Capítulo Cinco

94 4 0
                                    

"Sige. Kung talagang desidido ka, Magtungo ka dito bukas ng madaling araw at harapin mo ang tamang proseso at pagkuha ng babaeng minamahal mo." mga salitang sinaad ni Don Joselito kay Anastacio kaninang hapon.

Hanggang sa maka-uwi na ng kanilang tahanan si Anastacio, ay paulit-ulit niya iyong naiisip at naaalala kaya pagkatapos maligo ay agad niyang hinanda ang kaniyang mga gamit na kakailanganin kinabukasan

Ilan sa mga iyon ay isang kulay puting hanggang pulso ang manggas na pang-itaas, kulay itim na pantalon, at gawa sa balat ng kabayo na mula pa sa Pransya. Naglabas din siya ng isang mamahaling pabango na regalo pa sa kaniya ng kanyang Ina noong kanyang Ika-Dalawampu't isang kaarawan.

***

KINABUKASAN, maagang gumising upang maghanda si Anastacio. Kumain siya ng kanyang almusal at agad na nagbihis ng kanyang kasuotan. Ngunit bago siya nagtungo sa mismong mansyon ng mga Suarez ay dumaan muna siya sa tindahan ng mga bulaklak upang bumili ng Tulips.

Ilang minuto din siyang naghintay doon bago dumating ang may-ari ng tindahan na tuwang-tuwa dahil ang Heneral mismo ang kaniyang buena manong parokyano.

Pasado alas kwatro ng madaling araw ay nakarating siya sa mansyon ng mga Suarez. Hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang kumpol ng bulaklak ng Tulips na kaniyang binili. Ngunit kahit na may bagay na siyang hawak sa kaniyang kamay ay kapansin pansin pa rin ang panginginig ng kanyang mga kamay nang dahil sa sobrang kaba.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka kumatok sa malaki at gawa sa kahoy ng narra na pinto ng mansyon ng mga Suarez.

Agad namang bumukas ang pinto para sa kanya at doon nakita niya ang tagapagsilbi ni Patria na si Isidra. "Magandang umaga po Heneral De Castro. Pasok po kayo."anyaya sa kanya ni Isidra at ginaya siya nito papasok sa tanggapan ng mga bisita.

"Tulog pa po si Señorita Patria. Nais niyo po bang gisingin ko siya?" tanong sa kanya ni Isidra na agad naman niyang inilingan habang nakangiti. "Hindi na. Nandito ako para sa aming pormal na pag uusap ni Don Joselito." sagot ni Anastacio at pinasadahan ng tingin ang mga bulaklak na hawak niya.

"Maari bang ibigay mo na lamang ang mga ito kay Patria sa oras na magising siya?" pakiusap ni Anastacio habang nakangiti. "Opo Heneral. Ako na po ang mga bahala dito." saad ni Isidra at maingat na kinuha ang mga bulaklak mula sa kamay ni Anastacio.

"Ilalagay ko na po ang mga ito sa kanya silid upang hindi na madumihan pa." paalam ni Isidra at naglakad na papaakyat ng ikalawang palapag.

Samantalang si Anastacio ay naiwan doon habang nakatingin sa kawalan at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.

"Mas nakakatakot pa pala sa kahit anong labanan ang panliligaw" saad niya sa kaloob-looban ng kanyang isipan.

Habang nakaupo siya doon ay nilibot niya muna ang kaniyang paningin sa kapaligiran.

Malaki ang mansyon ng mga Suarez. Sa tanggapan ng mga bisita, nakalagay sa isang salaming iskaparate ang mga babasaging kasangkapang nagmula pa sa Tsina na pinaniniwalaang mga kagamitan ng mga sinaunang Tsino noong panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Ang pamilya kasi ni Donya Pepita, partikular na ang kaniyang ama ay may lahing tsino. Ang mga ito ay mga negosyanteng nagmula sa Tsina na nakikipag-kalakalan sa pamamagitan ng Kalakalang Galyon, ngunit sa paglipas ng taon ay nagpasya nang manirahan sa Pilipinas.

Nagpatuloy sa pagmamasid si Anastacio hanggang sa dumako ang kaniyang paningin sa mga larawan ng pamilya. Sa unang larawan, nakita niyang larawan ng pamilya na mukhang bago lamang. Nakaupo si Patria sa pagitan ng kanilang mga magulang habang ang dalawa nitong nakatatandang kapatid ay nakatayo sa kanilang likuran.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now