Capítulo Quence

81 5 0
                                    

Pagkatapos ng misa ni Padre Fernando ay agad niya ring binanggit ang tungkol sa pag iisang dibdib ng magkasintahang Anastacio at Patria.

"Bukas ng umaga, Ika-5 ng Oktubre, taong 1891. Gaganapin ang pag-iisang dibdib nila Heneral Anastacio De Castro at Binibining Patria Miguela Suarez. Ngayon pa lamang ay pinababatid ko na ang pagbati sa inyong dalawa, Heneral at Binibini." ngiti nito habang nakatingin sa pagkasintahan na ngayon ay magkatabing naka upo sa gilid ng simabahan at masayang nag ku-kuwentuhan.

"Kumain ka na ba, mahal?" pasimpleng tanong ni Anastacio dito. "Kumain na ako kanina sa mansyon. Ngunit, sa ngayon ay nagugutom nanaman ako." sagot naman ni Patria na agad bahagyang kinatawa ni Anastacio.

"Mukhang nais ng anak natin na tumaba ka na, mahal." biro nito. Napataas naman ng kanyan kilay ang dalaga habang nakatingin ng seryoso sa nobyo, "Anong ibig mong ipabatid? Tumataba na ako?! Hindi na ba ako maganda sa paningin mo? Sabihin mo lang para hindi natin ituloy ang kasal bukas." Seryosong tanong nito. Tumawa naman si Anastacio at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa, "Nais ko lamang sabihin na nais ng anak natin na maging malusog ka. Kahit na anumang maging pagbabago sa pisikal mong istura, hinding hindi magbabago ang pagmamahal at pag-ibig ko sayo." sagot naman ng Heneral at hinalikan ang noo ng nobya.

"Mahal na mahal talaga kita" bulong nito. "Mahal na mahal din kita, asawa ko" saad ni Patria at bahagyang yumakap sa katawan ng nobyo.


Nang makalabas na ang lahat ay agad na lumapit ang magkasintahan sa kanilang mga pamilya upang magbigay galang sa mga ito. "Magandang Umaga po." pagbati ni Anastacio sa mga magulang ng nobya habang naka pulupot pa rin ang mga kamay sa baywang nito.

Habang si Patria naman ay agad na ngumiti sa mga magulang ni Anastacio at nagmano upang pag-galang.

"Handa na ba kayo sa inyong kasal bukas?" tanong ni Don Joselito. "Opo" sabay na sagot ng magkasintahan. "Mabuti kung ganoon. Mabuti pa'y tayo'y humayo na dahil marami pa tayong aasikasuhin." saad naman ni Don Alvaro.

"May pupuntahan pa po sana kami ni Patria." pagpaalam ni Anastacio. "Saan? Baka pagod na ang nobya mo, anak? Lalong lalo na at dinadala na niya ang anak niyo." mahinang saad ni Donya Amanda.

Nahihiya man ay ngumiti si Patria sala umiling, "Ayos lamang po ako. Niyayaya ko po kasi si Anastacio sa kainan sa may plaza. Gusto ko po kasing kumain ng Pansit na may Ginisang Hipon at Nilagang itlog." nahihiyang saad ni Patria.

Ngumiti at tumango naman si Donya Amanda, habang si Donya Pepita naman ay tinignan lamang ang anak.
"Kung ganoon, Sige. Mag-iingat kayo." pag sang-ayon naman ni Donya Pepita sa anak.

"Patria, umuwi ka na pagkatapos niyong kumain ni Anastacio. Namumula ka nanaman." seryosong bulong ni Pedro dito dahilan para agad na napahawak ito sa kanyang labi na naging lalong mapula dahil sa ginawang pagsipsip ni Anastacio dito kanina noong sinamahan siya nito sa palikuran.

Pagkatapos nilang magpaalam sa kani-kanilang mga magulang ay sabay nang sumakay sa kabayo ni Anastacio ang magkasintahan at binaybay ang daan tungo sa panciteria.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa panciteria kaya agad na inalalayan ni Anastacio ang kanyang nobya sa pagbaba sa kabayo.

"Mahal ko, Sigurado ka bang hindi ka pa napapagod?" tanong ni Anastacio. "Hindi mahal. Ayos lamang ako. Medyo inaantok lang." ngiti ni Patria habang inaayos ang kanyang suot sa saya at baro.

"Sige. Tayo na, Para maihatid na kita at makapag pahinga ka na." ngiti ni Anastacio at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng nobya.

Pagpasok nila sa panciteria ay agad silang inasikaso ng mga tauhan dito, ngunit nang makaupo na sila sa may isang bakanteng lamesa sa gilid ay biglang nag iba ang pakiramdam ni Patria na animo'y nasusuka ito na hindi niya maintindihan at parang may kung anong bagay na umaakyat papunta sa kanyang dibdib.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now