Capitulo Diez

105 4 1
                                    

"Huwag mo akong iiwan, Anastacio. Pakiusap."

Mga salitang namutawi sa isipan ni Patria habang hawak hawak ng mahigpit ang kamay ng nobyo.

Ilang sandali pa ay dumating na ang isang doktor na may mga kasamang nars upang suriin si Anastacio.

"Binibini, lumayo po muna kayo." utos ng isang doktor na mabilis na sumuri kay Anastacio. "Gagawin po namin ang lahat para mapabuti ang lagay niya. Pangako." saad naman ng isang nars kaya wala nang nagawa si Patria kung hindi ang lumabas na lamang ng silid at pagmasdan ang kanyang nobyo sa pamamagitan ng pahabang salamin sa pinto ng silid.

Ang mga doktor at nars naman ay abala lamang sa paggawa ng kanilang trabaho upang magamot ang Heneral.

"Magiging maayos din si Kuya. Huwag ka nang mag alala pa, Ate" saad ni Natalia at niyakap si Patria mula sa likuran nito. "Sana nga Natalia. Dahil hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa akin kung may mangyayaring masama sa kanya." saad ni Patria habang pinapatahan si Natasha na nakayakap na lamang ng mahigpit sa kanya habang sobrang lakas pa rin ng paghikbi.

Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na ang mga doktor na siyang sumuri kay Anastacio. "Marami pong dugong nawala sa katawan ni Heneral De Castro. Dahilan para mahirapan ang kanyang puso na tumibok. Kinakailan po niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon." saad ng Doktor kay Patria.

"Mayroon po ba sa inyong maaring magbigay sa kanya ng dugo?" tanong ng Doktor. Huminga ng malalim si Patria dahil alam niyang hindi niya mabibigyan ng dugo ang kanyang nobyo. Dahil isa sa mga pinagbabawal sa mga may sakit sa puso ay ang magbigay ng dugo. "Maari po bang magbigay ng dugo ang may problema sa buwanang dalaw? Kapatid po ako ni Kuya Anastacio." saad ni Natalia.

Tumingin naman ang doktor sa kanya at sandali siyang ineksamen. "Hindi ka ba buntis, Binibini? Ang mga hindi maaring magbigay ay ang mga taong may sakit sa dugo, sa bato, atay, puso, at buntis." saad ng Doktor. Umiling naman si Natalia at bahagyang ngumiti. "Hindi po ako buntis." sagot naman ni Natalia.

Tumango ang Doktor at tumingin kay Patria. "Isasama ko na muna ang Binibini, upang makuhaan at maasikaso na ang kanyang dugo na isasalin kay Heneral De Castro." paalam bg Doktor. "Gawin niyo na po ang dapat niyong gawin basta't gumaling lang si Anastacio." saad ni Patria habang nakatingin sa kawalan.

Agad namang tumango ang doktor sa kanya at mabilis na nagtungo sa ibaba ng pagamutan kasama si Natalia at mga iilang nars.

"Natasha, bababa lamang ako sandali. Kung may problema ay puntahan mo lamang ako sa kapilya sa ibaba." bilin ni Patria kay Natasha na siyang naiwan upang bantayan si Anastacio na ngayon ay tulog na tulog pa rin.

"Sige Ate, mag-iingat ka." saad ni Natasha at bahagyang ngumiti. Bahagya din namang ngumiti si Patria sa kanya at lumapit kay Anastacio at nagwika. "Magpagaling ka mahal ko. Aalis lamang akong sandali." paalam niya at hinalikan ang noo nito at labi bago lumabas ng silid.

Pagkalabas niya sa silid ay agad niyang inayos ang kanyang balabal at naglakad patungo sa kapilya ng pagamutan na nasa hindi lamang kalayuan.

Pagkarating niya sa kapilya ay agad siyang umupo sa isang mahabang upuang gawa sa Narra at nilabas ang kanyang rosario saka nagsimulang magdasal ng taimtim.

"Diyos ko, pagalingin niyo na po si Anastacio. Kailangan ko pa po siya. Nais ko pa po siyang makasama ng matagal." panimula ni Patria hanggang sa mapansin niyang unti-unti nanamang pumapatak ang kanyang mga luha. "Mahal na mahal ko po si Anastacio tulad ng pagmamahal niya sa akin. Hinding hindi ko po kakayanin na may mangyayaring masama sa kanya." humihikbi niyang sambit at nagpatuloy sa pagdadasal gamit ang kanyang rosaryo.

Fallen History (History Series 2)Where stories live. Discover now