Capítulo Sais

84 4 1
                                    

ILANG oras ang nakalipas, nanatiling naka upo sa tabi ng kama si Anastacio habang nakatingin sa dalaga na payapa paring natutulog habang may nakakabit na isang bagay dito upang tulungan itong makahinga ng maayos.

"Anastacio." mahinang tawag ni Donya Pepita, na ngayon ay kapapasok lang ng silid kung saan  naroroon at nagpapahinga si Patria. "Magandang Gabi po." bati niya dito habang bahagyang nakangiti. Lumapit din siya dito upang magmano, bilang tanda ng pag-galang sa Ina ng babaeng nililigawan.

"Magandang Gabi din. Ano pang iyong ginagawa dito? Wala ka pa bang balak umuwi sa inyong tahanan? Natitiyak kong hinahanap ka rin ni Amanda." saad nito habang pilit na nakangiti. "Ayos lamang po. Gusto ko pong makasama pa ng mas matagal si Patria. Nais ko din pong makasigurado na maayos na ang kaniyang kalagayan bago ako umuwi at magpahinga." sagot ni Anastacio habang nakahawak sa kamay ng dalaga.

Agad namang napangiti si Donya Pepita dahil sa sinabi ng Heneral at umupo sa tabi nito. "Huwag kang mag-alala Anastacio, Magiging maayos din si Patria. Kakayanin niya iyan, nasisigurado ko." kumpyansang saad nito. "Sa Dalawampung taon ng kaniyang buhay ay nilalabanan na niya ang kaniyang sakit sa puso, kaya naman natitiyak ko sa'yong magiging maayos ang kanyang kalagayan." saad ni Donya Pepita at marahang hinipo ang buhok ng anak bago muling tumingin kay Anastacio.

"Kaya ngayon, mas ikakatuwa niya kung uuwi ka muna sa inyong mansyon at magpahinga. Mahal ka ng anak ko, Nararamdaman ko iyon, kaya alam kong hindi niya magugutuhan kung magpupuyat ka dito at naghihintay sa kanyang pag-gising." bilin pa nito sa kanya.

"Babalitaan kita bukas ng umaga tungkol sa kanyang kalagayan" saad pa ni Donya Pepita at ngumiti agad namang kinangiti ni Anastacio at tumango. "Maraming salamat po" tugon niyo at tumayo na sa kanyang pagkakaupo saka sandaling tinitigan si Patria.

"Maghinga at magpalakas ka aking mahal." bulong niya dito bago ito hinalikan sa noo bago tuluyang lumabas ng silid.

***

ILANG ARAW ANG NAKALIPAS, alas dose na ng hating-gabi ngunit, marahang minulat ni Patria ang kanyang mga mata at inangat ng ang kanyang kaliwang kamay na ngayon ay may isang tila tubo na nakakonekta sa kanyang ugat na may lamang tubig kung saan pinapadaan at dumadaloy ang mga gamot na ibinibigay sa kanya ng doktor.

"Patria?" narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jose. "Kuya Jose, anong nangyari?" tanong niya sa nakakatandang kapatid na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya na nangingilid pa ang mga luha.

"Jose, ayos na ba si Patria?" narinig niya namang tinig ng kanyang kuya Pedro na kapapasok lamang ng silid habang may hawak hawak na maliwanag na gasera sa kaliwa nitong kamay.

"A-akala namin ay hindi ka na gigising pang muli" saad ni Jose habang hawak ang kamay ng kapatid na nakatingin lamang sa kanila. Dahil wala itong ideya sa mga nangyari. Basta ang huli niyang naalala ay nahimatay siya ngunit agad siyang nasalo ni Anastacio. "Halos dalawang linggo kang walang malay bunso. Kaya sobra kaming nag aalala sa kalagayan mo, ngayon ay laking pasalamat namin dahil nakakausap ka na namin" saad naman ni Pedro at hinalikan siya sa noo.

Ngumiti naman si Patria ngunit agad na pumasok sa kaniyang isipan ang lalaking pinakamamahal. "Si Anastacio? Nasaan si Anastacio?" mga tanong na namutawi sa bibig ni Patria. "Ayos lamang si Anastacio. Kagagaling niya lamang dito at ang sabi niya ay agad ko siyang padalhan ng telegrama sa oras magising ka." sagot ni Jose na agad namang kinangiti ni Patria.

"Huwag mo na muna siyang padalhan ng telegrama, kuya. Hayaan mo na muna siyang magpahinga. Nasisigurado kong pagod na pagod na ang aking mahal." saad ni Patria habang nakatingin sa may bintana ng silid. Hindi siya makapaniwalang dalawang linggo siyang walang malay. Alam niyang matinding pag-aalala ang dala noon sa kaniyang magulang, lalong lalo na kay Anastacio.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now