Capìtulo Veinte Dos

51 2 0
                                    

"Magkakaanak na tayong muli?" nakangiting tanong ni Anastacio. Marahan namang tumango sa kanya si Patria bilang isang sagot.

"Kailan mo pa nalaman?" Gulat na gulat na tanong ni Anastacio. "Noong nakaraang linggo. Nagtungo ako sa doktor upang magpatingin dahil dalawang buwan na akong hindi nagkakaroon ng buwanang dalaw na hindi normal para sa akin. At ayon, napag alaman kong buntis ako." buong ngiting sagot ni Patria.

"Salamat sa diyos!" halos magtatalon sa tuwang sambit ni Anastacio. "Huwag kang masyadong masaya diyan. Nasa libingan tayo ng anak natin." saway ni Patria dito saka umupo sa gilid ng puntod.

"Ayos lang ba sa'yo na magkaroon ng bagong kapatid anak?" tanong ni Patria at pinagpagan ang mga iilang tuyong dahon sa puntod ng anak.
"Pero huwag kang mag-alala, Mananatiling ikaw ang anghel ko." saad pa nito at pasimpleng pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

"Tama ang iyong Ina, anak. Kahit na magkakaroon ka na ng bagong kapatid ay hindi ibig sabihin noon ay makakalimutan ka na namin." saad ni Anastacio at inakbayan ang asawa.
"Sa puso't isip namin, mananatili kang buhay." Dagdag pa nito.

"Maligayang Kaarawan muli anak." sambit ni Anastacio habang bahagyang nakangiti.

***

Pagka-uwi nila sa mansyon ay agad na tumingin si Anastacio sa asawa na naka upo lang sa tabi at nakatulala sa kawalan.

"May problema ba, Mahal?" tanong niya dito. "Nagugutom ako." sambit ni Patria at tumayo saka kumapit sa bisig ng asawa. "Bilhan mo ako ng pinya, Mahal." saad pa nito at ngumiti ng malaki.

Ngumiti at agad namang tumango si Anastacio, "Sige mahal. Ano pang nais mong kainin?" sang ayon naman agad nito. "Ubas. Ubas mahal. Iyong walang buto. Saka dalandan at manggang hilaw na isasawsaw sa bagoong." sagot nito habang nakangiti pa rin.

Nakangiti namang nakikinig sa asawa si Anastacio, habang inaayos ang kanyang salapi na nakalagay sa kanyang pitaka. "Ano pa mahal? May nais ka pa bang iba?" tanong niya dito. "Kanin? Ayaw mo bang kumain ng kanin?" tanong nitong muli.

Umiling si Patria at umupo sa kanilang kama, "Ayoko. Wala akong gana. Basta ang gusto ko lang kainin ngayon ay pinya, ubas, at manggang hilaw." sagot naman nito at tuluyan nang humiga.

"Gisingin mo na lamang ako mahal, ha? Medyo nahihilo kasi ako." sambit pa nito saka binalot ang sariling katawan sa kumot at pumikit.

"Sige, Mahal. Magpahinga ka lang. Mahal na mahal kita." sambit ni Anastacio at hinalikan sa noo ang asawa.

Pasimple din siyang ngumiti at hinawakan ang ibabang bahagi nang si napupunan nito. "Huwag mong pahirapan ng husto ang iyong Ina, anak." mahinang sambit niya at tuluyan nang lumabas ng silid.

Pagkalabas niya ng silid ay nakasalubong niya ang nakababatang kapatid na si Natasha na basang basa ang damit at umiiyak.

"Natasha, Ayos ka lamang ba?" tanong niya dito pero hindi siya sinagot nito at patuloy lang na naglakad papunta sa silid nito na nasa dulo ng mahabang pasilyo.

"Anong nangyari doon?" tanong naman niya kay Natalia na kasunod lang ni Natasha na umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang mansyon.

"Narinig niya sa usap usapan ng mga katiwala na nag tungo ng Maynila si Benjamin De Luna at nagpasyang doon na manirahan." sagot ni Natalia.

"Hindi nag paalam sa kanya?" tanong pa ni Anastacio. "Hindi daw. Basta noong nakaraang araw ay magkasama pa silang dalawa sa may ilog kaya ayan, lungkot na lungkot." sagot ni Natalia.

Huminga na lamang ng malalim si Anastacio at tumango. "Sige. Kausapin mo muna. May pupuntahan lang ako." paalam niya. "May trabaho ka ngayon kuya? Kaarawan ni Martin ngayon diba? Buti pinayagan kang umalis ni Ate Patria?" tanong ni Natalia.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now