puso nito.

"Binibining Suarez, Ito na ang mga huling gamot na dapat mong inumin para hindi ka makaramdam pa ng pagkahilo kapag nagalaw." saad ng isang nars habang nakangiti ng malaki.

"Salamat po." nakangiting saad ni Patria at kinuha na ang maliit na papel kung saan nakasulat ang gamot na kanyang dapat inumin.

"Maraming Salamat sa pag-aasikaso sa aking anak, Doktor" nakangiting saad ni Don Joselito na agad namang kinangiti ng Doktor na siyang kasama ng nars na nag abot ng gamot kay Patria.

"Walang anuman po iyon Don Joselito. Akin pong kinagagalak na maging isa sa mga doktor ng inyong anak" saad nito at binalingan ng tingin si Patria. "Oo nga pala binibini, kung maari ay huwag ka munang gagawa ng nga mabibigat na bagay sa loob ng lima hanggang pitong araw." dagdag bilin nito na agad namang tinanguan ni Patria na ngayon ay hindi parin maalis sa kanyang pisngi ang ngiti dahil sa wakas makakalabas na siya ng pagamutan at bahagya nang nabawasan ang sakit na kanyang iniinda sa kanyang puso.

Pagkatapos ng pag uusap ay dumating na rin ang mga nakatatandang kapatid ng dalaga upang sunduin siya at iuwi na sa kanilang tahanan. Dahil ang kanilang Ama ay magtutungo na sa Maynila upang dumalo sa isang pagpupulong na isasagawa ng Gobernador-Heneral para sa lahat ng mga Gobernador ng bayan sa buong Pilipinas.

"Patria, kaya mo bang maglakad papunta sa ating kalesa?" tanong ni Pedro habang naka alalay sa kapatid na ngayon ay mabagal lang kung lumakad dahil mabilis pa rin itong hingalin. "Oo naman kuya, kaya ko." nakangiti nitong saad at binalingan naman ng tingin ang kanyang kuya Jose na abala sa pagtingin sa mga magagandang dilag na nagtra-trabaho sa pagamutan.

Ang mga dilag naman ay abala din sa pakiki-pagtinginan at ngitian sa Heneral. Si Jose ay may hindi tanggi-tangging makisig na itsura. Matangkad ito, may magandang pangangatawan, maputing kulay ng balat. Ang kanyang mukha naman ay agaw atensyon din. Dahil ang kaniyang mga mata ay singkit at mapupungay, ang ilong ay matangos at may perpektong hugis, maganda din ang hulma ng kanyang panga.

"Kuya Jose, nagpadala na ba ng liham si Anastacio?" seryosong tanong ni Patria habang naglalakad sila papasok ng kalesa. "Ha? Ah, oo. Mamaya ibibigay ko sa'yo, nasa bahay ang liham na pinadala niya para sa'yo." sagot naman ni Jose at ngumiti ng bahagya.

"Jose! Umayos ka nga. Ang mga mata mo, kung kani-kaninong binibini na tumatama. Nakakahiya." saway ni Pedro na agad namang kinatawa ni Jose at umiling. "Ano ka ba naman Kuya, Ano bang masama sa simpleng pagtingin? Magaganda ang mga binibini kaya normal lang para sa akin na mapatingin sa kanila." saad ni Jose at tumawa saka kumindat.

Sinamaan ng tingin ni Pedro ang kapatid, "Tumigil ka riyan! Mamaya sabihin ng isa sa mga iyan ay hinaharas mo sila at mamaya mapikot ka pa. Isa pa, ganyan ba ang tamabg pag-trato sa mga binibini?! Baka nakakalimutan mong may kapatid tayong babae." saad naman ni Pedro. "Hay nako kuya, masyado kang seryoso sa buhay. Tatandang binata ka sa ginagawa mo." biro pa ni Jose na hindi na lamang sinagot ni Pedro dahil nagpatuloy na ito sa paglalakad kasama ni Patria.

Sumakay ang nagkakapatid sa kalesang pagmamay-ari ng kanilang pamilya at halos sampung minuto lamang ay nakarating na sila sa kanilang tahanan.

Pagkarating sa mansyon ng mga Suarez ay agad silang sinalubong ng kanilang ina nang may malaking ngiti sa kanyang mga labi.
"Patria anak ko, Kumusta ka? Hindi ka ba nahirapan na ang mga kuya mo ang nagsundo sa'yo?" tanong sa kanya ng Ina. Ngumiti naman si Patria at marahang umiling. "Ayos lamang po Ina. Hindi naman po masyadong magulo at nagtatalo sina Kuya kaya ayos lamang po." nakangiting saad ni Patria na agad namang tinanguan ng ina.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now