Capítulo Dos

144 6 2
                                    

"Nagagalak akong makita kang muli." saad nito at marahang kinuha ang kanyang kamay at matamis na hinalikan.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang hindi napigilan ni Patria na mapangiti ng bahagya dahil sa ginawa ni Anastacio na ngayon ay nakatingin na ng diretso sa kanyang mga mata.

"Ganoon din ako, Anastacio." sagot niya at ngumiti ng malaki sa heneral. "Sige, mauuna na ako Patria. Salamat muli." saad ni Anastacio na marahan nang binitawan ang kamay ng dalaga. "Mag iingat ka." ngiti naman ni Patria at naglakad na patungo sa kanilang kusina.

Sa paglabas ni Anastacio sa mansyon ng mga Suarez ay may isang bagay siyang nasisiguradong naiwan niya sa loob, walang iba kundi ang puso niyang umiibig parin kay Patria.

***


NAKANGITING pumasok sa tanggapan ng heneral si Anastacio na hindi man lamang iniinda ang bala na tumama sa kanyang balikat.

"Heneral! Ano pong nangyari sa balikat niyo?" tanong ni Tinyente Bustamante na agad na sumalubong sa kanya. "Wala ito. Nabaril lamang ako ng isang mangingisda sa daungan." nakangiting saad ni Anastacio at mabilis na nagsalin ng tubig sa isang basong naka lapag sa kanyang lamesa saka marahang ininom.

"Ano po? Nabaril kayo? Ngunit parang sa lahat naman po yata ng nababaril ay ikaw lamang ang nakangiti, Heneral." panunudyo sa kanya ng Tinyente. "Pabayaan mo na lamang ako. Bumalik ka na sa iyong pwesto." saad ni Anastacio at bahagyang ngumiti saka umupo na sa tapat ng kanyang lamesa.

"Ngunit, nagamot na po ba ang inyong sugat?" tanong muli ng Tinyente. "Oo, Maayos na ako. Sige na, lumabas ka na, ako na ang bahala dito. Tawagin mo na lamang ako kung may naghahanap sa akin." saad ni Anastacio at ngumiting muli na agad na tinanguan ng Tinyente.

Pagkalabas ni Tinyente Bustamante ay agad ring tumayo sa kanyang pagkakaupo si Anastacio at naglakad patungo sa isang malaking tukador kung saan nakalagay ang kanyang mga iilang pamalit na uniporme kung sakaling may pupuntahan siyang biglaang pagtitipon.

Agad niyang hinubad ang kanyang pag itaas na uniporme at panloob dahilan para makita ang kanyang maganda at nakakapanindig balahibong tindig.

Matikas ang hubog ng kaniyang katawan, may mga paumbok na laman sa kaniyang tiyan at braso na siyang bunga ng matinding ehersisyong kanilang ginagawa sa Academia Militar at maging hanggang sa ngayon na siya ay heneral na.

Importante sa kaniyang trabaho ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan lalong lalo na kung magkakaroon ng biglaang digmaan dahil mas magiging mabilis sa kaniyang kumilos ng maliksi upang madipensahan ang kaniyang panig.

Habang nagbibihis siya ay bigla nanamang sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti dahil sa muli niyang nakita ang tela na binalot ni Patria sa kanyang sugat. Doon naalala niyang muli kung gaano kaganda ang ngiti ng dalaga sa kanya. Ang dalaga na siyang kahulugan ng pag-ibig para sa kanya.

Pagsapit ng tanghali, abalang nagbabasa ng mga dokumento si Anastacio nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang tanggapan. "Bukas iyan." seryoso niyang saad. Maya-maya pa ay pumasok doon si Floresca na may dala-dalang iilang supot ng pagkain para sa kanya.

"Floresca, ano ang iyong sadya?" tanong ni Anastacio na ngayon ay nakatingin parin sa kanyang mga papeles na binabasa. "Nais lamang kitang dalhan ng tanghalian. Alam mo namang ayaw kong nagugutuman ka." malambing na tinig ni Floresca at lumapit kay Anastacio saka pinulupot ang mga braso sa leeg nito.

Tumikhim ng bahagya si Anastacio at agad na inalis ang mga braso ni Floresca sa kanya. "Floresca, nagtra-trabaho ako." seryosong saad ni Anastacio. "Alam ko. Kaya nga ako na lamang ang nagtutungo sa'yo, hindi ba?" malambing paring saad ni Floresca.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now