Capítulo Dieciocho

71 3 0
                                    

ILANG buwan ang nakalipas magmula nang maipanganak ni Patria ang anak nila.

Naging mas madalas ang pag uwi nang maaga ni Anastacio sa kanilang mansyon dahil sa kanyang pagkasabik na makita ang anak, na sa tuwing siya ay nasa kanilang tahanan ay siya ang may buhat at nag aalaga.

Nais kasi niyang kapag nasa kanilang tahanan naman siya ay makapagpahinga kahit papaano si Patria at magkaroon ng panahon para sa sarili nito.

"Martin anak, nagugutom ka na ba?" tanong ni Patria sa anak na bagong gising lang at umiiyak ng malakas.

"Sandali lamang anak. Nagbibihis pa ako." dagdag niya pa habang inaayos ang kanyang suot na blusa.

Magkatapos niyang ayusin ang kanyang damit ay mabilis niyang binuhat mula sa pagkakahiga sa kanilang kama ang anak at inilagay sa kaliwang banda ng kanyang dibdib.

"Shh. Huwag ka nang umiyak" pagpapatahan niya dito at marahang tinatapik ang likuran ng bata.

Kinakantahan niya rin ito ng mahinang himno ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak kaya mukhang alam na niyang nagugutom nga ito.

Mabilis niyang kinuha ang panali sa kanyang mahabang buhok saka iyon pinuyod saka marahang inangat ang kanyang damit upang painumin na ng gatas ang anak ngunit hindi naman ito uminom at nag patuloy lang sa pag iyak.

Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga at bahagyang napakunot ng noo, habang iniisip kung ano ang problema hanggang sa naisip niyang silipin ang lampin nito at doon nakita nga niya na basa na ito.

Marahan niyang inilapag muli ang anak at mabilis na kumuha ng iilang bulak, alkohol, malinis na tubig, malinis na tela at lampin na pamalit.

"Aalisin na Ina ang iyon lampin anak. Sandali na lamang." ngiti niya at marahang pinunasan ang bahagi ng katawan ng anak ng bulak na binasa sa malinis na tubig. Sumunod naman ay bulak na binasa ng kakarampot na alkohol saka iyon pinunasan ng malinis na tela.

Pagkatapos niyang punasan ang anak ay marahan naman niyang sinuotan ito ng lampin.

Dahil sa abala siya sa pag-aasikaso sa kanyang anak ay hindi niya napansin o nadinig man lamang na dumating na ang kanyang asawa.

"Kumusta ang asawa ko?" narinig niyang tinig ni Anastacio mula sa kanyang likuran. "Ayos lang. Ikaw mahal? Kumusta?" sagot ni Patria habang inaayos pa rin ang paglalagay ng lampin ng kanilang anak.

"Maayos lang. Nanabik ako sa inyong dalawa ng anak natin." ngiti nito at niyakap mula sa likuran si Patria at hinalikan sa pisngi.

"Ang bango ng misis ko." papuri pa nito kay Patria. "Bolero! Hindi pa pala ako nakakapag luto ng hapunan, Mahal. Nakalimutan ko." wala sa sariling saad ni Patria na kinatawa na lamang ni Anastacio.

"Ayos lamang, Mahal. Nais mo bang ako na lamang ang magluto?" tanong ni Anastacio. Umiling naman si Patria at ngumiti, "Hindi na mahal, Ako na. Alam ko namang nasabik ka kay Martin, kaya ikaw na ang mag alaga sa kanya. Magluluto na ako." ngiti ni Patria at tumayo sa pagkakaupo sa kama.

"Magluluto muna ako, anak." saad niya pa at hinalikan sa noo ang anak saka akma nang lalabas ng silid ngunit mabilis siyang hinawakan ni Anastacio sa kamay at hinila papalapit sa katawan ng heneral.

"Ako ba mahal, wala bang halik para sa'kin?" nakakalokong ngisi nito. Kaya bahagya na lamang na napangiti si Patria at umiling.

"Sige na nga." tawa niya pa at sandaling tumingkayad saka marahang dinampi ang kanyang labi sa labi ng asawa na mabilis naman na tinugunan ni Anastacio ng mas marahas ngunit mapagmahal na halik.

"Mahal na mahal kita asawa ko."

"Mahal na mahal na mahal din kita mister ko."

***

Fallen History (History Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon