Capìtulo Veinte Sais

47 3 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maagang gumising si Patria nang marinig niya ang pag iyak ng anak. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa tabi ng asawa na tulog na tulog pa rin dahil mukhang pagod na pagod din ito sa trabaho.

"Ang aga mo namang nagising anak. Nagugutom ka ba?" tanong niya dito at akmang papainumin ng gatas ngunit hindi naman ito uminom kaya muli na niyang inayos ang kanyang damit ang inayos na lamang ang pagkakabuhat sa anak at naglagay ng sapin sa kanyang balikat.

Marahan niya ring kinantahan ito ng himig o tonong maamo hanggang sa tuluyan itong makatulog.
"Susulitin ko ang mga araw na kasama kita anak. Matagal kaming maghintay ng iyong ama sa'yo, kaya naman hangga't may panahon pa para magkasama tayong dalawa ay susulitin ko iyon." saad ni Patria sa kanyang isip at marahang hinalikan ang noo ng anak.

Akma na sana niya itong ilalapag sa kuna na naka puwesto sa tabi ng kama nilang mag asawa nang makita niyang gising na rin ang asawa at naghahanda na ng kasuotan.

"Aalis ka?" mahina niyang tanong dito. "Pupunta ako sa tanggapan ni Don Florante. Pabubulaanan ko ang maling ulat na naka sulat sa liham na iyon." seryosong saad ni Anastacio.

"Puwedeng ipabukas mo na lamang iyan? Binyag ngayon ng anak natin." seryosong saad ni Patria kaya tumango na lamang sa kanya ang asawa at ngumiti.

"Sige. Kung iyan ang nais mo. Matulog na lamang tayo." ngisi ni Anastacio at hinalikan sa leeg ang asawa. "Huwag kang magulo. Baka magising si Amelita." natatawang saad ni Patria.

"Mabilis lamang mahal. Isa lang talaga." saad ni Anastacio na parang batang nag mamakaawa. "Sige na. Isa lang, ha." mahinang saad ni Patria kaya agad namang napangiti nang malaki si Anastacio at saka hinalikan sa labi ang asawa habang marahan itong inihihiga sa kanilang kama.

***

ALAS SAIS nang umaga. Naka pag ayos na ang mag asawa at patapos na rin si Patria sa pag aasikaso sa anak.
"Mahal, nauuna na ako sa ibaba. Kailangan kong kausapin si Natasha." seryosong saad ni Anastacio.

"Tungkol saan? Mukhang seryosong seryoso ang bagay na iyan?" tanong naman ni Patria sa asawa. "Tungkol sa sinabi sa akin ni Ginoong Bastien tungkol kay Benjamin." panimula ni Anastacio.

"Pinagtapat sa akin ni Bastien na kaya pala bigla na lamang naglaho itong si Benjamin dahil nakabuntis pala ito at iyon ang babaeng kasama niya sa Maynila. Noong una ay hindi ako makapaniwala pero nang sabihin sa akin ni Bastien kung sino nga ba ang babaeng iyon ay hindi na rin ako nagtaka pa dahil halos sabay nga silang naglaho sa bayan natin." sambit pa nito.

"Sino ba ang babaeng iyon?" tanong ni Patria. "Si Trinidad Perez. Isa sa pinaka malalapit na kaibigan ni Natasha. Hindi ko talaga maintindihan kung paano at bakit nagawang lokohin nang hayop na Benjamin De Luna na iyon ang kapatid ko." galit na saad ni Anastacio.

"Edi kailangang malaman ni Natasha ang tungkol sa bagay na ito? Sino pa ba ang nakakaalam nito?" tanong muli ni Patria.

"Si Ginoong Bastien, Ako, at ikaw pa lamang ang nakakaalam ng bagay na ito, mahal. Nakiusap kasi sa akin si Ginoong Bastien na siya na daw ang magsasabi ng totoo kay Natasha. Hahanap lamang daw siya ng tamang tiyempo at pagkakataon para sabihin ito." sagot naman ni Anastacio.

Tumango na lamang si Patria sa asawa at ngumiti. "Sige, Kausapin mo na muna si Natasha. Hindi pa naman ako tapos dito. Magkita na lamang tayo sa ibaba." ngiti ni Patria sa asawa.


Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na sa simbahan ang mag asawa at buhat buhat ni Anastacio sa kanyang bisig ang anak na mahimbing na natutulog habang si Patria naman ay nakahawak sa kanyang kabilang braso.

"Kuya Anastacio! Patria!" nakangiting tawag ni Dolores sa mag asawa. "Dolores? Kailan ka pa naka uwi dito sa Pilipinas?" tanong ni Anastacio dito.

"Nitong Linggo lang din kuya. Buti na nga lamang ay nagkita kami ni Tiya Amanda sa may pamilihan at doon naibalita niya sa akin na nag ka anak na pala kayong muli." ngiti ni Dolores.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now