Chapter 30

20 2 1
                                    







CHAPTER 30





Dumiin ang daliri ko sa gatilyo ng baril habang walang kurap na nakatitig sa mga mata ni Klein Demith. Handa na akong tapusin ito. Para sa ikatatahimik ng—

“Temple…”

Napalingon sa pinto, at umawang ang mga labi ko nang makita si Fashia na nakatayo roon. Humihingal siya, duguan ang damit at mga kamay. Mahigpit niyang hawak ang kwarenta y singkong baril sa kaliwa niyang kamay.

“Fashia!” Mabilis ko siyang nilapitan. “Damn it! What are you doing here?”

Nawala ang atensyon ko kay Klein at sa halip ay tuluyang hinarap si Fashia. Gamit ang malayang kamay ay kinapa ko ang kaniyang katawan. Wala siyang sugat.

Paanong...

Hindi sa kaniya ang mga dugong ito.

“Fashia?” Kunot-noo kong tiningnan ang kaniyang mukha. Walang reaksyon doon. Blangko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Sumipa ang kakaibang pakiramdam sa sikmura ko. “Fashia… isa kang—”

Malakas na tawa ni Klein ang pumutol sa sinasabi ko. Kaagad akong umatras papalayo kay Fashia, nanlalaki ang mga mata. Sa sulok ng damdamin ko ay pilit kong itinulak ang katotohanang unti-unting lumalantad sa harapan ko. Katotohanang hindi ko kayang tanggapin.

“Temple, meet Fashia… one of my best assassins,” tila nang-iinis pang sabi ni Klein.

Hindi ako nakaimik. Bagamat inaasahan ko na, tila bombang sumabog pa rin sa pandinig ko ang salitang iyon. 

Bakit? Bakit si Fashia pa?

Napalingon ako kay Klein. Naglalaro ang masayang ngiti sa mga labi niya habang tumatayo. Hindi ko ito napaghandaan. Hindi ko naisip na maaaring may secret weapon siyang ihinanda para sa akin.

Patuloy ang mga putok ng baril sa labas ng malaking bahay. Hindi ko masabi kung sino ang nakalalamang at kung sino ang matitirang buhay. Ngayon na kaharap ko si Fashia ay bigla akong nalito kung ano ang dapat kong gawin. Sino ang uunahin kong patayin?

Kaya ko bang patayin si Fashia na naging kaibigan ko—

No, she is not your friend, Temple. She was never your friend. Everything is a lie. She’s gonna kill you!

“Let me tell you something,” ani Klein. “She’s the one who tried to kill you. You just got lucky because Aellon stepped in the way.”

Nanikip ang aking dibdib. Siya ng naka-hood na assassin na umatake sa akin sa pasilyo ng Rapsodhee High. Noon pa man ay binalak na niyang patayin ako.

“One more thing, she’s one of those assassins who killed your parents,”

Nabingi ako sa malakas na tawa ni Klein. Nagpuyos ang damdamin ko sa sayang ipinakita niya sa akin. Hindi ko matanggap katotohanan na ang itinuring kong kaibigan ang isa sa mga pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko matanggap ang sunud-sunod na rebelasyong sumabog sa harapan ko.

Hindi niya ako itinuring na kaibigan. Sa simula pa lang ay nakipaglapit siya akin dahil sa utos ni Klein Demith. Kaya pala kahit ano’ng pambabalewala ang ipakita ko sa kanya’y hindi niya ako nilayuan.

Ang nangyari sa gubat nang araw na iyon. Ginamit ni Fashia si Heina para dalhin ako sa gubat at makaharap si Klein Demith. Hindi totoong nanganib ang buhay niya. Nakaplano ang lahat.

Nanginig ang kamay kong may hawak na baril. Idinikta ng utak kong itutok iyon sa direksyon ni Fashia, iputok, at ubusin ang bala. Assassin siya ni Klein. Ano mang sandali ay pwede niya akong patayin.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon