Chapter 27

15 2 1
                                    






CHAPTER 27





Marahan kong pinisil ang sugat sa aking braso. May bendang nakatali rito ganoon din sa buong katawan ko para takpan ang mga sugat sa aking dibdib, tiyan, hita, at kaliwang tagiliran. Sino’ng mag-aakalang makakaligtas pa ako pagkatapos kong tumalon sa ilog habang hinahabol ako ng mga bala?

Nasa bingit na ako ng kamatayan, pero isang halusinasyon ang nagligtas sa akin. Ang tinig ni Naami na humihingi ng tulong. Marahil ay binigyan ako ng bagong buhay para iligtas at protektahan ang aking kapatid.

Nagawa ko pang lumangoy patungo sa pampang sa kabila ng mga sugat ko. Nawalan ako ng malay at nang magising ako ay mukha ni Dune Strawford ang nakita ko. Hindi ko alam kung paano niya ako natagpuan sa gilid ng ilog, pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay buhay ako at ligtas.

Nang biglang kumudlit sa aking alaala ang mukha nina Sahara at Aellon ay natigilan ako. Sa huling pagkakataon, nakita ko silang nakangiti. Sa una at huling pagkakataon at sa napakaikling sandali ay nabuo ang pamilya ko, ang totoo kong pamilya, ang totoong ama at ina ko. Isang pagkabuo na nawasak din kaagad sa napakasakit na paraan.

“Temple…”

Marahan akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Dune na papalapit. Nakangiti siya.

“You okay now?” Naupo siya sa tabi ko at sinalat ang aking braso na nakabalot sa benda.

Hindi ako sumagot.

“I was worried about you,” sabi niya. “Tatlong araw kang walang malay. I was afraid na dalhin ka sa hospital because of the situation. Buti na lang, nagising ka na.”

Napatungo ako. “I am sorry…”

“For what?”

Umiwas ako ng tingin. 

“Temple, what’s the problem? Are you hurt?” nag-aalala niyang tanong.

“I am sorry... for everything,” mahina kong sagot. “I know, kahit hindi mo sabihin ay sinisisi mo ako sa pagkamatay ni Tiarah. She died protecting me and it’s my fault.”

“What are you saying?”

“You love Tiarah so much.” Lalo akong napatungo. Nasasaktan na naman ako. “I always wanted to say sorry, pero lagi akong nauunahan ng takot. Takot na baka mawala ka rin sa akin. Pagkatapos ng nangyari ay ikaw na lamang ang natira sa akin. Natakot akong harapin ang galit mo. Ayokong mawala ang lalaking tumayong ama sa akin nang mahabang panahon.”

Ilang saglit na katahimikan ang dumaan sa pagitan namin. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ko sa seryosong pagkakataon si Dune, at inaamin kong natatakot ako sa kahihinatnan nito.

Tumawa si Dune. “Silly girl. Lagi kong iniisip na sobrang matured ng isip mo kumpara sa mga kabataang kaedad mo, pero ngayon, nakikita kong inosente ka pa.” Tinapik niya ang ulo ko na parang bata. “Lumalabas pa rin talaga ang batang Temple kahit papaano.”

Napatingin ako sa nakangiting mukha niya. “H-hindi ka galit sa akin?”

“Why? Do I have a reason?”

“But—”

“Temple, listen to me.” Sumeryoso ang tinig niya. “What happened was not your fault. Even before Tiarah and I got married, I already knew na hindi magkakaroon ng happy ending ang pagsasama namin. Yes, we love each other so much, but our love was not enough to fight the game especially that we did not finish it.”

“You know the game?” Napamaang na naman ako.

“Of course, I know the game. Hindi mo alam, pero nakilala ako ni Tiarah sa Rapsodhee High.” Tumawa siya, tila naaaliw sa reaksyon ko. “Surprised? I was one of the rooks and I knew Sahara as the monster queen, kaya nang magpalit sila ng katauhan ni Tiarah, nalaman ko kaagad ang pagpapanggap nila. I was the first person in Rapsodhee High na pinagkatiwalaan ni Tiarah simula nang dumating siya roon.”

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now