Patuloy sa paghalik sa labi ng isa't isa ang dalawa. Marahan na ring binubuksan ni Patria ang butones ng uniporme ni Anastacio habang si Anastacio naman ay gumagapang na ang kamay patungo sa likod ni Patria upang alisin ang sarado ng panloob ng dalaga na siyang tumatakip sa malulusog nitong dibdib.
Ngunit agad silang natigilan nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Agad na napalayo si Anastacio sa nobya at tumalikod upang muling isara ang butones ng kanyang uniporme habang si Patria naman ay nagkunwaring inaayos ang kanyang buhok sa likuran.
"Hoy Anastacio!" malakas na sita ni Jose at agad na nilapitan ang kapatid. "Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" strikto nitong tanong. "Kuya, wala naman kaming ginagawang masama ni Anastacio." natatawang saad ni Patria. "Anong walang masamang ginagawa?! Nakikipag halikan ka sa isang lalaki, Patria! Hindi nga lamang yata halik ang nais nitong ni Anastacio sa'yo, baka nakakalimutan mong hindi ka pa lubos na magaling." inis na saad ni Jose. "Alam ko kuya. Alam ko ang ginagawa ko." sagot ni Patria at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng nobyo na bumalik na sa kaniyang tabi.
"Aba naman, Patria! Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ni Jose "Magkasintahan na kami kuya. Sinagot ko na si Anastacio." nakangiting saad ng dalaga dahilan para mapapikit na lamang ang kanyang nakatatandang kapatid sa inis.
"Alam mo ba ang sinasabi mo Patria? Masyado ka pang bata! Isa pa, wala pa ngang isang buwan na nanliligaw iyan sa'yo." pangaral nito sa kapatid. "Jose, hayaan mo na si Patria at Anastacio." narinig nilang tinig ni Don Joselito mula sa may pintuan ng silid.
"Ngunit ama, masyado pang bata si Patria para sa mga bagay na iyan. Kami nga ni Kuya Pedro walang nobya at wala pang balak magpakasal." pagpupumilit ni Jose. "Jose, kumalma ka nga muna. Bente anyos na si Patria. Kung tutuosin ay nasa tamang edad na siya para magpakasal kaya hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na siyang pag iisip. Alam na niya ang tama sa mali." dagdag pa ni Don Joselito at lumapit sa anak na dalaga upang iabot dito ang kanyang pasalubong na kanin at bagong lutong adobong manok.
Huminga na lamang ng malalim si Jose at tumingin ng seryoso kay Anastacio. "Siguraduhin mo lang na aalagan mo ang kapatid ko Anastacio. Kung hindi, mananagot ka talaga sa akin kahit na magkaibigan pa tayong matalik." pagbabanta niya na agad namang kinangiti ni Anastacio at tumango sa kanya.
"Oo naman, ako na ang bahala kay Patria." saad naman nito at hinalikan ang kamay ng dalaga saka ngumiti.
***
ILANG araw ang lumipas, pabuti nang pabuti ang kalagayan ni Patria na siya namang kinatutuwa ng husto ng buong pamilya Suarez lalong lalo na ni Anastacio na siyang abala na rin sa pagpasok sa kanyang trabaho, ngunit hindi parin nawawala sa isipan na bisitahin at alagaan ang kanyang pinakamamahal na nobya.
"Heneral De Castro, may telegrama po mula sa alkalde" tinig ni Tinyente Bustamante at inabot kay Anastacio ang telegrama na may lagda ng alkalde ng bayan na si Alkalde Benedicto De Luna.
Agad na tinanggal ni Anastacio ang selyo nito at agad na binasa.
Heneral De Castro,
Hindi na ako pagpapaligoy-ligoy pa ukol sa mensaheng aking nais ipabatid sa'yo. Nangangailangan ng mga sundalo sa Norte dahil sa isang malawakang pag aaklas, kung kaya naman nagpatawag ang gobernador-heneral ng isang pagpupulong kung saan sinaad niya sa amin na kinakailangan naming magpadala ng hukbo upang tulungan ang mga tao sa Norte.
YOU ARE READING
Fallen History (History Series 2)
Historical FictionHeneral Anastacio De Castro. Ang pinaka magiting at kakaibang heneral ng El Salvador. Kilalang kilala si Heneral De Castro sa kanyang pagiging tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. Ngunit hindi lamang sa tungkulin siya naging tapat bagkus...