Capítulo Trece

111 4 1
                                    

"Ngunit alam ko namang malapit na iyon. Sige na, Mahal, Magpahinga ka na. Magkita na lamang tayo sa araw ng pamamanhikan" ngiti pa ni Anastacio at hinalikan ang noo ni Patria saka niyakap ito ng mahigpit.

kumunot ang noo ni Patria at tumingin sa nobyo, "Sa pamamanhikan pa? Bakit ang tagal naman?" tanong miya dito. Tumawa naman si Anastacio at huminga ng malalim.  "Ang misis ko talaga, parang ayaw na akong ihiwalay sa kanya. Sige bukas, bibisitahin kita. Ngunit sa ngayon, magpahinga ka na muna. Mahal kita." ngiting muli ni Anastacio.

"Mahal din kita" tugon naman ng dalaga at ngumiti saka lumapit pa ng bahagya sa tapat ng nobyo at inabot ang pisngi nito saka binigyan ng matamis at mainit na halik sa labi.

Halos ilang segundo nilang patuloy na hinahalikan ng mariin ang mga labi ng isa't isa hanggang sa sandali nang bumitaw si Patria at ngumiti. "Sa kasal na ulit ang kasunod." ngisi nito habang nakapulupot pa rin ang kanyang mga kamay sa leeg ng nobyo habang ang kamay naman ng binata ay naka yakap sa kanyang baywang.

"Patria, anak?" narinig nilang tawag ng ama ng dalaga, dahilan para sabay na mapalingon ang nagkasintahan dito na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Magandang Araw po, Don Joselito. Hinatid ko lang po si Patria, ngunit aalis na po ako." nahihiyang saad ni Anastacio. "Paumanhin po sa aming ginawang kapusukan." dagdag nito at marahan nang inalis ang kanyang pagkakahawak sa baywang ng dalaga, habang si Patria naman ay agad na inalis ang kanyang mga braso na nakapulupot sa leeg ng nobyo. 

"Ayos lamang. Pero sana sa susunod kung gagawa kayo ng ganyang mga bagay, huwag naman sa pampublikong lugar kung saan maraming taong makakikita." payo nito dahilan para mag init ang pisngi ni Patria dahil tuluyan na niyang napagtanto ang kapusukan na kanilang ginawa ng kanyang nobyo. 

Magmula sa kanilang pagyayakapan, paghahalikan, at maging ang marahang pagpisil ni Anastacio sa kanyang malamang puwetan. 

Bahagya at ilang namang ngumiti si Anastacio, bago tumango. "Opo. Paumanhin pong muli. Mahal, aalis na ako." paalam ni Anastacio saka muling tumingin sa nobya, "Mag iingat ka." bilin niya dito. "Oo mahal. Ikaw rin, mag-iingat ka." ngiti naman ni Patria saka marahang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ni Anastacio.

"Aalis na po ako Don Joselito. Magandang Araw pong muli" may ngiti sa labing paalam ni  Anastacio saka sumakay na sa kanyang kabayo at marahan iyong pinatakbo papalayo.



Pagkaalis ni Anastacio ay ngumiti na lamang ng malaki si Patria sa kanyang Ama at yumakap ng mahigpit dito.

"Nasabik po akong makita kayong muli, Ama." ngiti nito habang nakayakap pa rin sa braso ng kanyang Ama. "Nasabik din ako sa'yo, bunso. Ngunit, uulitin ko, hindi maganda ang ginawa niyong dalawa ni Anastacio. Kahit na sabihan na nating magkasintahan na kayong dalawa, hindi pa rin kayo mag-asawa. Kahit na nga mag-asawa na kayong dalawa ay hindi niyo dapat ginagawa ang bagay na 'yon sa pampublikong lugar, hindi magandang makita ng kung sinuman ang mga maselang bagay na dapat ginagawa lamang ng mag-asawa." paalala ng Ama.

Napakagat naman ng kanyang ibabang labi si Patria at tumango na lamang bilang pag sang-ayon sa kanyang Ama. "Paumanhin po. Hinding hindi na po talaga mauulit." ngiti ni Patria. "Oo na. Pumasok na tayo sa loob, Naghanda ang iyong Ina ng mga paborito mong pagkain." ngiti ng kanyang Ama saka ginulo ang mahaba at nakalugay na buhok ng dalaga. 



Pagpasok ng mag-ama sa kanilang mansyon ay agad na sinalubong ng kanyang Ina si Patria ng isang mainit na yakap habang nakangiti ng malaki.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now