Capítulo Tres

111 4 2
                                    

"Mawalang galang na po Don Florante, pero hindi niyo naman po matatawag na kataksilan ang ginawa ko o ginawa namin ni Patria dahil wala naman po kaming relasyon ni Floresca. Unang una pa lamang po ay sinabi ko na sa kanya na hanggang kaibigan lamang ang maibibigay ko sa kanya. Dahil si Patria ang mahal ko." diretsahang saad ni Anastacio dahilan para mapatingin na lamang sa kanya si Patria.

"Kung nais niyo pong maikasal si Floresca sa lalong madaling panahon, utang na loob huwag sa akin. Dahil hindi ko nais mag pakasal ng dahil lamang sa isang kompromiso." dagdag pa ni Anastacio at hinawakan ang kamay ni Patria saka pinasakay iyon sa kanyang kabayo na nakatali sa hindi kalayuan.

"Pagpasensyahan mo na sina Floresca." Paghingi ng tawad ni Anastacio kay Patria na ngayon ay nakatulala lamang sa kawalan habang pilit na pinapasok sa kanyang isipan ang mga katagang sinabi ni Anastacio kanina. 

"Ihahatid na muna kita sa inyong mansyon bago ako pumasok sa tanggapan." saad ni Anastacio nang mapansin niyang tulala lamang sa kawalan si Patria. Tumango naman si Patria bilang sagot dahil kahit anong pilit niyang umisip ng bagay na maaring makabawas sa kaniyang pagkailang ay hindi niya magawa.

Wala nang niisa sa kanilang dalawa ang nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa San Felipe sa tapat ng mansyon ng mga Suarez.

"S-salamat sa paghatid, Anastacio." saad ni Patria na ngayon ay nakatayo na sa may tapat ng sarado ng kanilang mansyon. "Karangalan kong gawin iyon, Patria." sagot ni Anastacio at ngumiti saka hinalikan ang kamay ni Patria. "M-mauuna na ako." Paalam ni Anastacio na agad namang tinanguan ni Patria at agad na tumalikod.

Ilang segundo pa ay kapwa silang napalingon sa isa't isa at kapwa tinawag ang ngalan ng sabay. "Sige, Ano ang iyong sasabihin, Patria?" tanong ni Anastacio "S-salamat nga pala sa iyong ibinigay na manga at mansanas." saad nito dahilan para mapangiti ng malaki si Anastacio at tumango. "Walang anuman iyon. Patria, maari ba kitang anyayahang lumabas mamayang gabi? Susunduin kita dito sa inyong mansyon." naiilang at may namumulang pisngi ni Anastacio. Napangiti naman ng kaunti si Patria at tumango, habang iniisip na baka tunay nga ang tinuran ni Anastacio kanina lamang na mahal siya nito.

"O-oo naman. Magpa-paalam ako kay Ama." saad ni Patria at ngumiti. "Salamat. Sige, mauuna na ako. Magandang araw sa'yo." paalam muli ni Anastacio at ngumiti na sa dalaga saka sumakay ng kanyang kabayo at pinatakbo papalayo. 

Nang makalayo na si Anastacio ay biglang nagkumawala ang ngiti sa mga labi ni Patria na halos magtatatalon pa sa kilig. Agad na siyang pumasok sa loob ng kanilang mansyon na may ngiti sa labi ng mapansin niyang mukha pala siyang tanga doon sa labas dahil nakangiti siya sa kawalan.


"Senorita Patria, Pinasasabi po ng inyong ina na huwag daw po kayong masyadong magpapagod" saway sa kanya ng kaniyang personal na katiwala na si Isidra. Naiinip na kasi siya sa pagtunga-nga at pagbabasa ng mga libro sa kanyang silid habang hinihintay ang oras na dunating si Anastacio kaya naisipan niyang maglaba ng kaniyang iilang mga damit. "Ayos lamang ako dito Isidra, kaya ko na ito." saad niya at ngumiti ng malaki. 

"Senorita Patria, may naghahanap po sa inyo." narinig niyang tawag ng isa sa kanilang mga tauhan sa mansyon. Kaya agad naman siyang tumayo sa kanyang pagka-kaupo sa may batuhan at naglakad papasok sa kanilang mansyon.

Pagpasok niya roon ay nakita niyang nakaupo doon ang magkapatid na Natasha at Natalia at nakangiti sa kanya ng malaki. "Kayo lamang pala, akala ko naman ay kung sino na ang naghahanap sa akin. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Patria at umupo sa harapan ng magkapatid. "Magkwento ka sa amin Ate Patria, Ano ang nangyari sa inyo ni Kuya Anastacio kanina?" kinikilig na tinig ni Natalia. "Wala lamang iyon. Hindi totoong may nangyari sa amin, sadyang aksidente ang nangyari." paliwanag ni Patria

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now