Chapter 24

19 2 1
                                    






CHAPTER 24



Bumalik ang malay ko sa silid na hindi pamilyar sa akin. Una kong napansin ang simple, pero magandang chandelier sa kisame. Sa nagtatalong antok at gising na diwa ay pinagmasdan ko ang paligid. Magara ang kabuuan ng silid, malaki at malinis. Puti at baby pink ang motif nito na nag-bigay ng maaliwalas na ambiance.

Nagtataka akong bumangon. Napangiwi pa ako nang maramdam ang sakit sa buo kong katawan ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Noon ko lang napansin ang damit na aking suot. Ternong pajama na kulay pink ang nakasuot sa akin at kahit natatakpan ng mahaba nitong manggas ang aking braso, nasiguro kong puno ito ng pasa.

Sapo ang ulo ay umahon ako mula sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Masyado itong maganda para sa isang kagaya ko. Tinungo ko ang pinto at sinubukang buksan, pero nakasara iyon mula sa labas. Kumatok ako.

“Anybody out there?”

Walang tugon mula sa labas kaya wala akong nagawa kundi maupo sa sulok habang nag-iisip kung ano ang mangyayari sa akin.

Ano ba ang naging mali ko, ang pagtatraydor ko sa Rapsodhee High, ang pagpapabaya sa laban, o ang pagiging mahina ko? Teka, hindi ba at mali ko ang tatlong nabanggit?

Gusto kong umiyak. Ang gusto ko lang naman ay makita si Scarface, wala akong ibang hinangad kundi ang makaharap siya. Ginawa ko ang lahat, pero hindi sapat. At kung mananatili akong narito habang naaawa sa aking sarili, lalo lamang magiging kumplikado ang lahat.

Bago pa tuluyang bumagsak ang aking luha ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Creed. Kaagad akong napatayo.

“You’re awake,” aniya habang isinasara ang pinto.

Tila tumigil ang oras. Nakatitig sa akin ang mga mata niyang punong-puno ng emosyon na noon ko lang nakita. Ang mukha niya ay may mga pasa, nangingitim ang gilid ng labi niya, at may band-aid na nakalagay sa kanang parte ng kanyang kilay. Ganoon pa man ay matikas pa rin siyang humakbang papalapit sa akin.

Nagulat ako nang kaagad niyang hapitin ang katawan ko at mahigpit na yakapin. Lalong sumakit ang katawan ko sa yakap niya.

Napakatahimik. Sa sobrang katahimikan, parang narinig ko ang tibok sa puso niya o marahil ay tibok iyon ng sarili kong puso. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan na pumawi sa lamig ng paligid. Hindi ko alam kung papaano ako magrireact kaya minabuti kong manahimik na lang at hayaan siya sa gusto niyang gawin.

“I’m sorry for hurting you,” sabi niya na halos pabulong lang.

Napapikit ako. Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para maramdaman ko ito, pero sa mga bisig niyang nakayakap sa katawan ko, hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nanghihina ako, nanghihina hindi ang pisikal kong lakas, kundi ang aking emosyon.

“So, are we going to make love now?” Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya.

Para akong natauhan. Mabilis kong pinalis ang mga kamay niya na nakahawak pa rin sa balikat ko.

“Nasaan si Naami?” tanong ko.

“She’s safe, don’t worry,” aniya. “Mr. Cross won’t let anyone hurt her, you know that.”

“Narito ba siya?”

Umiling siya. “Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Mr. Cross.” Ngumiti siya. “Alam kong nag-aalala ka sa kaniya, but Naami is a strong kid. Stop worrying, she’s safe.”

Hindi ako tumugon. Totoong nag-aalala ako kay Naami. Hindi ko alam kung bakit, hindi siya kagaya nina Fashia at Heina na malapit sa akin, pero may kung ano sa damdamin ko ang hindi mapalagay. Kahit pa alam kong hindi siya papabayaan ni Aellon Cross—ang ama niya na Player ng Rapsodhee High na nakilala ko bilang tagalinis, hindi pa rin mawala ang pangamba sa dibdib. Hindi ko dapat ito nararamdaman. Dapat ay mas nag-aalala ako sa sitwasyon ko.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now