Chapter 22

54 7 2
                                    





Chapter 22




Betrayal nga bang matatawag ang ginawa ko? Ngayon na nakatayo ako at handang lumaban para sa Kingsville Academy, nagtraydor nga ba ako sa Rapsodhee High?

Hindi.

Unang-una ay may sarili naman talaga akong laban sa simula pa lamang. Hindi naging prayoridad sa akin ang larong ito. Ang desisyon kong lumaban para sa Kingsville Academy ay umayon lang sa dapat kong gawin. Nagtraydor ako, oo, pero hindi sa school kundi sa aking mga naging kaibigan.

Nakita ko ang matinding pagkamuhi sa mukha ni Naami. Matalim ang mga titig niya sa akin at base pagkakakuyom ng kaniyang kamao, masasabi kong gustong-gusto niya akong saktan. Gusto niya akong patayin.

“I will kill you, bitch,” sabi niya.

Hindi ko nakuhang sumagot lalo pa at naramdaman ko ang komosyon sa paligid ng ring. Lahat kami ay natigilan nang kumilos ang hawla at napatingin sa taas. Wala kaming ideya sa nangyayari. Hanggang sa maramdaman kong hinila ang sahig pataas. Ilang minuto bago ito huminto. Apat na talampakan ang iniangat nito mula sa mismong sahig ng Underground. Hindi mataas, pero sigurado akong ang mahuhulog sa ibaba ay idedeklarang talo sa labang ito.

Umugong ang bulungan sa paligid. Pati sila ay nawiwirdohan din sila sa gustong mangyari ng konseho ngayon. Ito ang sinasabi nilang inihanda ng Underground Council para gawing mas kapanapanabik ang laban ngayon?

“They are probably trying to make this match more interesting,” bulong ni Daxz nang mabasa ang iritasyon sa mukha ko.

“Interesting? This is fuckin’ insane. Is not this fight enough? They are toying us,” sabi ko.

“This is a game; we are the pieces. Of course, they will toy us the way they want,”

May punto siya. Dapat ay hindi na ako nagulat na may pakulong ihinanda sa gabing ito.

“Stop complaining and start what you need to do,” muling sabi ni Daxz. Ipinaalala niya sa akin na nasa gitna kami ng laban.

Napatingin ako kina Naami at Creed. Nahuli ko ang makahulugan nilang titig sa isa’t isa. Nagpapalitan sila tahimik na salita na sila lang ang nakakaintindi.

Nang tila natapos ang tahimik na pag-uusap ng mga mata nila ay mabilis na kumilos si Naami. Sa mabilis na hakbang ay nakalapit siya sa akin. Ako ang puntirya ng mga atake niya, pero nakahanda ako kaya mabilis akong nakaiwas sa una niyang suntok. Nakakasorpresa ang mabilis at sunud-sunod na atake niya. Bawat suntok at sipa na pinakawalan niya ay may lakas at galit. Humahanap pa siya ng tamang tiyempo para gamitin ang snake boxing skills niya.

Isang huling iwas ang ginawa ko sa sipa niya kasabay ng counter attack. Sa pagyuko ng aking ulo para iwasan ang sipa niya ay kasabay na gumalaw ang kaliwa kong paa at mula sa likod ay nagawa kong patamaan ang kaniyang mukha nang walang kahirap-hirap. Napaatras siya, pero hindi bumagsak.

Dumako ang paningin ko kay Creed na nakatayo lang at nanonood. Siya ang gusto kong pabagsakin. Gusto kong manalo sa labang ito at bago ko magawa ‘yon ay kailangan ko siyang pabagsakin. Si Naami ay hindi problema sa akin. Natalo ko na siya nang isang beses. Matatalo ko ulit siya.

Ihinanda ko ang sarili ko sa pagsugod, pero natigilan ako nang makita ang paglampas sa akin ni Daxz. Dire-diretso siyang sumugod sa kinatatayuan ni Creed. Nagsimulang umatake si Daxz, depensa naman si Creed. Narinig ko ang tunog na nilikha ng pagtama ng mga katawan nila sa isa’t isa at inaamin kong gusto kong makita kung sino ang magwawagi sa kanila.

“Hey, I’m here,” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Naami. Sumalubong sa tiyan ko ang malakas niyang sipa. Napaungol ako sa sakit kasabay ang pag-atras. Nawala ang atensyon ko kina Creed at Daxz at hinarap siya.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon