Capítulo Doce

105 4 0
                                    

"Iyon ay, uuwi na tayo sa El Salvador sa makalawa para paghandaan ang kasal" ngiti ni Anastacio at inilabas sa kanyang bulsa ang isang maliit na sobre na naglalaman ng kanilang magiging bilyete sa barko.

"Paano ang trabaho mo?" tanong ni Patria. Agad namang napangiti sa kanya ang nobyo at saka sumagot. "Tsaka na natin problemahin iyan. Ang mahalaga ay ang magiging paghahanda natin sa ating darating na kasal." ngiti nito at hinalikan ang kanyang noo.

"Wala ka nang kawala sa'kin mahal. Habang buhay ka nang matatali sa'kin." bulong pa ni Anastacio sa kanya. "Talagang wala na. Dahil wala naman din akong balak na kumawala pa." ngisi ni Patria at marahang dinampi ang kanyang daliri sa labi ng nobyo at hinalikan iyon.

"Tara sa loob?" anyaya ni Anastacio sa kanya kaya agad namang tumingin sa kanya ang nobya at sabay na pumasok sa loob ng mansyon habang hindi nahinto sa malalim na pagkakahalik sa isa't isa.

***

HALOS tatlong buwan ang nakalipas, ngayong gabi na ang magiging pag-alis ng magkasintahan pabalik sa El Salvador, kaya naman abalang abala na si Patria sa pag aayos ng kanilang mga gamit habang hinihintay sa pagbalik ang kanyang nobyo mula sa trabaho nito.

"Mahal? Nandito na ako." tawag ni Anastacio mula sa tanggapan ng mansyon kaya agad namang tinigil ni Patria ang pag-aayos ng kanilang mga gamit at lumabas mula sa silid upang salubungin ang kanyang nobyo.

Ngumiti ito ng malaki at yumakap ng mahigpit sa nobyo na agad namang napangiti ng malaki nang makita ang kasintahan saka ito binigyan ng isang mainit na yakap.

"Kumusta ang trabaho, mahal?" tanong nito at sinalubong ito ng halik sa pisngi. "Medyo nakakapagod, mahal. Ngunit dahil nakita na kita, agad din naman iyong napawi." ngiti nito at binaba ang kanyang tingin sa leeg ng dalaga at marahan iyong inamoy at hinalikan.

"Ang bango mo talaga, mahal." papuri nito sa dalaga. Tumawa naman ito at inalis ang pagkakayakap ng kanyang nobyo sa kanyang baywang."Bolero ka talaga. Kumain na tayo, Nagluto ako ng paborito mong luto ng gulay na Pakbet." ngiti ni Patria at naglakad na patungo sa hapagkainan na nasa hindi lamang kalayuan.

"Napaka swerte ko talaga sa'yo." bulong pa ni Anastacio at saka hinawakan na lamang ang kamay ng dalaga at bago inabot ang kubyertos na nakalapag sa gilid bg kanilang pinggan saka nagsimulang kumain.

Nang gabi ring iyon, tahimik na naka-upo si Anastacio sa tanggapan ng bisita ng mansyon habang hinihintay si Patria na bumaba mula sa silid dahil naligo pa ito bago sila tuluyang umalis.

Nakangiti ng bahagya si Anastacio habang iniisip na kung paano niya sasabihin sa mga magulang ng kanyang nobya ang balak niyang pamamanhikan sa isang gabi.

"Dapat sigurong ihatid ko si Patria sa kanilang mansyon para kausapin ang kanyang mga magulang?" tanong niya sa kanyang sarili. "O konsultahin ko muna si ama at ina?" tanong niyang muli.

"Mahal?" tawag sa kanya ni Patria kaya agad na niyang inangat ang kanyang paningin dito. "Ayos ka na ba, mahal ko? Ang bilis mo namang maka pag-ayos." sabi ni Patria at inaayos pa ang laylayan ng kanyang suot na magarang baro.

"Ayos na ako, mahal. Hindi ba ako mukhang presintable sa paningin mo?" tanong nito sa kanya. Tunawa naman si Patria at bahagyang pinisil ang matangos at perpektong ilong ng nobyo."Hindi ah. Napaka kisig mo kaya." tawa nito saka nilipat sa pisngi ni Anastacio ang mga kamay. "Kaya nasisigurado kong magiging maganda o makisig din ang ating mga magiging anak dahil magmamana sila sa ama nila." dagdag pa nito at tumawa.

Ngumisi naman ng malaki si Anastacio at tinignan ang mukha ng kasintahan. "Mas gusto ko kung magiging kamukha mo ang magiging anak natin, Lalong lalo na kung mga babae ito." saad naman ni Anastacio at ngumiti.

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon