Capitulo Diecinueve

73 6 2
                                    

"Magbabayad ang may kagagawan nito. Hinding hindi ako makapapayag na hindi sila mahuhulog sa mga kamay ko." Galit na galit na sambit ni Anastacio habang nangingilid ang mga luha sa mga mata.

"Papatayin ko silang lahat." dagdag pa nito habang nanginginig ang mga kamay. "Anastacio, Kumalma ka muna." saad ni Paterno na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kaibigan habang nasa lamay sila ng anak nitong si Martin.

Bigla namang nag init ang buong pakiramdam ni Anastacio at mabilis tumayo sa kanyang pagkakaupo at tinulak ang lamesang nasa kanyang harap habang galit na galit na nag wika. "Hindi ako kakalma! Putangina, Pinatay nila ang anak ko! Pinatay nila ang pinakamamahal kong anak! Hinding hindi ako titigil hangga't hindi sila nananagot sa'kin! Naiintindihan mo ba?!" sigaw nito at padabog ngunit hirap na hirap na naglakad papasok sa kanilang tahanan.

Sa loob naman ng kanilang mansyon, sa kanilang silid ay tahimik lamang na nakaupo at naka tulala sa kawalan si Patria.

Hindi siya lumuluha pero sa pagtingin pa lamang sa kanya ay kitang kita na ang galit, lungkot, dalamhati, at puot sa mga mata niya.

"Mahal." mahinang tawag sa kanya ni Anastacio. Marahan naman siyang lumingon sa kanyang likuran.

Mabilis siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo at yumakap ng sobrang higpit sa asawa.

Mabilis din naman siyang niyakap pabalik ni Anastacio at marahang tinatapik ang likuran nito.

"Huwag kang mag alala mahal, Magbabayad ang lahat nang nararapat na magbayad. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi natin nakukuha ang hustisya para sa anak natin." seryoso ngunit malaman na bulong ni Anastacio.

"Papatayin ko silang lahat."

***

ILANG araw ang nakalipas. Laging tulala at animo'y balisa si Patria. Hindi ito maka usap ng maayos at lagi lang nakatingin sa kuna kung saan niya huling nilapag ang anak bago ito tuluyang mawalan ng buhay.

"Mahal, kumain ka na. Hindi ka pa kumakain mula kahapon." saad ni Anastacio na hindi na rin makapasok sa kanyang trabaho dahil sa mga nangyari.

"Hindi ako nagugutom." mahinang sagot nito habang nakatingin pa rin sa kawalan.

Unti-unting pumatak ang mga luha ni Anastacio nang makita niya kung gaano kalala ang pinsala ng nangyari sa kanyang pinakamamahal.

Marahan siyang huminga ng malalim at mabilis iyong nilapitan. "Mahal ko, Makinig ka sa'kin. Alam kong mahirap tanggapin ang nangyari, pero mahal kailangan nating magpatuloy sa buhay." pagpapagaan niya sa loob nito.

Agad namang tumayo sa pagkakaupo si Patria at tumingin sa kanya ng seryoso. "Hindi ko magagawang ipagpatuloy ang buhay ko, Anastacio! Hindi ko magagawang ipagpatuloy ang buhay ko kung sa araw-araw na ginawa ng diyos, gigising ako ng umiiyak at makatutulog na lang ng umiiyak sa kakaisip kung bakit? Bakit nangyari sa'tin ito? Bakit ang anak pa natin?" sunod sunod na tanong nito.

Sandaling natahimik si Anastacio at tumingin na lamang sa asawa. "Hindi ko din alam mahal. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng bagay na ito." sagot niya.

"Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit pa siya binigay sa atin kung babawiin lang naman? Halos mamatay ako sa panganganak sa kanya tapos ganito? Parang sa isang kisapmata bigla na lamang siyang mawawala?" iyak ni Patria at umupo na lamang sa sahig.

Tinakpan niya ng dalawa niyang pulso ang kanyang mukha na patuloy pa rin sa pagpula dahil sa sobrang pag iyak.

Maging si Anastacio naman ay hindi na rin napigilan pa ang pagluha at tinabihan ang asawa na nakasalampak pa rin sa sahig. "Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay natin, Mahal. Hindi ko na talaga alam. Ngunit kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na nandito ako sa tabi mo at hinding hindi kita pababayaan." mahina niyang saad dito at pinasandal sa kanyang balikat saka hinalikan sa noo.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now