Capìtulo Veinte

73 4 0
                                    

ILANG araw ang nakalipas. Nakalabas na nang pagamutan si Patria at si Anastacio naman ay nagsumite muna ng bakasyaon sa kanyang trabaho upang mas mabumigyan niya ng panahon ang kanyang asawa.

"Magandang Umaga, Mahal ko." buong ngiting pagbati ni Anastacio kay Patria. "Magandang Umaga din, Mahal. Anong oras na? Napahaba ba ang tulog ko?" tanong ni Patria at akma na sanang babangon sa kanyang pagkakahiga.


"Hindi Mahal. Alas siete pa lamang ng umaga." nakangiting sagot ni Anastacio. "Ang aga mo naman atang nagising? Maaga ba ang pasok mo ngayon?" tanong naman muli ni Patria.

Umiling si Anastacio habang nakangiti, "Hindi ako papasok ngayon, Mahal." sagot ni Anastacio. "Bakit? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo? May problema ba?" sunod sunod na tanong ni Patria na bakas ang pag-aalala para sa asawa dahil marahan din niyang hinimas ang leeg at noo nito upang sipatin kung may lagnat ba ito.

"Walang problema, Mahal. Ayos lamang din ako. Gusto ko lang na makasama ka buong araw." nakangiting sagot ni Anastacio.

"Magkasama naman tayo palagi, ah?" nagtatakang sambit ni Patria. "Gusto kitang makasama ng matagal mahal. Iyong tipong buong araw, dahil gusto kong titigan ang iyong kagandahahan buong araw." kindat ni Anastacio sa asawa.

Tumawa at umiling si Patria, "Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo, Anastacio. Hindi magandang ideya ang naiisip kong nais mong ipabatid. Kagigising ko lang." natatawang saad ni Patria.

"Ano naman mahal? Normal lang naman 'yon diba? Mag-asawa tayong dalawa at nasa edad ng pagkakaroon ng sariling pamilya kaya walang masama kung may mangyari sa ating dalawa ngayon." Tawa ni Anastacio. Dahil sa muling pagkakataon, nakita niyang tumawa ng bahagya ang kanyang pinakamamahal na asawa.


"Malapit ng magsimula ang buwanang dalaw ko, Anastacio. Madali akong mabubuntis niyan." natawa ni Patria ng maramdaman niyang marahan nang kinikiliti ni Anastacio ang kanyang tagiliran gamit ang dalawang daliri nito na gumagapang na patungo sa kanyang hita.

"Isa lang, mahal." ngisi ni Anastacio. Napahinga na lamang ng malalim si Patria at tumango habang namumula ang magkabilang pisngi. "Sige na nga, Isa lang ha." pagbabanta niya dito saka sabay silang humiga sa kanilang kama at marahang hinalikan ang isa't isa.

Marahang inalis ni Anastacio ang kalawit ng suot na panloob sa dibdib ni Patria habang ito naman ay hinihimas na ang katawan ng asawa.

"Heneral De Castro!" malakas na tawag sa labas ng kanilang mansyon kaya agad namang natigilan ang mag asawa sa kanilang ginagawa.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Anastacio na abalang abala sa paghalik at pagdila sa dibdib ni Patria habang si Patria naman ay natigilan na lamang din sa paghawak sa maselang parte ng katawan ng asawa.

"Punyeta." bulong niya sa kawalan na malakas na kinatawa ni Patria. "Sige na, lumabas ka na. Mamayang gabi na lamang natin ipagpatuloy. Siguradong walang istorbo." kindat ni Patria dito.


Agad namang lumabas ng kanilang mansyon si Anastacio habang naka kunot ang kanyang noo.
"Ano iyon? Hindi ba't sinabi ko sa inyo na hindi ako papasok ng isang linggo?" inis niyang saad.

"Importante po kasi ang balitang ito, Heneral. Tungkol po sa mga taong pumatay sa anak ninyo, may mga tao pong lumutang at umamin na isa sila sa mga nakakaalam at nanloob sa inyong tahanan." sagot ng guardia sibil na kanyang kausap.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now