Capítulo Uno

267 6 14
                                    

Third Person's POV

El Salvador, 1887

TAHIMIK at seryosong naglalakad pauwi sa kanilang mansyon si Anastacio na mukhang pagod na pagod sa eskwela nang marinig niya ang mga maingay na tawanan sa likod ng kanilang mansyon.

"Dolores! HAHAHA! Tigilan mo nga iyang ginagawa mo." narinig niyang tinig ni Patria dahilan para lihim siyang napangiti na animo'y biglang napawi ang pagod na kanyang nadarama. "Ikaw naman ang sumayaw Patria! Napaka daya mo talaga, kahit kailan ay hindi kami manalo ni Natalia sa'yo." saad ni Dolores.

Muling napangiti si Anastacio dahil nasisigurado niyang naglalaro nanaman ang tatlo ng paunahan kung sino sa kanila ang matapos na magburda at ang mahuli ay sasayaw sa harap.

Hindi katanggi-tanggi na napaka galing at bilis manahi ni Patria dahil kahit noong limang taong gulang pa lamang ito ay tinuruan na ito ng kanyang inang si Donya Pepita kung paano manahi.

"Siguro may makinarya kang tinatago sa iyong mga kamay kaya ang bilis mong manahi." usisa ni Natalia at agad na kinuha ang kamay ni Patria para usisain. "Tigilan mo nga 'yang kamay ko Natalia, Nakikiliti ako." natatawang saad ni Patria. "Huhulaan ko na lamang ang kinabukasan mo ate Patria." hirit ni Natalia at tumawa. Dahilan para pati si Anastacio na nakatayo sa tabi ay lihim na ring natawa dahil sa sinabi ng kapatid.

"Nakikita ko sa'yong mga palad na ikakasal ka kay Kuya Anastacio!" saad ni Natalia at tumawang muli dahilan para manlaki bigla ang mga mata ni Patria at bahagyang mamula ang mga pisngi nito. "Ayiee! Namumula ang pisngi niya!" tukso ni Dolores at siniko pa si Patria na pilit na kinukubli ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hay nako Patria, Kung alam mo lang ang tungkol kay Anastacio, talaga namang matatawa ka. Alam mo bang talaga namang napakatamad niyang maligo noong mga bata pa tayo at kung hindi pa siya papagalitan ni Tiya Amanda ay hindi pa siya maliligo." saad ni Dolores at tumawang muli.

"Tapos, 'yong mga panahon na nanghuli sila ng ibon ng iyong kuya Jose, Halos madapa dapa siya sa pagtakbo dahil sa takot sa aso! Kung tama ang pagkakatanda ko ay nasa edad siyam siya noon!" saad ni Natalia na nakitawa na rin.

Agad na namula at nag init ang pisngi ni Anastacio at lumapas na sa kanyang pinagtataguan. "Kayong dalawa, Natalia at Dolores pumasok na kayo sa loob. At ikaw naman Patria, Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Anastacio. "Ano bang pakialam mo?" hirit ni Patria dahilan para lalong mamula ang mga pisngi ni Anastacio, dahil iyon pa ang lubos na nagustuhan niya kay Patria ang pagiging maldita nito paminsan-minsan.

"Kasama ko si Ama at nasa loob lamang siya habang kausap ang iyong Ama." seryosong sambitp ni Patria at naglakad na papalayo saka nagtungo sa may mga tanim na halaman ni Donya Amanda na nakalagay sa hindi kalayuan.

"Lagot ka kuya, Lagi mo na lamang tinutudyo si Ate Patria. Lalo kang hindi magugustuhan noon." saad ni Natalia "Tigilan mo nga ako, Natalia." inis na saad ni Anastacio at naglakad na papasok ng kanilang mansyon dahil marami pa siyang dapat aralin, lalong lalo na't sa Lunes na ang kanyang magiging pagsusulit na siyang magtatakda kung makakapasok ba siya bilang isang bahagi ng militar.

Nasa wastong edad na si Anastacio para pumasok sa Academia Militar dahil nasa edad labing pito na siya na kasing edad ni Dolores habang ang kanyang kapatid na si Natalia ay edad labing lima habang si Patria naman ay labing anim.

"Anastacio anak, Kumain ka muna ng iyong miryenda bago ka magtungo sa iyong silid." tawag sa kanya ng kanyang ina na naghahanda ng pagkain sa hapag kaininan kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Natasha na nagsisimula ng kainin ang iilang piraso ng keso na nakalagay sa tabi.

Nasa edad labing-tatlo pa lamang si Natasha ngunit nakikitaan na ito ng husay at malaking interes sa larangan ng pagluluto, kung kaya naman ay sinasanay na ito ng kanilang ina upang may maipakita pa ang natatangi nitong kakayahan.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now