Capítulo Dieciséis

84 5 4
                                    

MAKALIPAS ang apat buwan. Malaki na ang sinapupunan ni Patria at anumang araw ngayong darating na buwan ng Marso ay maisisilang na niya ang panganay nila ni Anastacio.

Magkasama sa kanilang silid ang mag-asawa dahil nag gagayak na sa pagpasok sa trabaho si Anastacio habang si Patria naman ay nakatingin lamang sa asawa habang hinihimas ang kanyang malaking sinapupunan.

"Ayos ka lang ba, mahal ko? Parang hirap na hirap ka atang gumalaw ngayon?" tanong ni Anastacio na ngayon ay nag aayos na ng kanyang itsura para sa kanyang pagpasok sa kayang tanggapan.

Kasalukuyan silang naninirahan ni Patria sa kanilang mansyon na hindi naman din kalayuan sa mansyon ng mga magulang ni Anastacio sa San Antonio.

"Oo, mahal. Medyo nahihirapan lang ako huminga dahil pakiramdam ko sinisipa ng anak natin yung ibabang bahagi ng baga ko." sagot ni Patria na ngayon ay nakaupo lang sa isang upuan na malapit sa may bintana.

"Dito na lamang muna ako. Hindi kita maaring iwan na masama ang pakiramdam mo." saad ni Anastacio pero umiling lamang si Patria at bahagyang tumawa.

"Ayos lamang ako, mahal. Magpapahinga lamang akong sandali tapos mawawala din 'to." sagot nito. Huminga naman ng malalim si Anastacio at umupo sa tabi ng asawa. "Hindi naman ako mapapakali niyan sa tanggapan kung iiwan kitang mag-isa dito." seryosong saad naman ni Anastacio.

Ngumiti ng malaki at hinawakan ni Patria ang kamay ng asawa. "Ganito na lang, para hindi ka mag alala, Maaga ka na lamang umuwi o kaya naman ako na lang ang pupunta sa'yo para hatiran ka ng iyong pananghalian." suhestyon ni Patria.


"Para na rin makapag lakad ako. Ang taba taba ko na nga, oh. Para akong namamaga na naninilaw." inis na saad ni Patria dahilan para matawa na lang nang kakaunti si Anastacio at lumuhod sa harap ng asawa.

"Hindi ka mataba, mahal. Saka ano naman kung mataba ka? Lalo ka ngang gumanda dahil nagkaroon ka na ng laman kahit papaano. Ibig sabihin noon ay magaling akong mag alaga." ngiti ni Anastacio.

"Tigilan mo nga ako sa panunudyo mo. Bilisan mo nang magbihis diyan, handa na ang almusal mo." saad naman ni Patria at tumingin sa kanyang itsura sa salamin.

"Hindi na maganda sa paningin ang itsura ko." bulong nito sa kanyang sarili. "Mahal, Naririnig kita." saad ni Anastacio at muling sinundan ang asawa saka ito niyakap mula sa likuran.


"Maganda ka, mahal. Lahat ng mga bagay na bumubuo sa'yo ay maganda. Lahat ng mga bagay na sa tingin mo ay hindi maganda, para sa'kin ay maganda." seryosong saad ni Anastacio at hinalikan sa labi ang asawa.

"Mahal na mahal kita Patria. Sa mga panahon na maganda ka man o hindi sa iyong paningin, Sa mga panahon na sa tingin mo ay may kulang sa'yo, at sa mga panahon na sa tingin mo ay kumpleto ka. Mahal na mahal kita"

***


ALAS diyes ng umaga, naisipan nga ni Patria na magtungo sa opisina ni Anastacio para naman makapag lakad lakad siya  kahit papaano.

Agad niyang miluto ang paboritong ulam ng asawa na Caldereta upang sabayan ito sa pagkain.


Pagkatapos niyang mag handa ay inayos na rin niya ang kanyang sarili,
Naligo siyang muli at nagpaganda.

Kung tutuusin nga ay mas lalong gumanda si Patria sa kanyang pagdadalang tao. Mas lalong naging maaliwalas ang kanyang mukha dahil lagi siyang nakangiti at tumatawa.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now