Epilogue

42 2 2
                                    





EPILOGUE



Sa paningin ko’y unti-unting lumiit ang mansion na pagmamay-ari ni White Smoke na nakikita ko mula sa side mirror ng kotseng minamaneho ko. Unti-unti iyong nilamon ng kadiliman ng gabi.

Ang mansyon na iyon… sino’ng mag-aakalang nasa ilalim noon ang Underground? Sino’ng mag-aakalang ikinukubli ng lugar na iyon ang hawla kung saan ay naglalaban ang mga estudyanteng pyesa ng laro?

Katahimikan ang sumunod na eksena. Wala akong narinig kundi ang tunog na nagmumula sa makina ng sasakyan. Pumalo sa noventa ang bilis nito. Wala akong ibang hangad kundi ang makalayo sa lugar na iyon.

“Ano’ng ginawa mo para mabawi ako sa baliw na lalaking iyon?” ang katahimikan ay binasag ng mahinang tinig ni Naami.

Nilingon ko siya. Kampante lang siyang nakaupo sa passenger’s seat habang nakatanaw sa madilim na kalsada.

Dalawang araw pagkatapos ng nangyari sa isla ni Klein, ipinasundo ako ni White Smoke mula sa mga tauhan niya at dinala sa kaniyang mansyon. Mula sa loob ng bahay ay ipinakita niya sa akin ang pinto patungo sa Underground kung saan naroon si Naami.

Kagaya ng napag-usapan, ligtas kaming lumabas mula sa mansyon. Lihim kong ipinagpasalamat na walang kahit anong sugat o gasgas man lang si Naami. Walang nagpapakita na pinahirapan siya at sinaktan. Tumupad si White Smoke sa usapan.

Wala akong narinig tungkol sa nangyari sa isla. Pagkatapos din noon ay hindi ko nakita pang muli ang Ghost Organization maliban kay Dune na kasama ko sa bahay.

Hindi na rin naman mahalaga iyon. Ang gusto ko na lang ay magkaroon ng tahimik na buhay pagkatapos ng mga nangyari. Alam kong nariyan lang ang Ghost at lihim na nagbabantay sa akin, pero hanggat maaari ay ayokong makita pa silang muli. Ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa maruming gawain.

“May pinatay ka ba kapalit ng kalayaan ko?” muling tanong ni Naami.

Mahinang ungol lamang ang kumawala sa lalamunan ko. Ayokong bigyan ng kasagutan ang kaniyang tanong. Sapat nang wala siyang alam.

“Ano’ng plano mo sa katawan ni Daddy at ni Miss Sahara?” Sa sunod niyang tanong ay napalunok ako.

Naging mahirap sa akin na sagutin iyon. Hindi pa rin madali para sa akin na tanggaping wala na sila. Alam kong imposible, pero lihim pa rin akong umaasa na sana ay nakaligtas sila.

Sabi ni Dune, nakuha ang bangkay ni Sahara mula sa bahay kung saan sila pinatay. Ang katawan naman ni Aellon ay halos hindi makilala matapos mabagsakan ng pader ang kaniyang mukha. Sa ngayon ay nasa morge pa sila. Hindi pa ako makapagdesisyon kung ano ang sunod kong gagawin.

“White Smoke told me,” ani Naami. “Klein Demith killed them.”

Nilingon ko siya. Bakas sa tinig niya ang lungkot at may luhang naglandas sa mga pisngi niya. Kaagad kumilos ang kamay ko para tapikin ang balikat niya.

“I’m still here,” matatag kong sabi.

“I know. I should have told you everything before. This could not be the end of this.” Tinuyo niya ang kaniyang mga mata. “I want you to cremate Dad.”

“Are you sure?”

Tumango siya. “That’s what he told me before… before our last fight in Underground. You see, he already knew it’s coming.”

Kagat ang labi na tumango ako. “I’ll cremate him… and Sahara as well.”

“And after that…” mahina niyang sabi. “I’ll leave.”

“What? Where are you going?” Napamaang ako. “Tokyo?” hula ko. “The Japanese teacher in Rapsodhee High, she’s your mother, right? Mikoto Ichigami?”

“Paano mo nalaman?” Gulat niya akong nilingon.

“Dune told me,”

Tumango siya.

Napabuntong-hininga ako. Wala pa may ay alam ko na ang balak niyang pagpunta sa Japan para hanapin ang kaniyang ina. Nag-aalala ako, sa totoo lang. Pero wala akong kakayahan na pigilan siya. Karapatan niyang hanapin ang kaniyang sarili pagkatapos ng lahat ng ito.

“This will set me free from pain,” aniya.

Marahan akong tumango. Naiintindihan ko siya at sang-ayon ako sa binabalak niya.

“Be ready for your journey,” sabi ko. “Life is a bitch if you act like a bitch, always remember that.”

“I’m not like you,” puno ng sarkasmo niyang sagot. “I hope one day, we will see each other again,” sabi niya ulit.

“I’ll find you if you don’t come back,”

Nilingon niya ako at matiim na tinitigan. “Did he show up already?”

Natigilan ako. Sumalakay na naman ang lungkot sa dibdib ko. Nakatungo akong umiling. “I still don’t know where he is,” sabi ko.

“I’m pretty sure he’s alive. He’s Creed, even Grim Reaper could not kill him. Besides, Ghost Organization is yours now. Use it to find him.”

Bahagya akong napangiti. “I… I hope so.”

Marahan siyang tumango, saka muling tumanaw sa labas ng bintana. May ngiti sa labi ko nang alisin ko ang aking paningin sa kaniya. Siya na lang ang natitira sa akin. Kahit ano’ng mangyari, hindi ko hahayaang lumaban siya nang mag-isa. Iingatan ko siya sa abot ng aking makakaya. 

Aellon, I promise you… I will take care of her. Please, take care of Sahara and Tiarah.

Ilang sandali pa’t natanaw ko ang pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Ipinakita sa akin ang hugis ng mga ulap. Lihim along napangiti. Tama sila... pagkatapos ng dilim ay may liwanag. Sa buhay ay palaging may mga maling desisyon, pero kagaya nga ng sinabi ni Dune, ang mahalaga ay may matutunan ka sa bawat mali.

Ang buhay ko ay hindi perpekto. Hindi ko na mababawi pa ang mga maling nagawa ko. Sa magulong mundong pinasok ko, may isang mahalagang bagay akong natutunan.

Mahalaga ang buhay ng tao. Hindi ito laruan, hindi kasangkapan. Dapat itong ingatan at mahalin. Hindi dapat hayaan ang galit na mangibabaw sa puso dahil iyon ang nakasisira sa buhay. Tila iyon lason na unti-unting pumapatay sa isang nilalang.

Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang kwento ng buhay ko. Ito pa lamang ang simula ng sunod na kabanata. At kung dumating man ang mas matinding pagsubok sa akin, alam kong nakahanda na ako...

Ang bagong Temple Strawford.




................................



It's the end...

This is much shorter than Gangster High, but I hope na nag-enjoy pa rin kayo. Salamat nang marami sa walang sawang pagtutok at pagmamahal sa mga characters na ginawa ko.

I love you all...

Oh wait... There will be one last part of this novel: it's the teaser for Naami's story. So, stay tuned one more time.


Jazzie S. Bayla

The Art of the Game (GHS 1) CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat