Chapter 3

57 2 4
                                    








CHAPTER 3




Sabay na tumingin sa akin sina Fashia at Heina nang lumabas ako mula sa banyo. Nasa mukha nila ang pag-aalala habang nakasunod ang mga mata sa bawat kilos ko. Pinili Kong huwag silang pagtuunan ng pansin. Isang simpleng sulyap lang ang ibinigay ko sa kanila bago ko sinimulan ang pagbibihis.

“Temple, okay ka lang ba? Nakatulog ka ba?” ilang sandali pa ay hindi nakatiis na tanong ni Fashia.

Nilingon ko siya nang bahagya. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin simula pa kagabi, pero may pumipigil sa kaniya at hindi ko alam kung ano 'yon.

Hindi ako nagsalita. Alam kong alam na niya ang sagot sa sarili niyang tanong dahil maging silang dalawa ni Heina ay nanatiling mulat ang mga mata matapos ang eksenang nakita namin kagabi. Ang totoo niyan, sa aming tatlo ay mas apektado pa sila kaysa sa akin. Mas nakalarawan sa mga mukha nila ang takot. Nakatulog pa rin naman ako nang maayos ilang oras pagkatapos kong makita ang mga bangkay. Siguro ay dahil sanay na ako sa ganoong mga tanawin. Hindi na mabigat sa dibdib ko ang ganoon. Isa pa’y hindi ko naman kilala ang mga namatay. Maraming namamatay araw-araw... hindi ko kailangang iyakan lahat.

“Tungkol sa nakita mo—” Kusa siyang tumigil sa pagsasalita na para bang hindi niya kayang tapusin ang gusto niyang sabihin.

Hinarap ko siya. “I don’t have time to listen to whatever you want to say, Fashia. It did not scare me, okay?”

“T-that’s good then,” sagot niya.

Sinulyapan ko si Heina. Nakamata lang siya sa akin, pinag-aaralan ang bawat kilos ko.

Inalis ko ang paningin ko sa kaniya at tahimik na kumilos. Minadali ko ang pagbibihis at pag-aayos. Sa totoo lang ay ayoko sa uniform na ito na parang iginaya sa uniform ng Japanese at Korean high schools; coat, long sleeve blouse, necktie, mini skirt. Minsan ay nagiging daring ang unipormeng ito lalo na sa school na ito.

Ganoon pa man ay wala naman akong pagpipilian. Kailangang isuot ang unipormeng ito sa ayaw at sa gusto ko. Marahil nga ay walang maayos na Rules and Regulations ang Rapsodhee High, pero wala ni isa man sa mga estudyante rito ang nagbibihis na naaayon sa kagustuhan nila. Ang uniporme ay uniporme.

Hindi ako komportable kaya wala sa ayos ang bihis ko. Hindi nakasara ang butones ng coat, hindi maayos ang pagkakatali ng necktie, at higit sa lahat ay hindi ako nagsusuot ng black shoes.

Nang matapos sa pagbibihis at mabilis na pagsusuklay ay walang salita akong lumabas ng kuwarto. Nakamasid pa rin sa akin sina Fashia at Heina, pero hindi ako nag-abalang magpaalam sa kanila.

Wala ni isa mang estudyante ang nakita ko sa pasilyo nang tuluyan akong makalabas. Tahimik ang paligid. Nakakapanibago lang dahil hindi naman ganito ang eksenang nakikita ko tuwing umaga.

Nagsimula akong humakbang. Maayos ang facilities ng special dorm. May elevator, pero bihira akong gumamit no’n. Madalas ako sa hagdan. Exercise na rin tuwing umaga.

Nang tumapat ako sa isa sa mga kwarto ay kusang bumagal ang paghakbang ng mga paa ko. Nakabukas ang pinto ng kwarto—ang kwarto kung saan ay nakita kong nakahandusay ang katawan ng dalawang estudyante kagabi; mga katawan na wala nang buhay.

May isang janitor doon na nililinis ang sahig, ang tagalinis. Wala na ang bakas ng dugo sa kahit saang parte ng kwarto, pero tila naghahalusinasyong nakakita ako ang pulang marka sa ibabaw ng kama. Parang nakita kong muli ang hitsura ng mga bangkay. Huminga ako nang malalim. Aminin ko man o hindi, nakatatak sa utak ko ang naganap kagabi. 

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now