Capítulo Catorce

102 5 0
                                    

"Kung buntis man ako, hindi ko alam kung kakayanin ko Anastacio. Natatakot ako." seryosong sambit ni Patria. "Natatakot saan?" tanong naman ni Anastacio na seryosong nakatingin sa kanya.


Huminga ng malalim si Patria at umupo sa isang upuan na nasa hindi kalayuan.

"Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari. Natatakot ako na baka hindi ko magawang maging mabuting ina. Higit sa lahat, natatakot ako kung kakayanin ko bang manatili sa tabi niya habang lumalaki siya. Alam mo naman ang kalagayan ko, tapos ang sabi pa sa akin ng doktor ko noon ay may posibilidad na mamana ng magiging anako ko ang parehong problem na mayroon ako sa puso. Ayokong maranasan niya ang hirap." naiiyak na sambit ng dalaga dahilan para mapangiti na lamang ang kanyang nobyo at niyakap siya ng mahigpit.

"Wala kang dapat ikatakot. Mahal na mahal kita at hinding hindi kita pababayaan. Mananatili ako sa tabi mo habang buhay. Kung makukuha man niya ang sakit mo, ipapagamot at aalagaan natin siya. Tulad kung paano ka inalagaan at minahal ng mga magulang mo, magtiwala lamang tayo sa Diyos na walang mangyayaring masama sa anak natin." bulong nito habang yakap siya ng mahigpit.

Ngumiti si Anastacio at hinawakan ang pisngi ng nobya. "Tahan na. Huwag ka nang umiyak." ngiti pa nito at mabilis na pinunasan ang mga luha ng dalaga gamit ang kanyang hinlalaki.

"Ayos ka na ba?" tanong niya pa. "Ayos na. Tara na." ngiti naman ni Patria at humawak sa kamay ng nobyo saka sila sabay na naglakad pabalik sa hapag-kainan. Kung saan naghihintay sa kanila ang lahat na animo'y may maraming mga katanungan sa kanila na kinakailangan nilang sagutin.


"Patria Miguela, Mapapaaga na ba ang kasal?" seryosong tanong ni Don Joselito habang nakatingin sa mga mata ng anak. "Hindi pa naman po sigurado, Ama." nakayukong sagot nito.

Napahinga ng malalim si Don Joselito at napakamot na lamang sa kanyang batok. "Bakit naman kasi ginawa niyo agad ang bagay na iyan?! Hindi na ba talaga kayo makapaghintay na maikasal?!" punong-puno ng pagkadismayang tanong pa nito.

Natahimik na lamang si Patria dahil hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya sa kanyang Ama. Unti-unti nang lumalandas ang kanyang mga luha, dahil ramdam niya ang pagkadismaya nito sa kanya.

"Patawad po. Ngunit gagawin ko naman po ang lahat para wala nang ibang maka alam na nagdadalang tao si Patria sa kasal namin." saad naman ni Anastacio. Pinili niyang kunin na ang atensyon ni Don Joselito, dahil napapansin niyang umiiyak na si Patria habang nakayuko at naisip niya agad na baka may masamang mangyari pa dito dahil sa labis na pag-iyak.

"Siguraduhin mo lamang, Anastacio. Magiging isa itong lihim hangga't hindi pa kayo naikakasal." seryosong saad pa ng Don saka ininom ang inuming nakalapag sa harapan niya.

"Kung buntis nga talaga si Patria, nararapat lamang na maikasal na kayo sa lalong madaling panahon hangga't hindi pa nahahalata ang kanyang sinapupunan" mungkahi naman ni Don Alvaro na nakatingin lamang sa kanyang anak.

"Sa Ika-lima ng Oktubre po. Ika-lima ng Oktubre pakakasalan ko si Patria." seryosong saad ni Anastacio na agad namang kinabigla ng lahat.

"Ika-lima ng Oktubre?! Sa darating na Lunes na iyon." gulat ding tanong ni Patria na agad na kinatawa ni Anastacio. "Kahit kailan pa 'yan. Gusto mo ngayon na mismo pakasalan na kita." biro nito na kinairap na lang ng dalaga at umayos ng upo.

"Kung ayos lang po sa inyo, Sa darating na Lunes, Ika-lima ng Oktubre magaganap ang kasal namin ni Patria." saad ni Anastacio na agad namang kinangiti ng ama ng dalaga.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now